Chapter 21

199 25 3
                                    

NYX'S POV

malakas na bumatingting ang Kampana... Kasabay ng kanta ng mga anghel na nag mumula sa mga megaphone sa labas ng bahay at nakasabit sa mga poste. Nag mumula ang musika na yun sa simbahan.

3 am na pero hindi pa din ako makatulog. Baluktot na ako sa pagkakahiga. Ilang ikot na ang ginawa ko pero dilat pa din ang mata ko.

Nakatitig sa kisame habang hinahayaan ko bumalik ang lahat ng mga ala-ala ko.

Matutulog kami ng ni mom at dad ng 6 pm... Hanggang sa ramdam ko na lang na may bumuhat sa akin. Ang komportable sa katawan, para akong may mga pakpak at lumulutang sa ere. Hanggang sa iupo ako ng taong iyon.. May ma-aamoy akong masarap na omelet at bagong luto. Nang imulat ko ang mata ko ay ngiti nila ang bumungad. Tama nga ako omelet nga iyon at may gatas.

Tumingin ako sa orasan, 12:15 am. Inaantok pa ako kaya kurot sa pisngi ko ang nagpa gising sa akin. Saka tumawa silang dalawa. Niyaya nila akong kumain. Ang sarap... Sobrang sarap talaga ng luto ni Mom.

Dumaan ang oras na purong kulitan lang ang dumaan. Tawanan, harutan at kilitian ang buo sa mga oras na yun. Hanggang sa makita ni Dad na 2:00 am na. Pare-parehas kaming naghiway na parang walang nangyare. Kukuha ako ng toothbrush, si dad sa towel at si mom mag hahanda ng damit. Saglit lang ang pangyayari, naka bihis na kami. Hanggang sa magtawanan na naman, yun pala si dad di pa naka- sapatos, si mom di pa nagto toothbrush at ako wala pang suklay kaya mag hihiway na naman kami. Hanggang sa maging okay na... Pero nawawala yung eye glasses ni mom kaya hanapan na naman. At makikita sa ibabaw ng fridge o kahit saan..  Sa lagayan ng sapatos, sa likod ng mga flower vase, sa likod ng TV, nakasabit sa hanger at kung san san makikita yung salamin na yun na lagi na lang nawawala.

Nang-ayus na talaga ang lahat saka kami aalis habang mag kakahawak ng mga kamay...

At habang tumatagal ang mga ala-ala ay sumasakit ang ulo ko sobrang sakit.

"tama na..." hanggang sa dapuan na lang ako ng antok pag patak ng alas singko.

"NYX!" mabilis kong minulat ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko. Boses ni Feist iyon. Pero nasa kwarto naman ako,

"a dream..." oo nga,  pagtingin ko sa orasan ay 6:30 na. Mabilis kong kinuha ang towel. Papunta na dapat ako sa bathroom ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun at binasa ang kakapasok pa lang na text pero nagulat ako sa nakita ko.

Ó( ° △ °|||)

Seriously? 48 messages? At lahat galing lang sa iisang tao.

"Feist!! Is he for real?"

[good morning ≧∇≦]

[gising ka na? ≥3≤]

[kamusta?]

[gising ka na...]

[please]

[nag misa de Gallo kami. Hinanap Kita pero wala ka]

[tulog ka pa ba?]

[nag bake ang mama ni Yuna ng cupcakes... Dadalahan kita sa school]

[ilan gusto mo?]

[mga lima ba?]

[sige sampu]

[bilihan na din kita ng bibingka at puto bungbong]

[gising ka na may pasok pa tayo.]

Ilan lang yan sa Mga text nya. na exhaust Ako sa kakabasa kaya naligo na ako.
Pero di ko na pansin na ngumiti na lang ang labi ko na pa bang may sariling buhay ang mga ito.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon