KATH’S POV
Kath, anlakas talaga ng loob mo! Kausapin ba naman ng normal ang taong galit sa’yo? Napagkamalan pa niyang boyfriend ko si Kahlil. Eto naman kasing si Kahlil, iwanan ba naman ako? Nagtext daw kasi GF niya. Nasa probinsya siya tapos tiga-Manila GF niya? Ayos, din tong pinsan ko eh noh.
“Kahlil? Boyfriend un ng ate ko ah,” sabi ni DJ.
“Ate? Ah, ung kasama mo kanina?”
“Oo. Kaya pala.”
“Anong kaya pala?”
“Kaya pala nung bumaba kami ng kotse, biglang sumigla si Ate.”
“Ah, so ano? Dito ka ba kakain?”
“Wala na yatang pwesto eh.”
“Ung pwesto ko naka-reserve. Pina-reserve ko na kasi. Table for two naman so pwede kang sumali. Kung ok lang sayo.”
“Ok lang sa akin.”
“Osige. Tara na!” Tapos kinuha ko ung wrist niya. Kath? Ikaw ba talaga yan? Hindi na ata kinokontrol ng utak ko ang katawan ko! Nung nandoon na kami sa table, wala ng nagsasalita. Spell awkward and creepy at the same time :
K-A-M-I.
This is it. Magso-sorry na talaga ako.
“Sorry,” sabay naming sinabi. Ha? Bakit siya nagsosorry? Urrgh! Tumahimik na naman! Nagkahiyaan na naman!
“Sorry talaga,” sabay na naman kami.
>.< FacePalm
“Bakit ka nagsososorry?” tanong ko.
“Kasi, alam kong sobrang masakit ang mga binitawan kong salita kagabi,” paliwanag niya.
“Hindi, okay lang yun. Ako nga dapat magpa-sorry eh. Kasi pinagtripan kita. Na-bad trip ka tuloy. Sorry talaga.”
“Okay na sa’kin un. I’m not the kind of person that hold grudges.” Tengene. Totoo ba yan? Eh kanina lang, galit ka pa sa kanya eh.
“Really? Pinapatawad mo na ako?”
“Oo nga.”
“Talaga?! Thank you!” sabay hug.
“Hug lang bibigay mo? Wala man lang peace offering? Not a nice attitude for a girlfriend,” sabi niya while smirking. Girlfriend? Ay, oo nga pala.
“Demanding boyfriend ka ah. Wag kang mag-alala. Meron akong bibigay sa’yo.”
“Talaga? Haha, demanding pala ah,” tapos kiniliti niya ako.
“Ano ka ba? Sa Lunes ko na lang bibigay.”
“Aii, tagal.” Tapos nag-pout siya. Ang cute niya! OM! Ano na ba talagang nangyayari sa akin?
“Ma’am Kath, Sir DJ, ano pong order niyo?” tanong nung waiter.
“Kukunin ko ang usual,” sabay naminkami. Kaalis ng waiter, tumawa kami
DANIEL’S POV
Tapos na kaming kumain. Ano na kayang gagawin namin?
“Oh, ano niyang gagawin natin?”
“Ikaw, ano bang gusto mo?”
“Pa-picture kaya tayo. Para maalala natin na ngayon tayo nagkabati.”
“Oo nga noh! Osige, papatawag ko lang si Brando,” tapos sumenyas siya at may lumapit na waiter sa amin.
“Kuya Brando, pwedeng papicture?”
“Sige, Kath.”
“Eto phone ko.” sabay abot ni Kath ng phone niya. Bakit Kuya ang tawag ni Kath? Tsaka bakit Kath lang ang tawag nung Brando? Diba dapat may Ma’am o kaya Miss man lang? Umiinit na naman ulo ko! Aish, bahala na nga!
----------------------------------------------------------------
A/N: Ok ba tong chapter na to? Sabihin niyo naman ung mga gusto niyong mangyari para kung saka-sakali masali ko. Please!!!!
Ung picture nila ung nasa multimedia.
May bagong idea ako for a New Story. KathNiel din siya. Gusto niyo malaman? 5 votes muna. Please!!!!!
Every chapter, may Now Playing ako. Para malaman niyo ung mga kanta na nag-iinspire sa'kin kapag nagsusulat ako. Hehe. Ok lang ba?
Deicated sa kanya kasi naadik ako sa Better Together niya
Vote and Comment po!
Ang may magandang comment, ide-dedicate ko sa kanya ang next chapter. PROMISE!!
BINABASA MO ANG
The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*
Teen FictionTotoo kaya ang phrase na 'the more you hate, the more you love'? Abangan dito sa makulit yet nakakakilig na love story na magugustuhan ng mga KathNiel lovers!