Chapter 62

98 9 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na tumingin si Ethan sa likuran nya pero walang tao.

"pero narinig ko ang boses ni Angel..." saad nya pero tila auditory hallucination lang ang ang narinig nya dahil walang tao dun kahit isa tanging sya lang. maaring dahil siguro stressed sya at pagod nitong mga sunod sunod na araw. "tsk... How could I move on kung naririnig kita na parang baliw ako?... This is so unfair... Ako lang ang nagdudusa ng ganito... Hayst!!!!" ginulo nya ang buhok nya sa inis. "ano ka ba Ethan! Bata ka pa! 17 ka pa lang wag mong problemahin ang mga ganitong bagay okay?!" saad nya sa sarili na puno ng confident "at ikaw! Kung sino ka man ang writer ng storyang ito! Siguraduhin mong maganda ang kalalabasan ng kwento ko!... Para akong tangang kinakausap ang sarili ko..." saad nya matapos marealize na para syang sirang plaka ma kinakausap ang sarili kaya tumayo na sya at nag stretching ng konte saka bumalik na sa loob ng bahay. Papasok ulit sana sya sa kwarto pero hindi nya magawang ibukas ng malaki ang pinto dahil may nakaharang at ng tignan nya ay nakita nya si August na nakahiga at tulog na tulog. Kaya hinayaan nya na lang at muling bumalik sa sofa at dun natulog.

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising din si Malcolm dahil sa pag bukas ng pinto ni Ethan mula sa labas pero nakita nya na hindi ito pumasok dahil hindi ito kasya at muli na lamang sinira ang pinto. Matutulog na ulit sana sya pero biglang may yumakap sa kanya at nang tignan nya iyon ay bigla syang nanlamig dahil si Enoch iyon at naalala nya yung ginawa nilang laro kaya biglang kinilabutan si Malcolm sagad hanggang buto. Tumingin sya sa gawing kanan at nakita nya si Hillary saka bahagyang tinaas ang ulo para makita kung sino ang katabi nito at nakita nya na si Luke pala.

"Hill... H-Hill... H-Hillary..." bulong nya habang dahan dahang niyugyog ang kaibigan.

"baket?..." tanong nito na pilit na minulat ang mata.

"urong ka..." saad nya kaya mabilis na umurong si Hillary papunta kay Luke kaya mas lumaki ang pwesto nya. "hindi... Papunta dapat sa akin... Palit tayo ng pwesto..." sabi nya habang nakatingin sa kaibigan na minulat ang mata at tumingin sa kanya pati sa kalagayan nito. "...." hindi sya makapag salita dahil maiirin syang tinignan ni Hillary sa mga mata nya.

"Fine..." mabilis na inangat ni Hillary ang katawan gamit ang siko saka gumapang at dumaan sa ibabaw nya at sya man ay umusog. Inalis nya ang kamay ni Enoch na nakaharang sa higaan. "okay ka na?"

"oo... Comportable na..." saad ni Malcolm. Matutulog na ulit sana Si Hillary pero muling nag salita si Malcolm "Hill..."

"Mnnn?" - Hillary

"thank you..." - Malcolm

"Welcome..." saad ni Hillary na kahit antok na antok ay nagawang guluhin ang buhok ni Malcolm pero mabilis din itong huminto dahil gustong gusto nya nang matulog.

"hindi na akong makatulog..." saad ni Malcolm

Mabilis na nag mulat ng mata si Hillary at marahang umupo "ikukuha kita ng tubig..." hindi nag alangan tumayo si Hillary at lumabas ito saka maya maya ay bumalik na dala ang isang baso ng tubig. Umupo sya at pinainom si Malcolm "done?..."

"yeah..." saad ni Malcolm saka binigay kay Hillary ang baso at inilapag naman nito sa mesa katabi ng kama. At dahil sa sahig sila natutulog ay medyo hindi komportable si Malcolm.

"sleep well..." saad ni Hillary na nahiga ulit pero bago pumikit ay nag adjust ang mata nya sa dilim at pinag masdan si Malcolm na nakatingin sa kanya "matulog ka na..." saad nya pero hindi pa rin natulog si Malcolm "17 na tayo di ka pa din nag babago?..." saad nya at ng banggitin nya yun ay lumaki ang ngiti ni Malcolm. Sinimulan nyang kamutin ang ulo ni Malcolm bumaba ito ng konti para hindi mahirapan si Hillary saka sya lumapit dito. Kahit antok na antok ay pinilit na kamutin ni Hillary ang ng dahan dahan ang ulo ng kaibigan. Saka maya maya ay napansin nyang nakatulog agad ito. "ipinanganak ata ako para maging taga kamot ng ulo mo eh... " saad ni Hillary habang napapailing at natulog na din.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon