IV: GahumPagkalabas na pagkalabas ko ng aking inuupahang tirahan ay bumungad sa akin ang napakagulong sentro ng Midland. Hindi ko pa lubos na nakikita ang kabuuang pinsala ng lugar nang biglang yumanig ang lupa.
Hindi man ganun kalakas ang paglindol ay nakakahilo pa rin ito, kaya halos lahat ay napakapit sa kahit anong bagay na makakapitan.
Habang patuloy ang pagyanig ng lupa at patuloy ang pagsabog sa kung saan saan ay umalingawngaw ang isang maowtoridad na boses.
"Sa lahat ng mamamayan ng mahal nating Zillionia. Pinapayuhan ang lahat na huwag mataranta at piliting makalabas ng bawat tahanan o kung nasaan man kayo habang hindi pa malakas ang pagyanig. Patuloy pa rin naming inaalam ang dahilan ng kaguluhang ito. Pansamantala ay mag tipon tipon muna ang lahat sa plaza ng sentro. Inuulit ko, magpunta ang lahat sa Plaza ng Sentro at tiyaking ligtas ang lahat. Mag iingat kayo Zillionian"
Halos lahat ng Zillionian ay nasa labas na ng kanikanilang tahanan hindi pa man natatapos ang anunsyo kanina. Sa tulong ng kanikanilang kapangyarihan ay ligtas na nakarating ang lahat sa may plaza.
Kahit patuloy na gumagalaw ang lupa ay namataan ko ang pagdating ng mga sundalo ng palasyo maging ang mga nasa katungkulan. Halos karamihan ay dumating sa pamamagitan ng teleportation, habang ang iba ay lumipad.
Agad siniyasat at ginalugad ng mga sundalo ang buong lugar. Meron namang mga healers na lumapit sa mga iilang nasugatan.
Samantalang sa isang iglap lang ay biglang may sumulpot sa gitna na mga kabataan na hawak hawak at akay akay ng mga preceptor. Agad silang pinalibutan ng mga sundalo na tila pinoprotektahan. May mga iilang mga magulang ang nais na lumapit ng mamataang isa sa mga anak nila ang hawak hawak ng mga preceptor. Subalit pinigilan ito ng mga sundalo at mas pinag igihan pa ang pagbabantay.
Hinawakan ng isang matandang lalaki ang mga kabataang dinala ng mga preceptor at maya maya lamang ay nawalan ang mga ito ng malay.
Sa isang iglap lang din ay biglang nawala ang mga preceptor, at muli silang sumulpot na may tangan tangan na namang mga kabataan. Kasabay ng pagkawala ng malay ng isang dalaga ay ang pagkawala ng napakalakas at galit nag alit na hangin. Halos isang minuto lang ang lumipas ng tumigil sila sa paglikom ng mga kabatang wala ng malay. Nasa dalawampu mahigit ang mga kabataan na kasing edad ko ang walang malay ngayon na nasa gitna.
"Bakit patuloy pa rin ang pagyanig ng lupa?" Narinig kong tanong ng isang nasa katungkulan sa mga preceptor.
"Kulang pa, may hindi pa tayo nahahanap" sagot ng isang lalaking preceptor at agad na namang nawala.
Nakita ko na lamang ito na nasa himpapawid at lumulutang.
Tila sinusuri ang lugar at may hinahanap.
Palakas ng palakas ang pagyanig ng lupa dahilan para magbagsakan at magtumbahan ang ilang mga puno at maging ilang mga kagamitan.
Agad nagpunta sa gitna ang isang preceptor at itinaas nito ang mga kamay. Gumagawa ito ng shield para protektahan ang lahat. Habang ang isang preceptor naman ay kinokontrol ang mga nagbabagsakang debris at inilalayo sa amin at ibinabagsak sa lugar na walang matatamaan habang hindi pa tapos gawin ng kasamahan nya ang shield.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...