Second day ng team building and Red still bothering me, Date? that's not mean na magiging kami, it is just araw-araw dapat ko siyang kasama. Until now Sky can't believe na natalo siya. Parang naapakan daw yung pride niya dahil dun, aba! kasalanan ko bang natalo siya.
Kasalukuyan akong nag tatambay ngayon dito sa veranda ng kwarto namin, free time namin ngayon at ayaw kong lumabas, pinagmamasdan ko nalang yung mga naliligo, ang sama rin kasi ng pakiramdam ko.
"Yuna! Why are you here? ayaw mo bang mag libot? tara" napatingin ako kay Red, he smiling again like a kid, mas lalo pala siyang guma-gwapo pag nakangiti.
"I don't want to" bored na sabi ko, pinaharap niya ako sa kanya at tinitigan ako.
"Are you sick?" tanong niya at inilapit pa yung mukha niya sa akin, ghad! hindi na naman ako makahinga ng mabuti, I feel like my face is blushing."Namumula ka—"
"Lumayo ka nga pula" itinulak ko siya pero parang wala lang, ganun na ba ako ka payat para hindi siya maitulak, tinitigan lang niya ako "Stop staring!"
"You're beautiful" juice ko po! mas lalo akong hindi makahinga dahil sa sinasabi niya"Let's go, sadyang tinatamad ka lang kaya ka matamlay" hinatak na niya ako palabas ng kwarto ko kaya wala na akong nagawa.
Nag simula kaming mag libot dito, napakalawak kasi ng resort na ito at kakahuyan pa, una naming pinuntahan ay ang zip line, we take pictures and ride the zip line.
Pinuntahan rin namin yung hanging bridge, sobrang umuuga siya kaya napapasigaw ako at tawa naman ng tawa si Red, dahil sa kanya kaya ito umuuga, bwisit siya.
"Stop it Red!!! hindi ka nakakatawa" napahawak ako sa rope na nandito, mahulog lang ako dito ah.
"Hahaha! fine" itinigil narin niya ang pang aasar sakin.
sunod naming pinuntahan ay ang town houses, parang nakabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa mga bahay dito, puro mga gawa sa kahoy ang mga bahay at may mga figurines na nakakalat dito na pawang ang gaganda.
"let's take pictures" hinatak ako ni Red papunta sa isang bahay at nag selfie kami doon.
Nang matapos kaming kumuha ng litrato ay humarap ako sa bahay, my curiosity again. Dahil sa may hagdanan pa iyon ay umakyat pa ako at hinawakan yung pintuan niya, there's a small sign na warning.
"Yuna what are you doing? restricted diyan" hindi ko pinansin si Red, medyo binuksan ko iyon at sumilip sa loob.
Madilim dito at maraming spider web ang nakakalat, parang hunted house ang dating, geez! baka mamaya may multo dito.
"Yuna let's go" pilit ako hinihila ni Red pabalik pero tinabig ko lang yung kamay niya.
Binuksan ko yung flash light ng cellphone ko bago tuluyang pumasok sa loob, ang raming sirang upuan dito na halatang luma na, medyo malawak naman ang bahay na ito.Pumasok ako sa isa pang kwarto at nanlaki yung mga mata ko dahil sa nakita ko.
"Red!!!" I shout and covered my eyes using my hands, ayaw na ayaw ko ang nakakakita ng pugot ulo.
"Sh*t!" I heard Red cuss and hug me tight."Sshh! Hush Yuna, that's just a mannequin" natigilan ako sa sinabi niya, what? mannequin? But I'm sure that it is a person with no head, duguan pa ito at mukhang fresh pa, am I just over exaggerating it.
"I'm sure that it—" tama nga siya, it is just a mannequin, nadala lang siguro ako sa takot at gulat ko.
Lumapit siya dun at ipinasok niya yung isang daliri niya sa may pugot na leeg ng mannequin at maya-maya ay bigla nalang may nag bukas sa gilid ng kwartong ito, there's a secret room here.