The More You Hate, The More You Love [KathNiel] Chapter 12

18.9K 368 12
                                    

DANIEL’S POV

“Nagtataka ka kung bakit ko alam, noh?” sabi ko at tumango siya.

“Sinabi ni Julia sa akin. Bakit sinabi ni Julia sa akin? Kasi concerned siya sa akin. Bakit siya concerned sa akin? Kasi stepsister ko siya,” sabi ko. Mukhang shocked siya. Hiningal ako dun ah. Oo, stepsister ko si Julia. Actually, pinsan ko siya kaso nga lang namatay ung parents niya sa isang plane crash kaya inampon sila ni mama. From then on, tinuring ko na siyang kapatid. Hindi lang namin sinasabi.

“DJ, sorry talaga. Aaminin kong mali ung ginawa ko. Di ko talaga sinasadya.”

“Di sinasadya? Kath, 3 days akong naniwala! Buti na lang nga at sinabi ni Julia sa akin kundi hanggang ngayon naniniwala ako sa kalokohan mo!”

“S-Sorry talaga,” nanginginig na ang boses niya. Halatang umiiyak na siya.

“Sorry? Tingin mo matatanggal ng sorry mo ang lahat? Kung nadadaan sa sorry ang lahat ng kasalanan sa mundo, ano pang silbi ng mga pulis? Kath, grow up, please lang!”

Kinuha ko na ang basketball bag ko at umalis na.

KATH’S POV

Kath, grow up, please lang.

Those words pierced my heart like a sword. Alam kong sinabi ko rin iyon sa kanya kaya wala akong karapatang magalit. Pero, masakit pa rin talaga. Habang pauwi, paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi niya.

Sorry? Tingin mo matatanggal mo ang lahat?

Kung nadadaan sa sorry ang lahat,ano pang silbi ng mga pulis?

Kath, grow up, please lang!

Grow up…

Grow up….

Grow up…..

I wish I have a time machine. Sana maibalik ko ang panahon. Sana di ko na lang ginawa un. Edi sana hindi ako nagkakaganito. Sana hindi rin ako nagsisisi. Sana…sana…SANA!!! Wala namang mangyayaro kung aasa lang ako sa sana. Kailangan mong umaksyon, Kath! Go go go!

Saturday, morning….

Urrrgghh!!!Ang pangit ng paggising ko. Tumingin ako sa salamin. Ano ba yan??? Laki ng eyebags ko! Paano ba naman kasi. Buong gabi kong iniisip kung paano ko babawi kay DJ. At ngayon, nabuo ko na ang planong malupit ko. Hope this will work. Tapos pala, kung inaalala niyo ung lagay namin ni Julia, okay kami. Naintindihan ko naman siya eh. Kung gagawin un kay Ate Yen, ganun din naman ang gagawin ko. Back to the situation again. Gusto niyo bang malaman ang plano ko?  Osige na nga, sasabihin ko na. Gagamitin ko na ang special power ko : ang baking. Mahilig akong mag-bake. Plano kong gumawa ng cake. Chocolate mousse cake raw ang favorite niya, sabi ni Julia. Buti na lang specialty ko pa ang paborito niya. Ngayon ko nga bibilhin ang ingredients eh. Tapos, bibigay ko na lang to sa Lunes. Okay ba ang plano ko? Sana talaga gumana to. Please, langit, pumanig ka ulit, ah? Maka-baba na nga para kumain ng almusal.

“Bunsoy, bakit anlaki ng eyebags mo?” tanong ni Ate Yen.

“Oo nga, ‘nak. Sobra naman yan ah. Haay, naku. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Tungkol yank ay DJ, ano?” sabi naman ni mama.

“Ang lakas ng signal niyo sa balita ah. Tungkol nga po sa kanya. Pero, ako naman may kasalanan. Nagpanggap akong nagka-amnesia ako. Kaya nung nalaman niya, nagalit siya at hindi nako pinansin,” paliwanag ko.

“Tsk tsk. Bakit mo ba naisipang gawin un? tanong ni Ate.

