CONGRATULATIONS to all Graduates!
Chapter ten♥
Daniel's Pov
"haaaay sakit ng katawan ko" si Pj. nag-unat-unat pa pagkalabas ng kotse
"wow ha. nahiya naman ako sa pagsakit ng katawan mo eh natulog ka lang buong biyahe" si Lee. siya lang kasi nagdrive from manila all the way here to Zambales.yeah.right.ZAMBALES. sa beach resort ng pamilya nila.
pagkapasok namin sa beach house nila natulog na agad si Lee.
inilibot naman ako ni Felix sa buong beach resort nila. napapagitnaan ng mga customers beach houses yung sariling beach house nila. Yung mga pang-customers beach houses may modern tapos may nipa hut style naman. clear blue color nung tubig nung dagat pero hindi white sand. at gaya ng kwento ni Felix sakin, maganda nga yung beach resort nila.
"daniel oh" nag-abot ng pineapple juice si felix sakin "fresh pineapple yan" dagdag pa niya.
"pinasundo ko na pala si Diego sa bayan" tumango lang ako. nandito naman na kasi sa pinas si Diego. ayaw lang muna magpakita kay Julia.
pagkarating ni Diego, naglunch na muna kami tapos nag-usap tungkol sa plano. nakikinig lang naman ako sa kanilang dalawa ni Lee kasi laging rejected yung sina-suggest ko eh.
...
Gabi na rin kaya naisipan ko maglakad-lakad muna habang hinihintay sila Tiffany, pinasundo ni felix sila tiffany sa manila.
bigla ko naisip si kath...
kamusta na kaya si Kath ngayon?
masaya naman kaya siya?
masaya naman kaya siya sa naging desisyon niya?
siguro nga masaya yun.
may nakita akong bato kaya sinipa ko kaso napalakas ata...
"ARAY HA!" pag-angat ko ng ulo ko
"Sorry" sabi ko kay Lee habang himas-himas niya yung parte ng likod na natamaan nung sinipa kong bato. inirapan lang niya ako at tumalikod na sakin ulit. naka-upo siya sa buhanginan ng walang kahit anong tela na sapin. di ko alam kung anong ginagawa niya kaya lumapit ako.
nagbend ako ng knees konti at tinukod yung dalawa kong kamay sa tuhod ko "ano yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya. may binabasa kasi siya sa ipad niya na nakalapag lang sa buhangin dahil may hawak siyang gitara "madalim dito ah nababasa mo ba yan?"
"paki-alam mo ba?" sabi ko nga hindi ka pa rin mabait. kanina nung nasa biyahe nakikipag-usap, nung lunch time parang anghel na bumaba sa lupa ngayon naman anghel na pinatapon sa lupa na.
umupo na lang ako sa likod niya. kaya ang posisyon namin magkatalikuran kaming dalawa. may nakita akong stick kaya naglaro ako ng buhangin. nagdrawing ako ng kung ano-anong shape atsaka letters.parangbatalang.
nagsta-stram lang siya ng gitara, para siyang naglalagay ng tono sa kanta habang nagha-hum siya. gusto ko sana siya tanungin baka matulungan ko siya kaso baka sungitan lang ako. ang weird pa naman ng babaeng 'to.
napakunot ako ng noo nung sinabayan na niya ng lyrics yung nilalagyan ng tono
ilang araw na kitang hinahanap at wala ka
'sang linggo nang nakalipas di ka pa rin nagpapakita
Pano kung bigla ka na lang iiwas at mawawala
Di 'to matatanggap ng buong buhay ko
tumigil siya at sumandal sa likod ko. "broken hearted siguro yung gumawa nung kantang 'to" sabi niya
"bakit mo naman nasabi?" sabi ko. patuloy lang ako sa paglalaro ng bungahin. medyo naiinis na rin ako.
"kasi ang lungkot ng kanta eh, basahin mo kaya"
"kanino ba yang kanta?"
"ewan ko! nakita ko lang 'to sa kwarto ko dati eh" di na lang ako umimik "hindi kaya sayo 'to?" tapos tumawa siya "kasi nung nakita ko 'to sa ilalim ng kama ko kahahatid ko lang sayo sa coffee shop nun eh"
tinapon ko na kung saan lang yung stick na hawak ko "tama ka broken hearted nga yung gumawa niyan" naramdaman ko na nawala yung bigat ng likod niya sa likod ko.
"pano mo nalaman? eh hindi mo naman binasa"
"napakinggan ko sayo yung umpisa"
BINABASA MO ANG
No Regrets2♥ Your Love
FanfictionBook two of No regrets♥ I am Daniel Padilla, still waiting and will be waiting even if it takes Forever. can he make it or have regrets this time?