NYX'S POV
Umupo si Feist sa sabi ko. "bat ka pa nag paiwan?" hindi sya nag salita. Nakatingin lang sya sa akin ng diretso. Mata sa mata.
Noon Nagagawa kong makipag titigan sa kanya pero ngayon naiilang na ako.Ilang minuto kaming nababalot ng katahimikan walang gustong mag salita. Pinakikiramdaman ko sya... Ang hirap nyang basahin ngayon.
"ganyan ka ba talaga?" tumingin ako ng nagsalita sya.
"na ano?"
"alam mo bang naiinis ako sayo?" kumunot ang noo ko sa narinig pero nilagay nya ang hintuturo nya sa pagitan ng mga kilay ko para mawala ang mga linya. "wala kang karapatan na simangutan ako" nandun lang ang daliri at di tinatanggal. Naduduling ako pero di ko pa din tinatanggal.
"ano na naman toh?" tanong ko sa kanya. Ang dami kaseng kalokohan na tumatakbo sa utak nya.
"lahat ba talaga aakuin mo? Nyx Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo... Pwede ka naman mag sabi sa akin... Libre humingi ng tulong. Huminga ka ilayo mo lahat ng problema. Alam kong nasasaktan ka na" ang lambing ng boses nya habang sinasabi iyon.
Pero pumikit lang ako. "nasasaktan? Talaga? Hindi ko na alam ang pakiramdam na yan Feist."
"liar, ayaw mo lang umamin. Nyx... Bat ba hindi mo makita ang mga taong nagmamahal sayo? Bat ba ang manhid mo?"
"tch. Bakit pa? Malas nga ako di ba? Ipinanganak ako para mag-isa. Pinarurusahan ako ng Diyos Feist. Galit sya sa akin--"
"No! He's not! Mahal ka nya, may dahilan ang lahat" inalis ko na ang kamay nya sa noo ko
"ganyan naman ang sinasabi ng lahat. You know why? Kase Hindi nila kayang Tanggapin na tinalikuran sila. Nananahan sila sa isang kasinungalingan, sa isang imahinasyon para ano? Para hindi sila masaktan... Takot ang lahat ng tao na pagdating ng araw wala ng mag mamahal sa kanila, na may mawawala sa kanila. Hindi nila tanggap ang masakit na kapalaran kaya ginagawa nilang panakip butas yang sinasabi mo na 'may dahilan ang lahat'" kaswal lang ang pag-uusap namin.
"ganun ba talaga kasakit? Ganun ba talaga kasama lahat ng pinagdaanan mo? Dahilan para mamatay ang nasa loob mo?" nakita ko ang mga mata nya na nakatingin sa akin. Gustong pasukin kung ano man ang nasa loob ko pero wala syang makikita dun kundi purong kadiliman lang. "wag ka na tumira sa Kalungkutan" tila nag mamakaawa sya sa akin.
Gusto Kong sabihin sa kanya na oo pero paano kung yung Kalungkutan na mismo ang nakatira sa loob ko?
"madaling sabihin... Alam mo kung ano pa ang nagpapalungkot? Yun ay ang di mo na alam kung saan ka magiging masaya" hindi sya nagsalita "kung tatanungin mo ako kung ayus lang ako well.. I'm fine. Wala pa toh sa mga nakaraan. You don't have to worry because pain loves me. Kaya kailangan ko lang tanggapin ang pag mamahal na yun" Pagtapos ng mga katagang yun ay natahimik kami.
Pero mabilis nya ding pinutol "pag ba sinabi ko sayo na mahal kita... Tatanggapin mo din yun?" nabigla ako sa sinabi nya kaya dinampot ko yung unan ko at nabato sa kanya ng di inaasahan.
"Aray naman" hawak hawak nya ang mukha nya dahil sa sakit. Tumayo na sya akala ko aalis sya pero hinalikan nya ang noo ko
*TUGUG* *TUGUG*
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko, yun na lang ang naririnig ko sa loob ng kwarto. Para akong naka stethoscope at walang pinakiking gan kundi iyon.
"you should learn how to trust again. Hindi lang sa akin kundi higit sa kanya... Mag sisimba tayo pag nakalabas ka na dito. Kahit basahan pa kita maya maya ng bible. Mahirap kase yung walang pinaniniwalaan"
BINABASA MO ANG
Goodbye Agony Book 1
Ficção GeralA cold hearted, walang pakialam sa paligid, Salot ang tingin ng mga tao. Nag-iisa sa madilim at malamig na kwarto... Niyayakap ang kadiliman sa buhay at puno ng kawalan ng pag-asa. Akala ko Talaga impossibleng maalis na ako sa Impyernong Buhay na i...