“Naku, anak, kailangan mong ayusin yan. Ikaw naman pala ang may kasalanan.”

“Oo nga po eh. Syanga pala. Pwede po ba akong pumunta ng mall mamaya?”

“Sige, Basta mag-iingat ka ah. Teka lang pala, ngayon darating ang pinsan mo. Sama mo kaya siya?”

“Sige po! Masaya naman pong kasama un.”

“Ay, ma. Ako rin magpapaalam. May date ako ngayon,” sabi ni Ate Yen.

“Ikaw din? Osige, Basta mag-iingat kayo.”

“Eh, ma, sinong kasama mo dito?” tanong ko.

“Wag ka ng mag-alala. Aalis din ako. Ay, oo nga pala, pupunta kami ng tita niyo sa probinsya. Dadalawin naman ang puntod ng lolo’t lola niyo. Wedding anniversary na nila sa Lunes eh. Di ko naman kayo masasama dahil may pasok pa kayo. Tsaka, maiiwan muna dito ung pinsan niyo.”

“Ganun po ba? Sige po, mag-iingat po kayo dun ah.” sabi ko.

Ding dong

May nag-doorbell.

“Ako nang magbubukas,” alok ni Ate Yen.

Lahit kami ay pumunta sa front door. Pagkabukas ng pintuan ni Ate, nakita ko na ang pinsan kong si Khalil. Si Kahlil Chua ang pinsan ko. Ang nag-iisang pinsan ko. Noong ditto sa Maynila pa sila nakatira, palagi kaming naglalaro. Pero magsimula noong nagkasakit sila Lola, dun na sila sa Pampanga tumira. Namiss ko talaga siya!

“Khalil!” tapos nag-high five kami. “Mano po, tita.” sabay mano.

“Anlaki mo na, Kath. Siguro may boyfriend na’to, noh?” sabi ni Tita Steph. Si tita talaga!

“Haay, naku, tita. Meron na po yan. Mahabang istorya.” bulgar ni Ate Yen.Tiningnan ko si Ate with my wag-mo-akong-papahiya look. Nag-peace sign siya.

“Kath, diba aalis ka? Mag-ayos ka na. Steph, pasama mo na si Khalil para naman masanay na siya.” Sabi ni mama kay tita.

“Sige. Kahlil, Kath, mag-iingat kayo ah,” sabi ni tita.

“Ako pa, ma.” Sabi ni Kahlil.

“Wait lang, ah. Mag-aayos lang ako.”

“Sige.”

Agad akong dumiretso sa banyo. After 20 minutes, bumaba na ako. Sinuot ko ung Batman shirt ko. Sinabi ko naman sa inyo eh. Favorite ko si Batman. Tatawag na sana ako ng taxi nang---

“Kath, mag-kotse na lang tayo.” Sabi ni Kahlil.

“Marunong kang mag-drive?”

“Oo naman.”

“Laki na ng pinagbago mo ah. Dati hinahatid mo lang ako sa park gamit ang bike, tapos ngayon, kotse na!”

“Syempre, ako pa.”

“Tara na nga. Masyado na kasing MAHANGIN dito eh. Haha. Joke.”

“Hanggany ngayon ba naman, corny ang mga jokes mo?” tapos ginulo niya ang buhok ko.

“Haha. Dalian na natin.”

“Tara na.” at sumakay na kami. Mabilis lang ang biyahe namin. Mga 5 minutes lang ata. Nung nag-park na kami, ung katabi rin namin eh kakarating lang. hols sabay din kaming bumaba. Nung nakita ko ang driver, halos mahimatay ako! Si DJ! At amy kasama siyang babae! Bakit parang nagseselos na ako? Pareho kami ng shirt? Earth to Kath!

---------------------------------------------------------------------------

Ok lang ba ang chapter nato? Comment naman kayo oh! Para malaman ko kung paano maimprove ang story! Dedicated sa kanya dahil tama ang sagot niya.

3rd poster ang nasa multimedia.

The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon