The More You Hate, The More You Love [KathNiel] Chapter 13

16.6K 380 17
  • Dedicated kay Dominique Resuello
                                    

DANIEL’S POV

“DJ, punta tayo sa mall. Tulungan mo akong bumili ng gift para kay Papa,” yaya ni Ate Colleen, real sister ko.

“Oo nga noh. Lapit na birthday ni Papa. Sige, wait lang, maliligo lang ako.”

Sunday na bukas. Ang araw na itinakda ni mama para makita niya si Kath. Di ko naman sinabi kay Kath. Galit pa rin ako sa kanya. Ikaw ba naman kasing gawan ng ganun. Ano kayang gagawin ko para sa NBQ? Pano niyan sa Monday? Sigurado namang pagsasamahin kami. Aish, bahala na nga si Batman! Speaking of Batman, naka-Batman shirt ako. Feeling ko ito dapat suotin ko.

“Ate, tara na,” sabi ko. Ayos! Walang traffic. Habang pina-park ko ang kotse, may kasabay pala kami. Kababa ko, nagulat ako! Si Kath! Naka-batman shirt din siya. Pero, sino ung kasama niya? Boyfriend niya? Bakit tumatawa si Ate? Biglang nag-init ulo ko. Bakit kaya? Tss, bahala na nga!

“J, tara na,” sabi ni Ate. J na naman tawag niya sakin. J short for DJ, gets niyo ba?

“Sige, tara na,” at pumasok na kami.

“J, bakit parang natataranta ka? Tungkol ba un sa babae kanina? I’ll take a wild guess, si Kath un noh?” sabi ni Ate.

“Paano mo nalaman?”

“Kinuwento lahat sa’kin ni Julia. Daniel John, kapatid kita. And based on the way you look at her, I feel that you are jealous.”

“J-Jealous? Ate, linoloko mo ba ako?”

“Tingnan mo nga. Di mo ka matingnan ng diretso! Bakit di mo kasi aminin na gusto mo na siya?”

“G-gusto? S-si K-Kath? Ate naman! Imposible un! Palagi kaming nag-aaway. May competition in between us. So, practically, we’re enemies and we hate each other!”

“Is that so? Eh, bakit para ka ng kamits dyan? You hate her, huh? You know the saying, ‘the more you hate, the more you love’? Well, we never know.”

“Dahil lang sa lighting ung pamumula ko! Hindi rin totoo ung kasabihan na yan! Tss, naniniwala ka ba talaga dyan?”

“Well, in the long run, you might realize what I am saying. Tara na nga, baka mapikon ka pa.” tapos ginulo niya ung buhok ko.

“Ate! Ung buhok ko!”

“Haha. Tara, dun tayo!” at pumasok kami sa isang shop.

Andami namin pinagpilian ni Ate peros a huli, isang necktie at fountain pen ang binili namin para kay Papa.

“J, gutom ka na?” tanong ni Ate.

Tumingin ako sa orasan. 1:00 na pala! Ganun ba kami katagal mamili?!?!?!

“Okay lang naman. Siguro, gutom ka na, noh?”

“Haha, tama ka. Dun tayo sa usual?”

“Sige ba.”

So, pumunta kami dun sa favorite restaurant namin ni Ate.

“Aii, wait lang, nag-text si Kahlil. Nasa mall daw siya. Ikaw na lang mag-lunch tsaka kung tapos ka nang kumain or wala ka nang gagawin, uwi ka na ah. Ingat ka, bro,” sabi ni Ate. Si Kahlil ang boyfriend ni Ate. Di ko pa nga nakikilala un eh.

“Sige. Ikaw din.”

Andaming tao sa restaurant! Wala na yatang space eh. Sa iba na lang nga ako kakain.

“DJ!” may tumawag sa’kin. Alam ko ‘to. Sigurado akong siya ang tumawag sa akin. Wala ng iba. Si Kath lang naman ang may ganoong boses. Damn! Kakaiba na naman ung feeling. Para bang bumigat.

“Oh, Kath. Andito ka pala.”

“Naghahanap ka ba ng upuan? Samahan mo na lang ako.”

“Diba kasama mo ung boyfriend mo? Baka naman maistorbo ko kayo.”

“Boyfriend. Sinong boyfriend?”

“Ung kasama mo kanina.”

“Ah, si Kahlil? Ano ka ba? Pinsan ko un!”

Whew, pinsan lang pala. Kala ko kung ano na. Teka lang, bakit parang nabunutan ako ng tinik nung sinabi niyang pinsan lang niya ung Kahlil na un?

Could it be… Am I really falling for this girl?

 --------------------------------------------------------------------------------------

Comment naman and Vote! Please! Nagmamakaawa ako. Feeling ko na naman walang nagbabasa. :(((( Pag walang nagparamdam nagayong chapter, di ko na talaga itutuloy tong story. Nakaka-disappoint lang kasi.

Dedicated sa kanya kasi isa rin siya sa mga unang nakabasa nito. Hi, Dom! :DD

The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon