Hello! Maikli lang ung update ko...
CallMeBatGirl41
“Eto oh,” sabay lapit ko.
“Kath, ako si DJ.” sabi ko.
“Sino ka?”
“Di mo na ba talaga ak nakikilala?”
“Hindi nga.”
“Ate Yen, puntahan ko muna si Dok.” Sabi ko kay Ate Yen.
“Ok. Sige. Ingat ka ha.”
Di ba niya talaga ako naaalala? Mapuntahan nga ang Doktor.
“Dok, bakit hindi ako naaalala ng pasyente?”
“Ah, marahil dahil sa trauma. Common naman un.”
“Eh, bakit ako lang di niya maalala?”
“In some cases, ung mga experiences or people na gusto nilang makalimutan ang nawawala sa memory nila.”
“Ah, ganun po ba? Sige po. Thank you po.”
Ganun ba ako kasama para makalimutan niya ako? Galit kaya siya sa’kin? Nagpa-sorry na’ko, diba? Pero bakit ganito ung feeling? Diba dapat masaya ako kasi hindi na kami magkasama? Hindi ko na kasama ang reyna ng kaartehan at kasamaan. Eh, bakit malungkot ako? Tinanggal na rin ni Principal ung punishment. Eh, bakit hindi ako masaya? Bakit? Bakit? BAKIT???
KATH’S POV
After a week, nakalabas na ako ng hospital. Nalaman ko na rin na wala na ung punishment namin. Honestly, naaalala ko pa rin si DJ. Ayaw ko lang sabihin. Hehe. Wag kang maingay ah. Gusto ko lang siyang pagtripan. Pwede na ba akong best actress? Haha. Akalain mo nga naman. Isang lingo siyang naniwala sa prank ko. Wag niyog sasabihin ah. Oh, yan, parating na siya.
“Kath, naaalala mo na ba ako?”
“Sino ka na nga kasi?”
“Ako nga si DJ! Tatak mo nga yan sa kukote mo!”
“Alam ko ung pangalan mo. Pero, hindi… wala akong maalalang memories na kasama ka.”
“Nyeta naman. Bahala ka nga dyan.”
Aii, nag-walk out. Haha, pikon talaga. Makabalik na nga sa room. Karating ko sa room, nandun si Julia. Si Julia lang ang nakakaalam ng sikretong malupit ko.
“Hi, Juls.”
“Nadyan ka pala best. Oh, naniniwala pa rin ba si DJ?”
“Haha. Oo, naniniwala pa rin siya.”
“Alam mo, Kath, sa tingin ko, dapat sabihin mo na ang totoo kay DJ. Halata kasing nag-aalala siya sa kalagayn mo.”
“si Dj, mag-aalala? Imposible naman un!”
“Kahit na parang aso’t pusa kayo, nakikita ko naman ang concern niyo sa isa’t isa. Naaalala mo pa ba ung nangyari last year? Nakita ko na concerned ka.”
*FLASHBACK*
Ano ba yan? 8:00 na pero nasa school pa rin ako. Ako na lang ata nandito eh. Bakit kasi tambak sa projects? Buti na lang andito pa si Manong Guard. Wait lang, ano un? Bakit biglang may kumaluskos? Baka pusang gala lang un.
“Hi, Kath.”
“Anak ng putakte. Sino yan?!?!”
“Di mo na nga ako kilala?” Pamilyar ung boses na un. Bakit di ko maalala?
“Sino ka na nga kasai?”
“Ako lang naman si Brian”
“Brian? Wag mong sabihing------.”
Lalabas na sana ako ng library pero. Too late. Naharang na niya ang daan palabas.
“Bakit, Kath? Mukhang takot na takot ka?”
“Sinabi ko naman sa’yo, Brian, wala akong balak na sagutin ka.”
“Okay, that’s your choice. Wag akong sisihin sa gagawin ko.” Shit, bakit ganon ung tingin niya? Para siyang lasing. Dahan-dahan siyang lumapit. Delikado na lagay ko. No choice.
“TULONG! TULUNGAN NIYO PO AKO!!!!”
“Walang kwenta yang pagsigaw mo. Tayo na lang ang nandito. Si Manong Guard, nasa gate, natutulog. So, wala ka ng magagawa.”
Damn! Ano kayang gagawin ko? Lord, please! I need your help! Nawawalang na ako ng pag-asa nang--
BINABASA MO ANG
The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*
Roman pour AdolescentsTotoo kaya ang phrase na 'the more you hate, the more you love'? Abangan dito sa makulit yet nakakakilig na love story na magugustuhan ng mga KathNiel lovers!