It's been a month since we solve the murder case of Ana, Dina and Andrea and until now usap-usapan parin kaming tatlo, hindi manlang sila naka move on.
As of Erin and Jam's case, they are not related to the murder case, we found out that Jam has been black mailed by Erin, that's why they poisoned Bea, pero humingi naman ng paumanhin yung dalawa at pinatawad naman sila ni Bea kaya tapos narin ang kaso nila.
Everyone is busy preparing for the foundation tomorrow, yeah bukas na kaya sobrang busy sila sa pag hahanda, people this days ang hilig nilang mag rush.
We are in the library right now, sa lahat kasi ng lugar sa E.H.U ay dito lang ang pinakatahimik, nasa may left side ko ngayon si Red, natutulog, sa harap ko naman si Sky na busy sa pag babasa, katabi niya ay si Jace na nag l-laro lang, sa may right ko si Freij na gumagawa ng assignment niya sa math.
"Yuna can you solve this?" pinakita niya sakin yung notebook niya pero nang nakita kong about sa Geometry yun ay agad kong ipinasa kay Sky, nag taka pa siya.
"Solve it" tinignan niya iyon at napatingin siya sa akin"What?"
"Seriously? This is so easy, why can't you answer it? I thought you're good detective like him" sabi niya at itinuro pa niya ang katabi kong natutulog.
"I'm bad at math so please solve it para matapos na yung problema ni Freij" bored na sabi ko at napatingin kay Red, he is so cute and angelic when sleeping, ang gwapo niya.
"Yuna ano yang tingin na yan huh?" napatingin ako kay Freij, she is teasing me again."Crush mo talaga siya, I can tell it"
"Hindi noh" iniwas ko nalang yung tingin ko at hiniram yung librong binabasa ni Sky pero agad niya rin iyong inagaw sakin ng matapos niyang sagutan ang assignment ni Freij.
"Thank you sky"
"You're welcome babe" sabi pa ni Sky at kinindatan si Freij.
"Yuna, anong plano mo sa foundation?" napatingin ako sa kanya.
"What? edi mag lilibang"
"No, I mean is for the E.H.U ball, tuwing may foundation kasi dito ay mag kakaroon ng Ball ang Grade 10, so what's your plan?" I look at her poker faced.
"I'm not interested" sabi ko lang at dumukdok sa lamesa, I am now facing Red's face and his glamorous Red lips and Red hair.. what?! I'm so weird today,kung ano-ano ang iniisip ko.
*ring*
The bell rang and that's the time na may klase na kami,ginising ko si Red at hindi naman akong nahirapan sa pag gising sa kanya.
Lumabas na kami ng library at nag lakad patungo sa sari-sarili naming kwarto, as usual all students here is looking at the demigods like us.
"Nandito na sila!!"
"Oppa!! Unnie!!!"
May lumapit sa aming isang babae, medyo mas maliit sakin at chubby, naka pig tail braid pa siya na katulad sa mga koreans.
"Can we take a picture oppas" tumingin siya sakin"Pwede mo ba kaming kuhanan, gusto ko yung maganda ah"
I look at her from head to toe and I raised my right eyebrow to her, sino siya para utusan ako? she is just a mere pig.
"Yuna mauna na ako" tumango lang ako kay Friej.
"*cough*" tinignan ko ulit yung Babae.
"Akin na nga yan, huwag kang aasa na magiging maganda ang kuha mo dahil sa mukha mo palang, hindi na ka aya-aya" I really don't like her, palagi nalang niya pinag papantasyahan yung dalawa lalo na si Red, she some kind of a flirt.
Pinaggitnaan na siya ni Red at Sky, syempre dahil sa mahilig ako sa photography kaya nakuhanan ko sila ng maganda, pasalamat siya mabait ako.
Umalis na siya ng matapos ko silang kuhanan, she didn't even thank me.
"Ang panget mo pag nakabusangot ka" napatingin ako kay Jace, pake niya ba.
"Jace is right, smile always and be proud that you are born" what is Red saying? sasakit ang ulo ko dahil sa kaweirduhan ng mga taong nasa paligid ko.
"Yeah, I have a quotation also for you Yuna" nabaling ko yung tingin ko kay Sky."A Smile a day keep the detective red away"
"d*mn you sky" ang hilig niya talagang mang inis, lalo na kay Red.
Pagpasok namin sa room ay sakto namang dumating yung adviser namin, nag simula narin silang mag bulungan.
Anong meron?
"Class for the foundation that will start tomorrow, let me give you the schedule" lahat kami ay natahimik, inaabangan nila yung mga activity para sa foundation"Day 1, that will be tomorrow, January 20, search for the Mr. and Ms. E.H.U, Day 2, parade and the opening of booths, Day 3, Singing and Dancing competition, duet and solo or group and lastly Day 4, the E.H.U Ball"
"Miss Rosales, who will be our representative for the pageant and other competition" tanong nung kaklase naming lalake na si Daniel.
"Ma'am si Arlene at Leo nalang" suggest naman nung isang kaklase namin at ginusto naman yun ng dalawa.
"What about the dance competition duet?" sabay sabay silang napatingin sa akin, I mean sa amin ni Red"Miss Sandoval and Mr. Chace, you will be the representative of this class whether you like it or not"
Marami pa silang pinag usapan pero hindi na ako nakinig, ano naman ang sasayawin namin at saka ang hirap kayang mag rush.
***
Natapos ang klase at nandito kami ni Red sa Dance Room, dito namin pag aaralan yung sayaw namin and we choose a kpop dance, yung talagang boy and girl.I think, it is entitled as Don't Recall by K.A.R.D, apat sila pero gagawin nalang naming dalawa.
Parehas naman kaming marunong sumayaw kaya hindi na kami mahihirapan pa.
"Can we rest for a while?" umupo ako sa gilid at uminom ng tubig, I'm so haggard na, pawis na pawis na rin ako.
"Don't wear white shirt again, you know? I can see your pink bra" he said at nag pataas baba pa yung kilay niya, agad ko yun tinakpan gamit ang blouse ko.
"Pervert" I said at nag lakad na palabas ng Dance Room, wala ng katao-tao dahil 10:50 na ng gabi, yeah we have been practicing para hindi kami mapahiya sa competition.
Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang bigla nalang nag patay yung mga ilaw sa dulo hanggang sa bulb na nasa harapan ko.
Bigla akong kinilabutan dahil sa biglang pag hangin at idagdag pa yung anino na nakita ko sa di kalayuan, kung hindi ako nag kakamali yun yung AVR kung saan natagpuang patay si Dina, don't tell me? wahh! I'm scared to the point na napaupo ako sa may gilid, yeah I'm scared of ghost, nahuli na nga namin yung pumatay sa kanya bakit pa siya nag paparamdam?
"OH MY GASH!!!" saktong pag bukas ng mga ilaw ay tumambad sa akin ang tawa ng tawa na si Red, halos maging tomato na siya dahil sa katatawa."Hindi yun nakakatawa ah" ginulat niya kasi ako kanina.
"You're scared of ghost hahaha"
"So what?" inirapan ko siya at tumalikod, hindi na ako dadaan sa may AVR, never again.
"Yuna" nilingon ko siya but I regret it hindi na sana ako lumingon pa"I like your bra"
Geez! I'm so embarrassed, bakit ba kasi kailangan pa niyang isigaw yun, nakakahiya.
"Hey!" nang makalapit siya sakin ay agad ko siyang sinuntok sa tiyan, naramdaman ko pa yung matigas niyang abs"Aww! I'm just joking, ang sakit nun ah"
"Don't you ever talk to me again" tumalikod na ako at hindi na siya nilingon pa.
Sobra-sobra ang kamalasan ko ngayon, siguro ang pula ko na buti nalang hindi masyadong maliwanag.
---