II: Hindi inaasahang PAGBATI
"Maligayang pagbabalik Amia Zenith"
"Welcome home Amia"
Yan ang pinakauna kong narinig sa muling pag apak sa lupang pinagmulan, ang Zillionia. Subalit hindi ko na napagtuunan ng pansin ang kakatwang pagbating iyon pagkat mas pumukaw sa pansin ko ang hindi pamilyar na kapaligiran at ang dalawang matandang noon ko lang nasilayan.
Dahil first time kong gamitin ang portal, nagkandaligaw ligaw ako. Iniisip ko naman ang dati naming bahay gaya ng sinabi ni lolo't lola, ang dalawang matandang tumulong at pansamantalang kumupkop sa kin. Subalit kahit anong gawin ko, napapadpad pa rin ako sa maling lugar.
Sinubukan ko ring isipin ang Sentro at iba pang lugar na malapit sa tahanan namin. Pero lagi akong bigo.
Ngayon ko lubos na napagtanto kung gaano kalawak at kalaki ang aming mundo. Mas malaki pa ito kaysa sa inaasahan at alam ng nakakarami.
Halos isang buwan ang inabot at ginugol ko bago ako makarating sa Midland. And believe me, napakahaba na ang isang buwang paglalakbay sa mundo ng gahum.
Nandito ako ngayon sa hangganan ng isa sa walong district ng Midland. Swerte ko na at napadpad ako ngayon dito.
Mataas ang lugar kaya mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang napakalaking ciudad ng Midland na kung tawagin ay Sentro.
Sa wakas, after a month napadpad din ako dito.Sa pwesto ko ngayon ay hindi matanaw ang kabuuan ng Sentro dahil sa sobra nitong laki. Unlike pag sa bahay namin ko titingnan ang naturang ciudad, kitang kita doon kung gaano ito kalawak at kalaki. Maski ang mga distrito sa paligid ng Sentro na parte pa rin ng Midland ay kitang kita rin mula roon.
Nasa Kanlurang bahagi ako ng Zillionia. Ang Distritong kinaruruonan ko ay napapagitnaan ng Akademya at Midland. Sa Silangan bahagi namam ng Zillionia ang aming tahanan. Pero kitang kita ang tuktok nito sa pwesto ko kahit napakalayo pa nito. Samo't saring emosgon ang lumukob sa akin kahit tuktok lang ang nakikita ko. Pero tila may kakaiba sa Mount Maikten?
Saglit akong tumigil at napagpasyahang dito magpahinga pagkatapos ng isang oras na paglalakad. Saktong sakto at tanghalian na.
Di na kaya ng enerhiya ko ang gumawa muli ng portal para makapunta at makarating sa tahanan namin. Sa loob ng isang buwan ay masasabi kong halos gamay ko na ang paggamit ng portal. Subalit sadyang said na said lang talaga ang enerhiya ko ngayon pagkat mahigit dalawampung beses ko nang ginamit ang portal ngayong araw na ito lamang.
Mahigpit ang bilin sa akin na huwag na huwag sagarin ang aking katawan. Hindi pa raw ako handa.
Sinusunod ko ang bilin na iyon pagkat hindi lang ang mga magulang ko ang nagsabi sa akin nang paalalang iyon. Marami na sila. Maging sina lolo't lola ay ganoon rin ang huling mga salitang binitiwan sa mahabang paalamanan na nangyari.
Noong unang beses kong masubukan ang paggamit ng portal ay hindi ko na ulit nagawa iyon sa loob ng isang araw. Akala ko pa nga ay sadyang nagkataon lang na pinakinggang ako ng mga diyos at diyosa kaya bumukas ang portal noong araw na iyon. Tsamba kung baga. Subalit kinabukasan muli kong nagawa at hindi lang iisang beses kundi dalawang beses pa.
Sa tulong nila lolo't lola ay natutunan ko ang mabilisang paggawa at paggamit ng portal na hindi ginagamitan ng mantra. Pero ibayong lakas at enerhiya pa rin ang kapalit. Kaya ito, kelangan kong kumain ng tanghalian at magpahinga para manumbalik ang aking lakas.
Makalipas ang halos isang oras na pag idlip ay napagpasyahan ko ng ipagpatuloy ang paglalakbay. Isang oras na lang na paglalakad ay mararating ko na ang pinakamalapit na istasyon ng tren sa distritong ito na magdadala sa akin sa Sentro. Doon muna ako mag papalipas ng gabi bago magtungo sa aming tahanan.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...