I: Port and Portal
I'm currently sitting at the branch of the tree. Nagiingat na di makalikha ng anumang tunog at ingay. Kung may pagpipilian lang ako ay hindi ko na gugustuhing bumalik pang muli dito, lalong lalo na sa punong ito. Isang napakalaking puno na ilang taon ko ring naging tambayan. Nakasaksi sa lahat ng aking dinaramdam, mapa masaya man o malungkot na karanasan. So many memories, memories that I don't want to reminisce, though I didn't regret having.
Tiniyak ko muli na hindi ako mapapansin ng kahit sinong mapagawi ang tingin sa pwesto ko.
Any moment dadating na ang mga inaabangan at ang dahilan kung bakit ko tiniis na magpunta muli dito sa lugar na ito. Sadyang di maiiwasan na muli mong makita at mapuntahan ang mga lugar na pilit mong iniiwasang puntahan. Higit sa lahat... sadyang makikita at makikita mo ang mga taong pilit mong kinakalimutan.Matagal na akong naghihintay at nag aabang sa kanya. Aksidente ko siyang nakita noon na gumamit ng portal. Hindi ko naman inakala na iyon na din pala ang huli naming pagkikita. Isang taon mahigit akong nag antay na makita siyang muli. Sa wakas, ilang buwan na ang nakararaan ay natupad ang pinakaaasam ko. Muli ko siyang nakita. Magmula noon ay palihim ko siyang sinubaybayan. Siya ang susi para makabalik ako sa aking pinagmulan.
I was 8 years old when my parents died. Hindi ko maintindihan pero malabo sa aking alaala ang nangyari noong gabing iyon. Lahat ng ala-ala noong kabataan ko ay malinaw sa memorya ko maliban noong gabing namatay sila ina at ama.
For a young girl who doesn't have anyone to run to, a girl who got bullied because I don't have gahum, I found myself wandering at a place that is new and unfamiliar to me. But instead of having a place where I thought I belong, I found a place where I am an outsider. Again!
Who would have thought that I can actually read minds? I've been trying many times to discover my special ability. Why not? In Zillionia, I am the only one who doesn't possess any magic or what we called 'gahum'. And I am known for that. They call me Zilch. Zilch means nothing.
And now after 12 long years, I have an opportunity to go back to that place. Our home.
Bago pa ako dalhin ng mga alaala sa nakaraan ay nakarinig ako ng mga kaluskos. Paparating na ang taong makakatulong sa akin. And I am right, nakikita ko na siyang paparating.
Who would have thought that he is like me? I didn't know that he is also from Zillionia until last year noong nakita ko siyang lumabas sa portal. Nakakatawa nga at dito pa talaga kami nagkakilala sa mundo ng mga mortal na parehas kaming nagbabalat kayo at nakikibagay. Sobrang nakakatawa! Note my sarcasm here. Huh!!! . I've known him for years at ni hindi ko man lang napansin na may kakaiba sa kanya. To think na isa siya sa iilang pinayagan kong pumasok sa buhay ko. If, I just have known, edi ginamit ko sana ang mind reading ability ko sa kanya. Ako lang naman itong iniisip ang privacy nila kaya ng matutunan ko kung pano kontrolin ang abilidad kong ito ay hanggat sa maari ay di ko ginagamit sa mga nakakasalamuha ko.
Pero magpagayunman, kahit anong gawin o ginawa niya ay hindi ako makaramdam ng galit sa taong to. Kahit di ko pa man batid, alam ko na may dahilan ang lahat ng ito. Kung bakit sila nagbalatkayo. Kung bakit di ko naramdaman ang enerhiya nila. Siguro parehas lang rin naman kami ng sitwasyon. Magugulat rin siya pag malaman na sa Zillionia ako nagmula.
Pero di ko naman maitatangging may tampo ako sa kanya. Hindi dahil sa natuklasan kong magkauri pala kami kundi dahil sa bigla nilang pagkawala ng hindi nagpapaalam.
Isang araw kasi ay nawala na lang rin siyang bigla, na parang bula, tapos sa muling pagkikita pala namin ay matutuklasan ko ang tunay nyang katauhan. Pero dahil sa natuklasan ko, tiyak na may kinalaman ang pagiging Zillionian niya sa kanyang paglaho.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...