IV : Zilch

21 7 0
                                    

Zilch

Fyrah's POV

Sa Polygon field kami pinapunta para magkita-kita. Good thing pagkat isa sa limag gusali na bumubuo ng polygon ang cafeteria. Kaya mabilis akong nakarating dito.

Ang polygon field ay ang espasyo sa gitna ng magkakatabi at magkakarugtong na limang gusali na bumubuo ng polygon. Dahil sa lawak at laki ng polygon field at parang nagsilbing wall paikot dito ang limang gusali. Imagine limang malalaki at mahahabang gusali ang bumubuo sa polygon wall. Di na kataka-taka ang laki at lawak ng field. Ang field kung saan nagsasanay ang lahat.

Bawat limang gusali ng polygon ay may dalawang lagusan. Isa papuntang labas at isa papasok ng polygon field.

Kakaunti pa lang kaming nandito. Namumukhaan ko ang lahat ng nandito na kasama ko kagabi. Pero wala si ganda.

May isang minuto pa bago ang itinakdang oras para sa pagtitipon. Isang paanyaya na bumungad sa akin paggising na paggising ko kanina.

Pumunta akong gilid at umupo sa ugat ng puno. May mga punong nakapalibot sa naturang field at ang mga ugat nito ay nagkorteng upuan. Sinadya iyong gawin ng isang gnomes, an earth elementals.

Kahit tanghaling tapat ay hindi mainit dito sa field dahil may gusali pa sa taas nito na nagsisilbing bubong. Yeah, a field inside the building indeed. Gawa ito sa salamin kaya maliwanag pa rin dahil sa sinag ng araw na tumatagos dito. Pero hindi lang ang gusali sa itaas ang yari sa salamin, maging ang limang gusali na nakapaikot sa polygon field.

Hindi lang isa kundi dalawang palapag ang nasa itaas. Bale tatlong palapag ang naturang Polygon. Kung ang sa ibaba ay binubuo ng limang magkakaibang gusali, sa pangalawa at pangatlo ay parehas na isang buong gusali ang umuukupa bawat palapag.

Kung dito sa polygon field titingnan ay parang isang bubong na salamin lang ang nasa taas namin. Hindi mo aakalaing may palapag pa sa bahaging iyon. Pero pag sa labas mo tingnan ay kitang kita na may dalawang palapag pa sa itaas.

Training area ang pangalawang palapag. Mas advance ang nakapaloob na gahum doon kesa dito. Sa pangatlo naman ang bulwagan. Dahil sa gahum kung kaya hindi kita ang mga bituin habang kumakain kami kagabi doon. Kaya hindi pansin na salamin din ang naturang bulwagan.

Nang dumami ay nagtipon-tipon na ang mga kasamahan ko sa gitna. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aabang sa kanya. Nang makitang pumasok ng field si ganda mula sa library ay dali dali akong sumabay sa paglalakad niya.

"Welcome to Zillion Academy!"

Dumagundong sa buong Polygon field ang malamyos na tinig na iyon saktong pagdating namin sa gitna kaya di ko na nakausap pa si ganda.

Natahimik ang lahat pagkarinig sa babae. Lahat ay hinahanap kung saan nanggaling ang boses. Sabay-sabay tumingin sa harapan ang lahat ng biglang may apat na sumulpot. Kasabay nito ay ang pag angat ng parte ng field na kinatatayuan nilang apat. Dalawang baitang ang taas ng nagsisilbing bagong gawang entablado ng isang tanyag na gnomes na isa sa apat. Kilala ko silang lahat at isa sa kanila si binibining Harmony, ang dahilan kung bakit kami nandito.

Hindi na ako nagtaka sa reaksyon ng lahat ng mapagtanto at makilala kung sino ang nasa harapan namin. Maliban kay ganda na hindi sa entablado nakatingin. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at doon ko lang napansin na pinapalibutan kami ng mahigit sa sampung preceptors. Bakit di ko man lang naramdaman ang pagdating nila?

"Kanina pa sila nandito, gumagawa ng barrier. Hindi niyo napansin dahil nasa loob na tayo ng Barrier. Isang layer pa lang ang nagagawa nila kaya hindi pa nakikita."

"Makapal na barrier ang gagawin nila? Kung ganon ay..." Napalingon ako sa harapan. Kaya ba silang apat ang nandito ngayon?

"Welcome to Zillion Academy!" Sabay-sabay na bati ng apat. They are standing proud in front of us full of authority. Respetadong respetado tingnan at kababakasan ng malakas na kapangyarihan.

Zillion Academy: The Power within meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon