THIRD PERSON'S POV
"Alyster, I want to talk to you please" saad ni Nyx
"mmn... Okay..." saad ni Alyster na tumayo at umalis sila sa kwarto't pumunta sa isang cafe na nasa cafeteria ng hospital, nag order ng kape at umupo sa pinaka gilid ng shop. "anong gusto mong pag usapan?" tanong nya habang suot ang walang kasing gandang mga ngiti.
"sorry..." maikling saad ni Nyx
"sorry? For?..." Nalilitong tanong ng binata
"for everything... Akala naming lahat ikaw talaga ang nag donate ng puso para kay Feist kase ayun yung ipinaparamdam ng lahat sa akin... Yung parang may alam sila na kung ano at ako lang ang hindi nakaka-alam... Nakakasawa. Akala ko ba... Akala ko ba mag kakaibigan tayo pero bakit lagi kayong nag si-sekreto sa akin.. The way he look at me and tell me that he wanted to blame me--"
"he? Sino yung tinutukoy mo?" tanong ni Alyster
"si Luke... Alyster may hindi pa ba ako nalalaman? Ano ba yung hindi ko alam? Bakit ganun yung inasal ni Luke?--" sunod sunod na tanong ni Nyx
Nakaramdam ng paninikip ng lalamunan si Alyster at ano mang oras ay mabibigkas na nya ang masalitang itinatago nya ng matagal ng panahon sa kaharap. Humigop sya ng kape kaya nawala sakit ng lalamunan ganun din ang pressure at lahat ng gusto nyang sabihin.
"sinabi nya yun sayo?... Hay si Luke talaga..." napakamot pa ng ulo si Alyster "Nyx, alam mo naman na kapag pressure ang isang tao ay kung anu-ano na ang sinasabi nya di ba?... Kailangan nya lang ng mapag lalabasan ng galit at lungkot... I know him for to long and he always does it everytime na nakakaramdam ng negative emotions si Luke especially pag sobrang bigat na ng nararamdaman nya... Para syang nuclear bomb na sisirain lahat ng madadaanan ng galit nya kahit walang kinalaman yun... I'm sorry for that, ikaw pa ang napag buntungan nya ng galit" mahabang paliwanag ni Alyster
Napag decision-an na ni Alyster na itago ang nararamdaman nya para sa dalaga. Kahit masakit... Kahit mahirap... Ayaw nyang makasagabal pa sa buhay nito at bigyan ng kalituhan ang isip ni Nyx. Mas mabuting ibaon na lang sa limot ang lahat... Kahit hindi nya alam kung kelan ang panahong yun.
Nakatingin lang si Nyx sa kanya "thank you Alyster dahil hindi ka umalis sa tabi ko... Tutuparin mo naman yun di ba hanggang sa huli?"
"Kelan ba ang huli para sayo?" tanong ni Alyster
"hanggang kamatayan... Gusto ko maging mag kaibigan tayo hanggang kamatayan Alyster. Does it sound selfish?" - Nyx
Umiling si Alyster "nope... You're not... Best friends?" inilahad ni Alyster ang kamay nya
"best friends!" masiglang saad ni Nyx kasabay ang napaka gandang ngiti at kinuha ang kamay ni Alyster
Sa pangalawang pag kakataon ay si Alyster ang naging unang best friend ni Nyx... 7 years ago and 7 years later... Pakiramdam ni Alyster ay naging bata ulit sya at si Nyx.
"lagi akong nasa tabi mo kahit ano mang mangyare... I will always be your best friend" saad ni Alyster
Tumango si Nyx "I just realized that you are like stars... I can't always see you but I know you are there..."
"because your Nyx... The goddess of night kaya dapat hindi nawawala ang mga stars mo" isang magandang ngiti ang binigay ni Alyster
"Nyx... Hinahanap ka ng lolo mo sa taas..." saad ni Lyle na kaka dating lang.
Tumayo na si Nyx at nag paalam sa dalawa. Pero bago sya tuluyang umalis ay muli syang tumingin kay Alyster at Lyle. Pinabaunan naman sya ng ngiti ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Goodbye Agony Book 1
General FictionA cold hearted, walang pakialam sa paligid, Salot ang tingin ng mga tao. Nag-iisa sa madilim at malamig na kwarto... Niyayakap ang kadiliman sa buhay at puno ng kawalan ng pag-asa. Akala ko Talaga impossibleng maalis na ako sa Impyernong Buhay na i...