Chapter 68

114 8 1
                                    

ALYSTER'S POV

Nakakamangha... Ang galing ni Atty. Lelouch

Nagawa nyang pag sabay sabayin lahat, ang pag papatakbo ng Company ng pamilya ni Nyx, ang pag giging abugado at ang pag hahanap sa lolo nito. Kaya siguro ipinag katiwala lahat ni Atty. Si Nyx sa pamilya ni Ethan... Ngayon ano nang mangyayare?

"kukuhain nyo po ba si Nyx at Ethan?" tanong ko pero sa likod ng boses ko ay nandun yung takot na baka mag kahiwalay si Nyx at Icarus.

Pero umiling si lolo "No... I can't do that. Minsan ko nang ginawa na pag hiwalayin ang anak ko at ang kanyang asawa kaya parehas silang nawala sa akin... Hindi ko na ulit uulitin ang pag kakamali na iyon" saad nya matapos humigop ng kape.

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig kong sagot mula sa kanya. Ngumiti ako. "salamat naman po"

"Alyster..." Tawag sa akin ni Lolo

"po?" - ako

"maraming salamat..." naramdaman ko ang sincerity sa boses nya pati sa mga matang nakatitig sa akin.

Umiling ako dahil hindi nya kailangang mag pasalamat. "I don't know kung dapat po akong mag pasalamat dahil kung hindi sa inyo ay hindi ko makikila si Nyx... But sir... I'm sorry for your loss" saad ko

Tumayo na sya sa kinauupuan nya kaya ganun din ang ginawa ko. Nilahad nya sa harap ko ang kanan nyang kamay kaya inabot ko iyon at nag shake hands kami. Matapos nun ay nag lakad na sya papalabas ng bahay...

"wait Lo!? Yun na yun? Kukunsintihin mo sya? Pumunta ako dito para pigilan si Alyster at hindi para mag pasalamat!" saad ni Ethan na hinabol ang lolo nya perp hindi ito nag salita hanggang sa makaalis sila. Pinag masdan ko ang dalawang black na kotse na umalis...

THIRD PERSON'S POV

"gusto ko syang pigilan." saad ni Ethan na nag mukmok ng pag kakaupo dahil hindi nya nagawa ang ipinunta nya sa bahay ni Alyster.

"You can't stop him..." saad ni lolo Patrice

"I can do that lolo" pag mamatigas ni Ethan "he's my friend... Kaya ayoko na may mawala kahit isa sa kanila. He didn't need to sacrifice his own life"

"with those eyes of him... Full of determination and feared nothing Yun ang mga matang hindi mo mapipigilan... Trust me... Maraming beses ko nang nakita ang ganun klaseng mga mata sa buhay ko" saad ni lolo Patrice...

Tumingin si Ethan sa lolo nya "Lolo?"

"hmmn?" Tanong nya na tumingin din sa apo.

"yayakapin kita..." saad ni Ethan na mabilis na lumapit at niyakap ang lolo. "ngayon lang tayo nag kita pero masaya akong makilala ka... At sure ako na masaya din si Nyx... Hindi ka naman magiging kontra bida sa kwento di ba?" tanong ni Ethan

Nagulat si Lolo Patrice sa ginawa ni Ethan na pag yakap pero natawa din sa tanong nito "hahahaha of course not... I learned my mistakes from the past... I can't let my grandchildren go again at kayo naman ang mawala sa akin..."

"mabuti naman... May sasandalan na din kami ni Nyx na kapamilya..." saad ni Ethan na hindi na napigilan ang antok at nakatulog na habang nakayakap sa lolo nya.

Hanggang sa nakarating sila sa bahay ni Nyx... Binuksan ng bodyguard ni Lolo Patrice ang pinto at inabot naman nya ang tungkod nya. Kukuhain na sana ng mga bodyguard si Ethan pero pinigilan sila ng matanda... Dahil sa lalim ng tulog ni Ethan ay hindi nito napansin na lumabas ang lolo nya at marahan syang binuhat.

Pumasok sila sa loob at nandun si Nyx na naghihintay sa kanila. Tumayo sya at lumapit... Nag katinginan sila ng kanyang lolo at tumango sya saka nag kalad paakyat hanggang sa kwarto ni Ethan at dun sya inihiga. Kinuha ni Nyx ang sapatos ng pinsan pati ang medyas saka kinumutan ito. Lumabas na silang mag lolo sa kwarto...

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon