V: Torre ng Kaalaman
Kinaumagahan ay parang walang nangyaring kaguluhan noong nagdaang araw. Hindi lang ang lugar ang bumalik sa dati. Kundi maging ang mga Zillionian ay balik sa pang araw-araw nilang gawain. Tuloy pa rin ang buhay na parang walang nangyari. Na tila ba normal na ang nangyaring kaguluhan kahapon. Na tila ba pangkaraniwan lamang ang kakatwang pagwawala ng mga gahum na iyon.
Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. Ano pa ba ang pagtatakhan ko sa aming mundo. Dapat na akong masanay sa mga di pangkaraniwang kaganapan ngayong nasa Zillionia na ako.
Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad ng may nakapaskil na mga ngiti sa aking mga labi.
Balak kong akyatin ang bundok Maikten ngayon. Isang araw mahigit ang aking gugugulin pag sumakay ako sa tren mula sentro hanggang paanan ng bundok. Pero dahil kaya ko ng magteleport kaya walang problema.
Kaya heto at nasa paanan na ako ng bundok. Pwede naman akong magteleport sa tuktok pero hindi ko kayang isipin ang lugar na iyon na wala ang tahanan namin.
Gayon na lang ang gulat at lungkot ko sa nakikita. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nilang sagutin ang mga tanong ko? Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ako iyakin, pero pag ang malalabit na lugar at mga nilalang sa buhay ko ang sangkot ay ibang usapan na. Kung hindi ako nagkakamali ay mag ddalawang taon na akong hindi umiiyak.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maihakbang hakbang ang paa ko papasok ng gubat. Patay na ang lahat ng puno at halaman na aking nakikita sa paanan ng bundok. Sinipat ko pa ang ibang bahagi ng bundok upang mas manlumo lamang sa nakita. Wala ng kabuhay buhay ang Mount Maikten. Sa mga nakita ay kusang umatras ang mga paa ko at dali daling humakbang pabalik ng sentro. Kung sa paanan pa lang ay mga patay na lahat ng puno, paano pa sa tuktok! Hindi ko yata kayang makita ang lugar na yon na walang kabuhay buhay at wala ang munti naming tahanan. Tahanang puno ng ala-ala naming pamilya.
Speaking of pamilya. Namiss ko tuloy ang mga naiwan ko sa mundo ng mga mortal.
"Sigurado ka ba sa iyong gagawin apo?"
"Kailangan ko pong gawin ito. Lalo na po ngayon na may mga buhay ang nakasalalay sa aking mga kamay"Naalala ko ang huli naming paguusap ni mamang. Kamusta na kaya sila?
Ngayong nasa Zillionia na ako ay baka maaari ko silang dalawin lalo pa at kaya ko naman ng gumawa ng portal. Pero natatakot ako. Hindi ko pa alam ang hangganan ng natuklasan kong kakayahan. Pano pag hindi na naman gumana.Tama. Hahanap ako ng impormasyon tungkol sa portal. At panahon na rin upang simulan ang aking misyon.
Ang Torre ng Kaalaman sa Sentro ng Midland ang pinakamalaking aklatan sa buong Zillionia. Mahigit tatlumpu ang Torre ng Kaalaman sa buong Zillionia at ang labing-walo ay matatagpuan sa Midland. Magkakaiba man sa laki at taas ay iisa lang ang disenyo at istraktura ng Torre. Sa malayo ay maipagkakailang yari sa aklat ang kabuuan nito pero ang totoo ay gawa sa salamin ang buong Torre. Pero dahil ang pagkakasalansan ng mga aklat ay pabilog at buong Torre ang okupado kung kaya maipagkakailang yari ito sa aklat . Kung kaya ay kilala din ito sa bansag na torre ng aklat.
Nakangiting pumasok ako sa loob. Isa ito sa pinakanamimiss ko dito sa Zillionia. Bukod sa Forbidden Forest ay dito rin ako madalas namamalagi noon.
Kahit papano ay panandalian kong nakalimutan ang nasaksihan at natuklasan kanina.Sumisikat na ang haring araw kung kaya may liwanag nang pumapasok mula sa tuktok ng Torre na gawa rin sa salamin. Ito ang nagsisilbing liwanag sa buong lugar samahan pa ng mga bolang apoy na nakalutang sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...