Meeting Her
Fyrah's POV
Mula noong araw iyon ay araw-araw na kaming pabalik-balik ng Sentro ni ina. Ipinagpapasalamat na lang siguro namin na hindi umabot sa Apat na Quadrant ang naturang kaguluhan.
Pero ang ipinagtataka ko ay bakit bukod tanging sa Midland lang ito nangyayari? Kung tutuusin ay nagsimula iyon sa iba't ibang bahagi ng aming mundo.
Pero magmula nang makarating sa Sentro ang kaguluhan ay hindi na iyon umalis pa. Mula noon ay sa Sentro at sa walong Distrito na lang nagpabalik balik ang kaguluhan. Sa madaling salita, sa buong Midland na lang ito nangyayari.
Bagamat sa unang tatlong araw lang walang humpay at malakas ang kaguluhan sa Sentro ay nakakabahala pa rin na mula noon ay madalas na itong nangyayari. Magdadalawang buwan na.
Duda ako na alam ng emperyo o nang konseho ang ang nangyayari nitong nakalipas na buwan. Bukod tanging ang naunang tatlong araw lang kasi may mga knights na tumutulong. Pero hindi na ako nagtaka kung bakit hindi nila alam ang mga sumunod pang kaguluhan.
Sa hindi malaman na dahilan ay inaagapan ito parati ni ina bago pa mahalata ng iba. Mabuti na lamang at hindi bababa sa sampung bilang ng Zillionian ang nakakaranas ng pagwawala ng gahum nitong mga nakaraang araw. Karamihan pa sa mga ito ay mga bata.
Hindi ko madalas makita ang pagwawala ng kontrol ng gahum dahil madalas si ina ang nakakakita. Tinatawag niya lang ako upang kunin ang mga batang pinatulog niya at ako na ang bahalang gumising sa mga ito.
Gustuhin ko mang magtanong ay pinipigilan ko. Malamang pagagalitan niya lang ako. Isa pa ay kilala ko si ina. Sasabihin niya sa akin ang nagyayari sa tamang oras. Alam niya kung ano ang dapat gawin.
Di ko lang talaga mapigilan ang magtaka. Bakit kailangan naming gawin ito ng palihim. To think na naisaalang-alang na ang gusto niyang tahimik na pamumuhay.
Imagine, halos labingdalawang taon kaming nagpakalayo-layo sa kabihasnan. Kaya ako tumatakas eh. Para makapunta ng Sentro at sa iba pang lugar.Pero heto kami, dalawang buwan na sa Sentro. Na syempre siyang kinatuwa ko naman dahil pabor ito sa akin.
Pero ang inaakalang normal na araw na may iilang bata na gigisingin ay di nangyari. Pagkat isang kagimbal gimbal pa na kaguluhan ang nababadya.
Hindi lang ang Midland kung saan matatagpuan ang Sentro at ang walong karatig na distrito ang nagkagulo. Maging ang apat na quadrant kung saan makikita ang apat pang kaharian ay nadamay na.
Sabay-sabay nagkagulo ang lahat. Hindi na lang kami ni ina ang tumulong kundi maging ang mga Zillionian, preceptor at mga nasa katungkulan. Nagkalat ang mga Knights ng palasyo para tumulong.
Maging ang tanyag na troupers ay nakita ko rinInabot ng limang oras ang kaguluhan. Ang pinakamalala at pinakamahabang kaguluhan. Ngayon lang nangyari na ang buong mundo namin ang apektado.
Ina, sana naman ay sabihin mo na sa akin ang nalalaman mo. Nakakabahala na ang nangyayari ngayon.
___________
Pagkatapos ng kaguluhan ay napadpad ako sa Torre ng Kaalaman.
Sa makailang ulit kong pagtakas noon para pumunta ng Sentro ay hinding hindi ako pumapasok dito. Hindi kasi ako mahilig magbasa.
Pero dahil sira na ang halos buong Sentro kaya sa Torre ako pumasok. Isa kasi ito sa iilang mga lugar na hindi apektado at hindi nasira.
Gaya ng inaasahan ay nauwi sa pag idlip ang balak kong pagbabasa. Pinilit ko naman, kaya nga may aklat akong tangan tangan. Sadyang nakakaantok lang talaga, isama pa ang nakakapagod na pagtulong kanina.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...