NYX POV
hindi ako sumabay sa pag uwi sa grupo ni Feist kagabi, hindi ako pwedeng umalis sa black Rose pag may okasyon gaya nito. Sinabihan ko si Leon at Ethan na wag iinom ng sobra at makipag sabayan ng inuman sa karamihan. Maraming naiwan at nakitulog sa bahay ni Leon pero marami din namang umuwi kagabi. Pero kami inuwi namin si Cornelius sa bahay nila... Dahil birthday nya kaya dapat kasama nya ang parents nya. Bwisit lang dahil halos di na makagalaw kahit dulo ng daliri nya sa kalasingan.
Pinindot ko ang door bell ng bahay nila saka ako tumingin sa orasan, 12:47 AM
Malamang tulog na sila. Tsk...Mabilis syang nalasing dahil Fundador ang ininom nya at ang chaser nila red horse huli ko na yun malaman ng may tumumba sa kalasingan. Sa inis ko binuhos ko sa kanila yung cooler na may lamang yelo at malamig na tubig. Kung hindi ko pa sila sinaway malamang hanggang 4 AM pa sila matatapos o di kaya baka umagahin pa.
May nag bukas ng gate, yung security guard.
"good morning kuya.." bati ni Leon "andito kami para ihatid ulit ang amo nyo hahaha"
Matagal na kaming nakarating sa bahay ni Cornelius kaya kilala na kami ng mga katulong nila sa bahay."mga sir, ma'am magandang umaga po... Pasok po kayo... Kanina pa po hinihintay ang pag uwi ni Sir Cornelius ng mommy at daddy nya" saad nung guard. Nilakihan nya ang bukas ng pinto para makapasok kami.
Hawak ni Ethan at Leon sa mag kabilang braso si Cornelius... Kumatok ako sa pinto at mabilis naman bumukas ang pinto at bumungad ang mama ni Cornelius na may pag-aalala sa anak.
"son?... Pasok kayo..." tumuloy kami sa loob at diretso sa sofa. Naroon din ang papa nya si Governor Skinner. "bat ang dami nyang sugat at pasa? Napaaway na naman ba sya?" tanong ng mama nito.
"nabalitaan ko sa mga katulong kanina na hindi sya sumakay ng kotse at mag ji-jeep lang sya papuntang school. I thought that would be a good Idea... Pero sa nakikita ko mukhang hindi naman... Anong nangyare?" tanong ni Gov.
inihiga ni Ethan at Leon sa Sofa si Cornelius para Komportableng makahiga
"wala kang paki-alam" sagot ni Cornelius. Yup gising sya kanina pa nga yan tawa ng tawa at mura ng mura. Konting konti na lang masasapak ko na toh kahit sa harap ng pamilya nya. Si Ethan ang nag kwento sa nangyari kay Cornelius base na rin sa kwento nito kanina.
"what? My poor baby..." naiiyak ang mama nya sa narinig
"hahahahahahahaha!" tawa ni Cornelius "hahaha sh*t ang plastic nyo! Hahahaha"
"hoy tumahimik ka nga!" inis na bulong ni Ethan dito.
Bagsak at naluluha ang mag asawa habang nakatingin sa anak nila na walang humpay sa kakatawa at kakamura. Parehas nilang mahal ang anak nila, sobra. Pero kulang lang talaga sila ng oras para sa kanya. Mababaw lang ang luha nila pag dating sa sutil nilang anak. Maraming beses na silang umiyak sa harap namin at nag pasalamat dahil Nandito kami.
Yun ang dahilan kaya galit at inis na inis ako kay Cornelius. Lagi nyang pinapaiyak ang magulang nya... He hate them to death. Hindi nya ba alam na may mga taong handang ipag palit ang lahat para lang sa kanilang pamilya at magulang. Maraming mga tao ang nangungulila sa yakap ng kanilang ama at halik ng isang ina. Pero sya?... Kumpleto sya ng mga sangkap para sumaya pero hindi nya ginagalaw ang mga yun. Dahil ang gusto nya ang mga ito ang kumilos para sa kanya. Pero mali sya, sarili mo ang mismong tutulong sayo para makalikha ng kasiyahan na para lang sayo.
Tumayo si Cornelius kahit na muntik na matumba, nasalo lang sya ng papa kaya naiwasan ito pero nagulat ako ng itulak nya ang papa nya. Buti at malapit lang si Leon kaya nasalo ang pag bagsak ng governor sa sahig.
BINABASA MO ANG
Goodbye Agony Book 1
Fiksi UmumA cold hearted, walang pakialam sa paligid, Salot ang tingin ng mga tao. Nag-iisa sa madilim at malamig na kwarto... Niyayakap ang kadiliman sa buhay at puno ng kawalan ng pag-asa. Akala ko Talaga impossibleng maalis na ako sa Impyernong Buhay na i...