Nagtatakang nilibot ng isang walong taong gulang na batang babae ang paningin sa lugar na kanyang nabungaran.
Malalim na ang gabi kaya malamang napakadilim na ng paligid. Ang mga forest fairies na kasalukuyang nagliliwanag ang bukod tanging nagbibigay tanglaw sa lugar. Pero hindi ang mga ito ang dahilan kung bakit malinaw na malinaw niyang nakikita ang paligid. Iyon ay dahil sa kakaiba niyang mga mata.
Noong sanggol pa lang siya ay hindi niya alam ang gabi at dilim. Palaging malinaw niyang nakikita ang paligid. Walang pagkakaiba ang araw at gabi, ang liwanag at dilim. Hanggang sa inilarawan ng magulang niya ang pagkakaiba ng dalawa. Doon niya napagtanto na araw pa pag malinaw at matalas ang kanyang paningin at gabi na pag lumamlam ng kunti. Noong una ay halos hindi niya mapapansin ang pagkakaiba pero nakasanayan niya na.
Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Agad niyang napagtanto na nasa hilagang bahagi siya ng Zillionia. Patunay ang naririnig niyang agos ng tubig mula sa isang napakalaki at nagliliwanag na talon sa bandang kaliwa niya. Kung gayon ay ilang metro lang ang layo niya mula sa kinatatakutang lugar ng mga Zillionian. Hindi siya maaring magkamali pagkat kabisado niya ang lugar.
Pero bakit puting liwanag ang nangagaling sa talon imbes na ginto?
"eh?" Hindi niya lubos na naiintindihan ang nangyayari. Isa pa ay sa Silangan siya nakatira. Anong ginagawa niya sa Hilaga? Gayong milya milya ang layo ng dalawa.
"Paano ako napadpad dito?" mababanaag ang pagtataka pero bakas pa rin ang pagkamangha sa kanyang malamyos at munting tinig.
Ang pagtatakang nadarama ay panandaliang nawaglit ng marinig na paulit-ulit na ginagaya ng mga forest fairies ang sinabi niya gamit ang kanilang cute, matitinis at maliliit na boses.
"Paano ako napadpad dito?"
"Paano ako napadpad dito?"
"Paano ako napadpad dito?"
Hindi niya napigilan ang matawa.
Unti-unti ay pinapalibutan siya ng mga ito.Bilang tagapangalaga ng kagubatan ay maaaring may nalalaman ang mga ito sa nangyayari.
Magtatanong na sana siya nang biglang nawala ang mga liwanag sa mga forest fairies. Natitiyak niyang napakadilim na ng paligid. 'Kung ano man ang hitsura ng dilim'. Mas lalo pa siyang nagtaka nang maramdamang nag alisan ang mga forest fairies. Napabaling naman siya sa kaliwa ng maging ang talon ay nawalan ng liwanag. Maging ang agos at tunog ng pagbagsak ng tubig ay di niya na naririnig. Nakakabinging katahimikan ang lumukob lalo na nang maging ang hangin ay di niya maramdaman."Anong nangyayari?" pinakiramdaman niya ang sarili baka sakaling napasailalim siya sa isang gahum. Pero hindi. Imposible iyon dahil bukod sa wala siyang kasama ay hindi rin siya nakaramdam ng kakaiba.
Hindi nagtagal ay agad siyang naalerto sa biglang narinig na ingay sa napakatahimik at 'madilim' na lugar na iyon.
Kalkulado at mabilis ang kanyang naging pagkilos. Sa isang iglap ay nasa taas na siya ng isang puno. Pilit ikinukubli ang maliit na katawan sa sanga at mga dahon nito. Nakakamangha ang bilis at tiyak niyang mga galaw. Ni hindi man lang lumikha ng katiting na ingay ang mabilisan niyang pag-akyat. Sadyang likas iyon sa isang bihasa na tulad niya.
Kunot noong sinipat niya ang lugar na pinanggalingan ng ingay. Yabag ng dalawang babae ang kanyang naulinigan. Base sa kanyang naririnig ay may pagmamadali sa kilos ng mga paparating.
"Hindi ko na kaya" Bakas ang paghihirap sa boses ng babaeng nagsalita. Nakikita niya na ang dalawa. Natatanaw niya ang kulay abo at alon alon nitong buhok. Bumagal ang pagtakbo nito hanggang sa napaupo na ito sa pagod ilang metro ang layo mula sa punong pinagtataguan niya. Kapansin pansin ang pagiging alerto ng mga mata nito habang tila ingat na ingat sa paghimas ng tiyan. Agad namang tumigil ang kasama nito na may pulang mahabang buhok.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...