VI: Zillionia

41 12 2
                                    

VI: Zillionia

Zillionia is divided into four quadrants. Sa apat na quadrants nakatira ang mga tinatawag na elementals. Mga zillionian na nagtataglay ng kapangyarihan na may kinalaman sa mga element, ang mga ELEMENTALS.  

Ang first quadrant na matatagpuan sa north-eastward nakatira ang mga Sylphs. Sylphs ang tawag sa mga elementals na may kinalaman sa hangin ang kapangyarihan.

Sa north-westward naman matatagpuan ang second quadrant kung saan nakatira ang mga Gnomes. Sila ang mga elementals na nagmula sa Earth element ang kakayahan. 

The third quadrant is located at south-westward where Ordines live. Mga elementals na kayang kontrolin ang tubig o mga elementals na may kinalaman sa tubig ang kapangyarihan. 

Salamanders live in the fourth and the last quadrant located south-eastward. Salamanders are elementals who have the abilities to control, generate and absorb fire.
 
Lahat ng Zillionian na hindi nagtataglay ng kahit alin man sa apat na natatanging kapangyarihan o sa simpleng salita ay hindi elementals sila ay matatagpuan dito sa Midland.  Ang Midland ang matatagpuan sa pinakagitna. Dito nakatira ang mga Zillionian na hindi kabilang sa naunang apat na elements ang gahum. Mga Zillionian na nagtataglay ng S.A o Special Ability.

Ang Midland ang may pinakamalaking populasyon sa lahat kung kaya nahahati ang Midland sa walong district bukod pa sa Sentro. Ang Midland din ang pinakamalawak  at pinakamalaki sa lahat na kahit pagsama-samahin pa ang apat na quadrants ay wala pa iyon sa kalahati ng kabuuan ng Midland. Dito matatagpuan ang Empire.

Kung ang apat na quadrants ay pinamumunuaan ng Hari at Reyna, ang mga district sa Midland naman ay pinamumunuaan ng mga Duke at Duchess. Habang sa Sentro naman nakatira ang Emperor at Empress. Ang may pinakamataas na ranggo sa lahat. Kahit na mas mataas ang ranggo ng Hari at Reyna kumapara sa Duke and duchess ay nasa ilalim pa rin sila ng kapangyarihan at pamamahala ng Empire's Emperor.

Ang Bundok Maikten kung saan kami naninirahan ni ama at ina ay hindi kabilang sa alin mang kaharian. Matatagpuan ito sa Eastward kung kaya walang nagbalak na angkinin ito upang maiwasan ang anumang sigalot at hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng north-eastward at south-eastward. Pero bukod doon ang pinakadahilan ay sa katangian ng Bundok Maikten. Nakakatakot at nakakakilabot pumasok sa naturang Bundok bukod pa sa kami lang naman ang naninirahan doon. Kaya walang nagbabalak at naghahangad na sakupin ito.

Sa Southward naman matatagpuan ang Forbidden Forest. At hindi kailanman naging usapin kung bakit hindi ito kabilang sa alinmang kaharian. Simple lang, mabanggit palang ang Forbidden Forest ay kinatatakutan na ito ng lahat. Kaya tinawag itong Forbidden Forest kahit na ang pangalan naman talaga nito ay Vanish Fortress.

Ang nagiisang paaralan sa Zillionia ay matatagpuan sa Westward. Ito ang Zillion Academy. Hindi ito nakakatakot at walang kakayahang magpawalang bisa ng gahum. Subalit ito ang nagiisang lugar na hindi saklaw ng kapangyarihan ng mga nasa katungkulan. Kahit na hindi  kabilang ang Maikten sa alinmang kaharian ay saklaw pa rin kami ng kapangyarihan at pamumuno ng Empire. Pero ang Akademya ang natatangi sa lahat. Kahit ang mismong Emperor ay walang boses sa loob ng akademya. Lahat ng pumasok doon ay pantay pantay. Walang maharlika, walang elementals, walang prinsepe o prinsesa, walang ranggo at walang estado. Ang tanging mahalaga lang doon ay ang iyong gahum.

Iyan ang kabuuan ng Zillionia. Pero mas malawak at mas malaki pa ang Zillionia kaysa sa alam ng karamihan. Mas malaki at malawak pa ito kaysa sa nakasaad dito sa aklat.
Zillion, iyon ang wastong pangalan. Mas malawak at mas malaki ang tunay at dating Zillion.

In fact, may parte ng Zillion ang nawalang parang bula. Dito naninirahan ang mga Zillionian na dark user. Nasa ibang dimension na sila pagkatapos ng nangyaring Great War of Gods and Goddesses.

Matapos ang pinakamalaking digmaan, ang dating Zillion ay nagkawatakwatak. Ang kilala ngayong Zillionia ay hindi pa nangangalahati sa tunay na Zillion.

Pero ang akademya ay hindi nila nagawang palitan ng pangalan. Pagkat wala silang kakayahang gawin ang bagay na iyon. Kaya nanatili itong Zillion Academy.

Bukod pa sa laki at tunay na pangalan ng Zillionia, ayon kay ama, noon daw ay may mga ibang nilalalang ang nabubuhay kasama namin dito sa Zillion. Sila ang mga nilalang na kung hindi nakakabighani ay nakakatakot ang panlabas na hitsura pero mayroong busilak na mga puso. Sila ang mga nilalang na iba ang anyo kumpara sa amin na kawangis ng mga tao sa mortal na mundo.

Ang iba sa kanila ay nasa iba't ibang distrito ng Midland gaya ng mga witch, elf, fairies, harpies at Pegasus. Ang iba pang nilalang kagaya ng Giants, Vampire, Wolf, Mermaid at Merman, Dragon, taong-ibon at iba pa ay hindi na kailanman nakita sa Zillionia.

Itinuring na lang silang alamat at kwento ng matatanda hanggang sa hindi na talaga muling pinagusapan at nabanggit man lang ang kani-kanilang mga pangalan, lahi at pinagmulan. Hindi na rin sila naging paksa ng aralin at hindi na kailanman nailathala sa kahit ano mang babasahin. At ngayon ay wala na talagang naniniwala na totoo sila. Maliban sa akin.

Nagkalat at naninirahan sila sa iba't-ibang parte ng Zillion sa labas ng Zillionia na hindi na saklaw ng kapangyarihan ng Emperador.

Tinitigan ko ang numerong nagsasabing nasa pinakahuling pahina na ako ng aklat. Nakakalungkot na hindi man lang sila nabanggit sa librong ito. Hindi na talaga sila itinuring na kabilang sa mundong ito.

Ika limang araw ko na ngayon sa torre pero magpasahanggang ngayon ay wala pa akong nakukuhang impormasyon na makakatulong sa akin.

Kung hindi nakalahad sa aklat na ito ang tunay at buong kasaysayan ng aming mundo, may pag-asa pa kayang masumpungan ko ang aking hinahanap? Paano kung isa rin iyon sa tinatago nila?
Paano na ang misyon ko?

Malungkot na isinara ko ang pang siyam na aklat na binasa ko ngayong araw.

"Achoo" gulat na tinakpan ko ang aking bibig. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng tuloy tuloy na ang aking pagbahing. Nagtatakang sinuri ko ang aklat. Gaya ng inaasahan ay malinis naman ito pagkat tinitiyak iyon ng mga book fairies.
"Achoo" bago ko pa muling matakpan ang aking bibig ay gulat akong napatingin sa aking harapan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zillion Academy: The Power within meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon