Chapter 48

96 8 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Mag kaharapan sa pag upo si Ashley at  Cornelius, may nag lakad at tumayo sa gitna nilang dalawa.

"blackjack..." bulong ni Cornelius

"blackjack ang lalaruin natin ngayong gabi at ako ang mag sisilbing dealer ng laro.." saad ng lalaki.

"I hope it's fine for you... Okay let's play the game" saad ni Ashley habang naka ngiti.

"everything is fine with me... And one more thing I'm not here to play games, I'm here to dominate." matalas na tingin ang binato ni Cornelius kay Ashley kaya napangisi ito.

"weeew" napasipol si Orville ng marinig nila ang sinabi ni Cornelius.

"burn..." bulong ni Achilles at napangisi na lang si Lyle at Alyster. "may kaastigan din pala si Black Rose sa katawan akala ko puro lang pag mumura ang alam nyang gawin"

Nag simula na silang mag laro at ibinahagi na ng Dealer ang tig-dadalawang baraha sa kanila.

Simple lang ang rule ng game kailangan lang ay umabot sa 21 points ang mga barahang hawak ng player. If ever na lumagpas sa 21 ay automatic na talo na ito. Kapag ang hawak mo ay mababa pa sa 21 pero ikaw ang may pinaka mataas na bilang o pinaka malapit sa nasabing numero ay ang player na iyon ang panalo.
Ang dealer o ang nakatayo sa gitna ang namamagitan sa mga players, ito ang nag bibigay ng cards at ito rin ang mag sasabi kung sino ang panalo.
Ang black jack ay isa sa mga pinakasikat na laro sa casino at isa sa pinakamatagal na na imbentong card games. Pwede itong laruin ng 2 to 5 players o higit pa.
Ang card na A o mas kilala nating ace ay may maaring maging 1 o 11 ang halaga depende ito sa napagkasunduan ng mga players tinatawag itong soft hand. May mga terms na kadalasang ginagamit o binabanggit ang mga players gaya ng:

Split: ang pag hahati ng cards ng player kung saan maari nyang hiwalay na laruin ang mga ito at mag lagay ng taya sa bawat isa.

Surrender : ay ang pag aabanduna sa card na hawak ng player.

Stand : To stop asking for more cards.

A/N: marami pang terms and definition ang card game na ito. Binigay ko lang ang mga information na alam ko. Kung nais nyo na mas matutunan pa ang Blackjack paki google na lang po.

Tahimik lang ang buong kwarto... Lahat sila ay puno ng pressure sa nangyayaring laro. Hindi ito pustahan ng pera o gamit kundi ng tao mismo. Rinig ni Icarus ang pag hinga nya hindi dahil sa kaba kundi sa galit pero kailangan nyang kumalma... Kailangan nyang kumalma dahil isang maling aksyon lang ay masisira lahat ng plano nila. Bukod sa kulay dilaw na ilaw ay natatamaan din sila ng sinag ng buwan na nakakadagdag ng liwanag sa kwarto. Malaki ang bintana na naroon at bukas lang iyon... Pero dahil sa lakas ng hangin ay nag iingay ito at nag bibigay ng nakakatakot na tunog. 

*eeeeeeengk* tunog ng bintana ng paulit  ulit at dahan dahan...

Hanggang sa may nag lipanang mga paniki kasabay ng pag bigkas ng dealer kung sino ang panalo.

"Ashley 19 - Black Rose - 15... Unknown ang unang naka score" - dealer

"remember Cornelius... Kung sino ang unang maka limang puntos sya ang panalo.." saad ni Ashley na nang-aasar

"tsk..." sabay sabay na reaction ng apat na leader.

Nakakunoot ang nood ni Cornelius na tila ba na naiinis na... "kaasar..." saad nya.

"hey hey...  It's just a game..." saad ni Ashley.

Nag simula ulit ng panibagong laro. Nag tagal ito ng higit 15 minutes at naka 4 points na si Ashley samantala ay wala pang score si Cornelius.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon