Chapter 66

108 8 4
                                    

NYX'S POV

'Nyx! Sinugod sa hospital si Icarus!! Pumunta ka dito ngayon na!'

"Ano bang nangyayare?..." tanong ko sa sarili ko habang tumatakbo palabas ng subdivision matapos tumawag ni Ethan sa akin.

Tumatakbo ako na parang walang bukas.. Mabilis... Sobrang bilis na abot ng makakaya ko ngunit heto na naman sila... Yung mga aninong humahatak sa paa pailalim. Pabigat ng pabigat ang mga binti ko... Hinahabol na naman nila ako...

'please let me go... Stop... Don't chase me anymore... Ayoko na... Tama na...' pag mamaka-awa ko sa aking isipan.

"tumigil na kayo..." bulong ko habang tumatakbo

Nawala na sila noon dahil sa sayang natagpuan ko... Pero panandalian lang ba iyon huh? Si Icarus ang dahilan kung bakit nilubayan ako ng mga anino at sya ang humawak sa kamay ko't inalis ako sa kailaliman ng kalungkutan ko. Pero ngayon... Ngayon... Heto na naman sila.

"ah!... Tsk!" inda ko dahil sa pag kadapa ko. Nakaramdam ako ng sakit sa tuhod at braso ko nahirapan din akong tumayo dahil sa pang hihina. Pero konti na lang nasa gate na ako kaya hindi ako na yun pinansin at tumayo ako dahil kailangan ko... At alam kong kailangan nya din ako.

*PIIIP PIIIP*

Nagulat ako ng muntik na akong masagasaan ng isang van na biglang sumulpot sa kaliwa ko.

"MAG PAPAKAMATAY KA BA?!" sigaw nya pero hindi ko na sya pinansin at tumuloy na lang ako palabas.

Halos kalahating oras bago ako nakarating sa hospital na pinag dalahan kay Feist. Dumiretso ako sa kwarto... Mabilis kong nakita iyon dahil naroon si Alyster, Ethan at Cornelius sa labas na nakatayo upang hintayin ako.

"nasaan sya?!" papasok sana ako sa pinto pero humarang si Cornelius at hinawakan ako ni Ethan sa kamay. "bakit?" mabilis kong tanong. "ano?"

"hindi mo sya pwedeng makita.... At hindi ka din nya pwedeng makita, Nyx... Bilin yun sa amin ng papa nya" saad ni Alyster na hindi makatingin sa akin ng diretso.

"ha! anong kalokohan toh?" tanong ko

"Nyx..." napatingin ako sa likod ko naroon ang mama ni Feist... Makikita ang lungkot sa mga mata nya habang nakatingin sa akin. "hindi na kakayanin ng puso ni Icarus ang abnormal heartbeat sa susunod na pagkakataon dahil baka iyon na ang maging huling sandali nya... Matalino kang bata Nyx kaya alam kong alam mo ang gusto kong sabihin diba?" lumapit sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko saka nya ako niyakap at umiyak.

Ano toh?

"huh? Heto na naman... Andito na naman ako sa sitwasyon na toh. Ha ha ha hahahahahahahahahahahaHahaha" tawa ka na tila isang takas sa mental habang naka dikit ang kanang palad sa mukha ko. Nanlalabo ang mata ko... Parang nag kakaroon ng tubig ang buong paligid... Sumasakit din ang lalamunan ko pati ang dibdib ko hanggang sa hindi ko na kayang pigilan ang aking mga luha na nag unahan sa pag bagsak. Naririto na naman yung parte kung saan may mawawalang special na tao sa buhay ko. Akala ko tapos na... Akala ko magiging masaya na ako... Yung sayang karapat dapat sa lahat. "Ano ba? Ano ba? Ano ba?" humigpit ang yakap sa akin ng mama ni Feist.

"Nyx... Please" saad ni Ethan

"Naiintihan ko..." yun na lang ang sambit ko

"thank you... Thank you Nyx... And I'm sorry" - Feist's Mom

Pumasok sya sa kwarto pero muli syang tumingin sa akin tumango ako bilang pag galang sa kanya at pasasalamat ko na din. Naiwan kaming nakatayo sa labas ng pinto... Napasandal ako sa pader at pinada-usdos ang aking likod pababa hanggang sa maupo ako.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon