III: Sentro
Andito na ako ngayon sa Sentro. Pagkatapos kong iwanan ang mga lalaking iyon sa Forbidden Forest ay dito ako napadpad.
Batid ng lahat ang kakayahan ng naturang kinatatakutang gubat. Walang silbi ang kahit anong gahum sa Forbidden Forest kaya walang nagtatangkang pasukin ito. Para sa lahat ay sumpa ang gubat na iyon pero para saakin ay isa iyong tahanan. Pagkat doon ako komportable lalo noong isa pa akong Zilch.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay hindi lang nito pinapawalang bisa ang kahit anong gahum. May kakayahan din ang gubat na iyon na tanggalin ang gahum ng isang nilalang. Ang sinomang tumagal o manatili sa loob ng Vanish Forestis or Forbidden Forest ng isang buwan ay mawawala ng tuluyan ang kanyang kapangyarihan. Sa unang araw ay pinapawalang bisa lang ng gubat ang gahum, pero habang tumatagal ka sa loob ay unti unti itong mawawala sa'yo. Hindi iyon alam ng lahat pagkat wala ngang nagtatangkang pumasok maski sa bukana lamang.
Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko doon napiling dalhin ang mga lalaking iyon. Pinaubaya ko ang buhay nila sa Forest pagkat papatayin sila ng nag utos sa kanila pag isinuplong ko sila sa mga may katungkulan.
Hindi ko man nalaman at nakita sa isipan nila kung sino ang may pakana ng pangunguha nila ng gahum ngunit nalaman ko naman na hindi lahat sa kanila ay masasama ang budhi. Karamihan ay tinakot o kaya ay napipilitan lamang.
Dinala ko sila sa Vanish Forestis at hayaang ito ang maghusga at magparusa sa kanila. Pagkat kaya nitong malaman kung sino ang may mabubuting kalooban. Isa pa malaki ang tiwala ko sa Vanish.
Mabuti na lang talaga at tapos na akong magpahinga at kumain bago dumating ang mga lalaking iyon. Kahit na nabawasan ang nanumbalik kong enerhiya dahil sa pakikipaglaban ay kinaya kong mag teleport papuntang Forbidden Forest at dito sa Sentro.
Hindi ko na pinilit pa na gumawa ng isa pang portal. Hindi birong enerhiya ang kinakailangan sa paggawa nito.
Habang nag iisip kung paano ko sila madadala sa Vanish ay muli ko na namang narinig ang boses na iyon.
Sinunod ko ang utos niya at sinubukang mag teleport.
Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang bagay na iyon. Isa iyon sa napag aralan namin ni ama.
Masayang tinahak ko ang papasok ng Sentro.
Namiss ko to. Ang lahat ng ito. Lalo na sina ama at ina. Pilit kung iwinaglit sa aking isipan ang malulungkot na alalala, sa halip pinagsawa ko ang aking mga mata sa mga bagay at lugar na matagal kong hindi nakita. Hindi man maganda ang sumalubong sa akin pagkarating na pagkarating ko ng Midland ay hindi iyon kabawasan upang hindi mamangha sa angking kagandahan ng aking lupang pinagmulan.
I can't help but fell in love again with the beauty of this place......Zillionia. My home!!!
Napaka enchanting pa rin ng lugar. A magical paradise I felt in love with, the moment I laid my eyes on it. Itong mga magagandang tanawin na walang ibang dulot kundi kasiyahan sa akin. Ganon pa rin ang dulot nito magpahanggang ngayon. Gumagaan ang pakiramdam ko makita ko lamang ang lahat ng tanawin dito.
Napakagandang tanawin na nagdala ng kasiyahan sa aking puso.Masasabi ko ngang mas lalo pa itong gumanda. Ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip. Ang lugar na mahal na mahal ng aking mga magulang.
Punong puno ng iba't ibang uri ng makukulay at mahalimuyak na mga halaman at bulaklak.
Napakatingkad na berde at bughaw ang makikita na nakapalibot sa nagtatatasang mga bundok at burol.
Napakalambot at napakaputing mga ulap na nilalaro ng mga iba't ibang klaseng nilalang na nagsisiliparan sa himpapawid.
Malamig at malinis na simoy ng hangin na tila isisinasayaw ang mga pulot at dahon ng mga halama't bulaklak. The sound of the wind is very peaceful and quite magical. A paradise you never imagined how magical is its existence.
Iba't ibang amoy ng pinaghalo halong potion, mahika at halamang gamot.
Masasayang halakhak at tawanan mga batang naglalaro gamit ang iba't ibang mahika... Mga mamamayan na gumagawa ng pang araw araw na gawain. Mga nagtitinda at nagtatrabahong Zillionian.
Kaliwa't kanang gahum.
Punong puno ng gahum.
Nakakamanghang dulot ng gahum.
Na napakaganda at napakagaan sa pakiramdam.
Ilan lang ito sa mga sobrang namiss ko sa nakalipas na labindalawang taon. It maybe silly,pero kahit ang mga pambubuly sa akin ay namimiss ko rin.
Hindi ko namalayan ang mga luha sa nakingiti kong mukha.
I miss this place.
Sa Sentro ko nabatid ang dahilan ng aking mahabang paglalakbay. Wala na ang maliit at nagiisang bahay na dati naming tinirhan na matatagpuan sa tuktuk ng bundok Maikten. Malaki ang pinagbago ng naturang bundok. Wala na ang masayang pakiramdam na dulot ng maliit naming tahanan. Na kahit hindi naman talaga kita mula dito sa sentro ang bahay namin ay masaya akong tinitingnan dati ang tuktok ng bundok na tila nakikita ko ito. Iyon malamang ang napansin kong kakaiba sa Mount Maikten kanina.
Kaya pala kahit anong isip ko sa aming tahanan ay napapadpad pa rin ako sa ibang lugar. Pagkat naglaho na ito.
Walang nakakatiyak sa mga napagtanungan ko kung ano ang nangyari sa tirahan namin. Wala kasing nagpupunta sa bundok Maikten. Namalayan na lang nila isang araw na wala na ang naturang bahay na tinitirhan namin na siya nilang pinagtatakhan. Kahit nakatira kami sa mundo ng mga mahika, meron paring iilang pangyayari na nakapagtataka. Kagaya ng pagkawala ng aming mumunting tahanan.
Nakakalungkot mang malaman na wala na ang lugar na aking naging tahanan, ay di iyon nakabawas sa hatid na kasiyahan na dulot ng muli kong pagbabalik.
Nagulat pa nga ang mga napagtanungan ko at ang ilan ng mamukhaan nila ako. Akala daw nila ay yumao na ako kasabay ng aking magulang . Sinabi ko na lang na lumipat ako at nagpakalayo layo para makapagsimulang muli. Well, at least partly true naman. Sa mundo ng mga mortal nga lang.
At tila ayaw nilang sagutin ang mga katanungan ko. Di bale, bukas na bukas ay pupunta ako doon.
Nagpasya akong maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Hinahanap na ng likuran ko ang maayos na mahihigaan.
Dahil sa pagod ay naghanda ako para matulog at makapag pahinga kahit na mag aalas tres pa lang naman ng hapon. Ilang linggo rin akong walang maayos na tulog dahil sa pagkakaligaw.
Pero sadyang hindi ako dinalaw ng antok. Paulit ulit na sumasagi sa aking isipan ang nawala naming tahanan.
Pinilit ko pa rin ang makatulog. Ngunit hindi pa man ako nahihimbing ay nakarinig ako ng mga pagsabog. Sunod kong narinig ang mga impit na sigaw...
Napabalikwas ako ng bangon at agad nakiramdam sa paligid ng makarinig na may sumisigaw ng sunog. Pero naagaw ang aking atensyon ng basa kong unan. Umiiyak pala ako.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ang pagyanig.
Hindi pa man ako nakakalabas sa aking kwarto ay nakarinig pa muli ako ng pagsabog. Mas dumami pa ang mga pagsabog na narinig ko. At alam kong nasa malapit lang ang mga pagsabog sa kinaroroonan ko...
===============================================================================
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantastikI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...