Zilch
Fyrah's POV
Nasaan na ba si ganda?
Kanina ko pa siya hinahanap dito sa campus. Ewan ko ba, gustong gusto ko siyang laging nakikita. Kaya nga nadismaya ako kagabi na pang isahan lang pala ang bawat kwarto sa dorm ng Maestro. Unlike sa Primero na may kasama ako. Hindi sa ayaw kong mag-isa. Nagbabakasakali lang ako na kung kagaya sa Primero na dalawahan baka siya ang makakasama ko. Ang saya saya sana kung nagkataon na ganun nga.
Nilibot kong muli ang paningin. Pero imbes na si ganda ay mga pangit ang nakikita ko. Pangit na nga pangit pa ang mga pag-uugali. At least ako,kung masama man ang ugali ko maganda naman.
Marami na naman kasi ang mga tsismosa sa paligid. Kaninang umaga pa sila ganyan paglabas ko ng dorm. At isa ito sa dahilan kung bakit gustong gusto kong makita si ganda. For sure kagaya ko at kagaya ng mga kasama kong baguhan ay puntirya din siya ng mga walang magawa sa buhay kaya panlilibak sa kapwa ang kinasisiya.
Dahil hindi ko pa rin nakikita ni anino ni ganda ay kakain na lang ako ng maaga. Kahit may isang oras pa naman talaga bago magtanghalian. Nagugutom na rin naman ako dahil hindi ako nakapag-agahan.
Gumising akong maaga para abangan sa main door ng girls dormitory si ganda. Pero mukhang mas maaga siyang nagising sa akin. Dumaan na ang lahat at nakapag-agahan na pero hindi ko siya nakita. At nilibot ko na ang campus pero bigo pa rin ako. Bakit ba kasi napakalaki ng akademyang ito. Sa mga ganitong pagkakataon ko ang laki at lawak ng Zillion Academy.
Laglag balikat nagtungo akong cafeteria.
"Fyrah! Totoo nga ang balitang nandito ka na." Dahil nakayuko ay di ko nakita ang pagdamba sa akin ng yakap ng babaeng ito.
"Tss. Umalis ka nga habang nakapagtitimpi pa ako. Baka sa'yo ko ibaling ang inis ko." Buti naman at nakuha sa banta ang babaitang ito. Kundi hindi ako mangingiming totohanin ang sinabi ko. Pinukol ko ito ng masamang tingin.
"No doubt, you're Fyrah indeed!" Umiiling na sabi ni Mesi habang palipat lipat na tiningnan ako at ang babaeng nagiinarte at nagiiyak-iyakan pa.
Bakit ba kasi sa lahat ng makakasalubong ko ay silang apat pa? Lalo akong nainis ng nakakaagaw na kami ng atensyon. Why not, hindi karaniwan ang mga kaharap ko.
"Duda pa ba kayo? Ayan na oh! Patunay." Tinuro nito ang nagiinarteng babae at itinago sa likod. Mabuti nga ng di ko makita ang pagmumukha non.
"Sino ba ang nagdududa Dax? Welcome back sa babaeng este nag-iisang babaeng allergic kay Adara." Inumang ko ang bolang apoy dito ng akmang yayakapin ako nito. Agad naglaho ang ngisi sa mukha nito ng makita ang apoy ko.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Dax sa nangyari. Pero agad ding nanahimik nang makita na naging dalawa ang bolang apoy.
"Ah eh Aidan Nakakalimutan mo yata si Gaia?" Kung hindi lang ako badtrip ay tumawa na ako ng magtago si Dax kay Mesi at mahinang nagtanong."Tss. Buti sana kung allergic lang. Bakit ba kasi pinagtiyatiyagaan niyo yan at laging sinasama?"
"Di naman allergic si Gaia kay Adara. Ganoon lang talaga yon sa lahat. Saka naimpluwensyahan ni Fyrah kaya mas naging mailap kay Ada si Gaia. Pero di kagaya nitong isang to na madugo. O kitams nag aalburuto na naman. Maawa ka sa mga iiyak Fyrah pag masunog ang gwapo kong mukha." Nang makitang maging si Aidan ay nagtago na sa likod ni Mesi ay binaba ko na ang kamay ko.
"Kailan ka pa naging Sylph? Sabagay matagal ka na nga palang mahangin Aidan. Isa ka pa Dax kaya wag kang tumawa."
"Tama na nga yan. Paano ka nga pala napilit na pumasok uli dito Fyrah?" Nalipat ang tingin ko kay Mesi na siyang natitirang matino.
"Tanong mo sa dalawang mokong na 'to. For sure alam ng mga yan. Nakita ko sila sa Sentro kahapon."
Nang malipat ang atensyon nila sa dalawang lalaki ay agad akong sumibat. Kung minamalas ka nga naman sunod-sunod talaga. Bakit ba nakita ko pa ang babaeng 'yon! Grr. Dumagdag pa ang dalawang mokong na nagpapaloko.
BINABASA MO ANG
Zillion Academy: The Power within me
FantasyI am far from any typical woman. Famous for whom and what I am. Not because I'm extra ordinary. Not because I am superb. Not because I'm outstanding. Not because I am special. Zilch, that's the reason why. Hatred is visible in their eyes. I am power...