Meeting him
Fyrah's POV
Di mabura-bura ang nakapaskil na ngiti sa aking mga labi. Mas maaga akong nagising sa nakasanayan. Ganado't masayang naghanda. Sa ilang beses na ginawa ko ito ay sanay na ang aking katawan na kumilos ng mabilis at walang ingay.
Sa isang iglap ay tapos na akong maligo at magbihis.
Iniiangat ko ang aking palad at nagpalabas ng bolang apoy. Lalo pang lumawak ang ngiti ko nang makita sa aking apoy na nakahanda na ina.
Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdaman na ang tagal ng bawat Segundo.
Paulit ulit kong tinitingnan ang oras. Bakit ang tagal niyang umalis?
Kung ang gahum ko lang ay may kinalaman sa panahon at oras ay kanina ko pa siguro ito ginamit upang mapabilis ang oras.
Sabik na akong masagawa ang aking plano. Ang tumakas!!!
Ito ang araw na pinakapaborito ko sa lahat.
Ang araw na lagi kong inaabangan. Umaalis si ina tuwing ganitong araw para pumuntang kabilang bundok. Ang masaya doon ay buong maghapon siyang wala.Naiimagine ko na ang aking sarili na bumibili nang mga bagong palamuti.
Pero kahit gustong gusto ko nang umalis ay buong puso ko pa ring hinintay ang pag-alis ni ina.
Muli kong tiningnan kung nasa maayos na ba ang lahat. Dapat maging perpekto ito. Malilintikan ako ni ina kapag nahuli. Baka hindi ko na ito muli pang magawa.
Humiga ulit ako sa kama at nagkumot hanggang leeg ng maramdamang papunta na siya sa aking silid. Sa wakas!
"Mabuti at gising ka na. Mahaba ang isang araw na paglalakbay patungong Sentro kung sasakay tayo sa tren. Kaya gagamitin natin ang ating gahum." Naguluhan man sa narinig ay pinanindigan ko ang pagtutulog tulugan. Baka pakana na naman yan ni Ina at sadyang hinuhuli lang ako.
"O siya, kung ayaw mong sumama ay maiiwan na kita." Napadilat ako sa narinig.
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Huwag mo nang ipagkaila. Batid ko ang ginagawa mong pagtakas sa tuwing ako'y umaalis. Ngayon ay di mo na kailangang gawin iyon pagkat dalawa tayong tutungo roon. Kaya bumangon ka na kung ayaw mong magbago ang aking isip." Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang lumabas.
"Hindi mo na kailangang itago ang kasuotan mo lalo pa at abo't hanggang kabilang bayan ang amoy ng iyong pabango!" Patuloy niya na sa isip ko na lang narinig.
Mas nagulantang ako sa narinig. Hindi dahil sa pasimple niyang paglait sa pabango ko. At hindi rin dahil sa inamin niyang alam niya ang tungkol sa pagtakas ko. Inaasahan ko na iyon dahil sa galing at husay niya. Magugulat pa nga ako kung hindi niya iyon napapansin. Sadyang pinagbibigyan niya lang ako.
Ang mas ikinagulat ko ngayon ay ang nais niyang mangyari. Hindi pa pumapalya si ina na magpunta sa lugar na iyon. Sa bundok Maikten sa Silangan. Sa loob ng labing dalawang taon ay ni minsan hindi pa siya pumapalya sa pagpupunta roon. Kaya bakit niya ito ipagpaliban para lang makapunta kami ng Sentro?
Ang sabik na aking nararamdaman sa napipintong muling pagbisita sa Sentro ay balewala sa panibagong sabik dulot ni ina. Mukhang may bago ako aalamin.
"Ina hindi po ba kayo pupuntang Maikten?" Sa labas ng bahay ko na siya naabutan.
Hindi ako nito sinagot sa halip ay mataman akong tinitigan. Unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay."Kung gamay at nakokontrol mo lang yang gahum mo ay di mo na kailangang magtanong ng magtanong. Marami ka sanang alam Fyrah! Opo na ina, kabisado ko na yang sermon mo sa akin." Litanya ko sa parati niyang sagot sa tuwing ako'y magtatanong.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...