Hello po! Maaga akong nag-update kasi baka mabagal na man Net mamaya! Sana po magustuhan niyo!
Dedicated sa kanya kasi active reader siya.
CallMeBatGirl41
---------------------------------------------------------------------------------------
KATH’S POV
Kinabukasan….
“Kath, gising na. Baka ma-late ka pa,” sabi ni Ate Yen. Oo, may ate ako. Dalawa lang kami. Bunso ako, natural.
“Ai, Ate. Thank you sa paggising.”
“Ui, kanino galing ung teddy bear?”
“Ah, ehh. Wala ‘yan.”
“Uii, si bunso. May nanliligaw na sa kanya.”“Hindi noh. Peace offering ‘yan.”
“Peace offering? Sinong nagbigay?”
“Si Daniel, ung dati nating kapitbahay”
“Ahh…. Bakit ka niya binigay ‘yan sa’yo?”
“Ganito kasi ‘un,” tapos kinuwento ko lahat ng nangyari.
“Gago pala ‘un eh. Mag-iingat ka ah kahit na fake BF mo un. Osia, mala-late ka na.”
“Sige, ate. Tatandaan ko ‘yan,” sabay smile.
Tapos, ginawa ko daily routine ko : kain… ligo… ayos… Dumiretso na ako agad sa RU. Baka uminit pa ulo ni Mr. Bernal. Teka, sobrang aga ko naman. 30 minutes pa bago ang klase!!! Ikutin ko na lang kaya ang buong Builiding II? Okay, ano bang meron sa Buliding 2? Nandito ang library, lab, tsaka mga classrooms lang. Papunta na sana ako ng library nang biglang may humatak sa’kin papunta sa isang room. Mahigpit ang hawak niya. Sino naman kaya ‘to?
“Hoy, impaktita! Wag mo ngang malapitan si DJ! Bakit ka niya binigyan ng teddy bear?” sabi niya.
“Sino ka ba? Bakit hindi mo tanggalin ang palad mo sa kamay ko?”
“Eh, paano kung ayoko? Pahihirapan muna kita!” tapos lingyan niya ako ng blindfold. Then, bigla niya akong sinabunutan. Sobrang sakit! ‘Ung matatanggal na ‘yung anit mo. ‘Di pa siya nakuntento sa sabunot, sinampal, sinpa, sinuntok niya ako. Lahat ng karahasan eh ginawa na niya ‘ata sa’kin. Masakit talaga!
“Oh, ano? Lalapitan mo pa si DJ?” tanong niya. ‘Di na ako nakasagot. Tapos, bigla niyang akong binitawan. Tumama ang ulo ko sa semento. Masyado….masya..do…n….na…a…k-kong…nann…nang….hi…hi….na. Biglang nagdilim ang lahat.
DANIEL’S POV
Haayy. Ang sarap ng gising ko! ‘Di ko alam kung bakir. Dahil ba sa nangyari kahapon? Bakit di ko makalimutan? Daniel Reyes, mag-ayos ka nga! Bakit nagpa-panic ako ‘pag naririnig ko ang pangalan niya? Ano ba yan? DJ, bumalik ka nga sa katinuan!
“DJ, wake up!” sabi ni mama.
“Okay, ma.”
“Nabalitaan kong nagkaroon ka raw ng punishment sa school?”
“Opo. Sorry, ma.”
“Ok lang ‘un. Pero narinig ko na sinabi mo sa buong campus na may GF ka na. Totoo ba un?
Naman! Lakas ng radar ni mama!
“Ah, eh, opo. Di ko lang sinasabi sa inyo kasi palagi kayong wala sa bahay.”
“What’s her name?”
“Kathryn Santos po. Naging neighbor na po natin sila.”
“Oh, really? I like her name. I want to meet her. Maybe, this Sunday?”
“Tingnan ko po.”
“okay, get up now so that you will not be late.”
Ano ba yan? Bakit kailangan pang kilalanin ni mama si Kath? Urrghh!!! Sunduin ko kaya si Kath para masabi na sa kanya? Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Nasaan kaya ung babaeng un? Puntahan ko na lang nga.
(After 20 minutes of getting ready, papunta na ako kila Kath)
Nung umabot na ako sa bahay nila Kath, ang Ate Yen lang niya ang nadatnan ko. Sabin g ate niya, agad daw umalis si Kath. On the way sa school, tinawagan ko ulit siya. Takte, hindi pa rin siya sumasagot. Damn it! Iniiwasan ba niya ako? O baka naka-Silent Mode lang phone niya. Agad akong pumunta ng school at pumasok sa room. Nandoon mga gamit niya pero nasaan siya? Tinawagan ko ulit. Nagri-ring pero wala sa bag niya nag phone niya. Inikot ko buong room. No luck. Lumabas ako ng room at inikot ang buong building. Tinawagan ko ulit siya. Ayun! May tumunog. Pero saan? Tinawagan ko rin siya sa pangalan niya. Wala. Tahimik. Pumasok ako sa isang room. Mahina pa rin ang ringtone. Pumasok ako sa cleaning room. Ayun, biglang lumakas! Kath, nasaan ka na ba? Nakita ko siya bigla sa sulok. Bakit andmai niyang pasa? Dumudugo rin noo niya. Shit! Anong gagawin ko? Agad ko siyang binuhat at dinala sa parking lot. Sinakay ko siya sa backseat at tinext si Julia. Sabi ko daan muna siya sa ospital. Dali-dali kong pinaandar ang kotse. Kath, please be okay. Di ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo. Damn! Lumalambot na ang puso ko. Ay, basta. Kailangan ko na munang mailigtas si Kath. Buti na lang, walang traffic. Agad kong nadala sa ospital si Kath. After 5 minutes, nandoon na rin si Julia.
“DJ! Anong nangyari kay Kath?”
“Hindi ko rin alam. Nakita ko na lang siya sa cleaning room. Wala ng malay. Marami rin siyang pasa.”
“Sino naman kayang gagawa sa kanya nito? Nasabi mo na ba ‘to kay Principal?”
“Ay, oo nga pala. Text mo na rin ate niya.”
After 20 minutes, lumabas na ang doctor sa ER.
“Dok, kumusta na po kapatid ko?” tanong ni Ate Yen. (Grabe kung maka-ate. Para namang totoong GF ni Kath noh?)
“Okay lang naman siya. Wala naman kaming nakitang basag sa bungo niya. It could’ve been worse. Kailangan lang niyang magpahinga for 1 week.”
Whew! Salamat naman at okay na si Kath.
“Nasaan na po si Kath ngayon?”
“Nasa kwarto na siya. Pwede niyo na siyang puntahan.”
“Salamat po.”
First floor lang ang room ni Kath. Room 143 (Sumakto pa talaga). Nandoon siya nakahiga. Nakakaawa siya. Pagkasarado ng pintuan, minulat niya ang mga mata niya.
“Sis! Okay ka na ba?”
“Aray. Ate, nasaan ako?”
“Nasa ospital ka, Kath.”
“Ospital? Bakit?”
“Di mo na ba naalala? Dinala ka pa nga ni DJ eh”
“Sinong DJ?”
BINABASA MO ANG
The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*
JugendliteraturTotoo kaya ang phrase na 'the more you hate, the more you love'? Abangan dito sa makulit yet nakakakilig na love story na magugustuhan ng mga KathNiel lovers!