Chapter Thirteen ♥ Other Side of her [2]

3.2K 58 13
                                    

Mabait ako :3

 Miii Looooves!

alam ko naman na gustong-gusto niyo na ng Kathniel Scene, pero kasiii gustuhin ko man ilabas na si kath eh hindi pa maayos ang buhay ni Daniel. sana maintindihan niyo yun -__- and I know this story is getting worst and boring  -_-" am I right, Miii Loves? YES OR YES.

 PS: Wag sana kayo maguluhan sa chapter na ito dahil ilang araw ko pinag-isipan ito. Alam ko na maari kayong maguluhan pero maiintindihan niyo rin :)


Kirsten's Pov

"Don't Go please" di ko siya pinansin. Nag-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako ng pinto ng maramdaman ko namay humawak sa braso ko at for the Second time...

"Please, don't..." he's pleading me to stay. For what? magsasabi siya ng problema ba niya sakin? and then what? masasaktan siya sa sasabihin ko? No. ayoko. Ayokong mauulit na naman yung nangyari sa Zambales. masyado na siyang kawawa.

"kailangan ko ng kausap" I sigh, lumingon ako sa kanya at nakita ko na naman yung pares ng mata niya na puno ng lungkot ~ at isama mo na ang pagmamakaawa niya na makinig sa kanya

"okay" kahit ayoko talaga, pero wala na kong magagawa eh nasabi ko na lang bigla.

kinuha ko yung sketch pad, itinapat ko sa mukha ko dahil ayokong makita yung mukha niya. naawa lang ako sa kanya.

"Lee" kinilabutan ako sa tono ng boses niya. nakaka-awang mukha, pati boses nakaka-awa. Hindi pwede! ayoko ng ganito. Ibinaba ko yung sketchpad padabog sa mini table.


at dahil sa nagulat siya sa ginawa ko, mula sa pagkaka-yuko biglang umangat yung ulo niya.

and he's about to cry O.o

nangingilid na yung mga luha sa mga mata niya at anumang oras mag-uunahan na sila sa pagbagsak

gusto kong mag-salita pero hindi ko magawa... parang may nakabara sa lalamunan ko.

nanatili lang kaming naka-tingin sa isa't isa hanggang sa unti-unting pumatak yung mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

ilang minuto ang lumipas bago nabasag ang katahimikang bumabalot sa buong kapaligiran.

bawat salitang sasabihin niya, ramdam ko yung halo-halong emosyong nararamdaman niya. Sakit, hirap at bigat.

Masakit para sa isang taong maiwan o iwanan ng taong pinakamamahal niya. Mahirap tanggapin na may isang bagay talagang darating sa buhay niyo at makakapag-pabago ng lahat. Masakit at Mahirap, kapag nagsama. Mabigat sa pakiradam. Sobrang bigat, dahil hindi mo matanggap na wala na kayo at sa bawat araw na lumilipas lalong nadadagdagan ang sakit at mas lalo kang nahihirapan.

Gusto kong mag-salita pero hindi ko magawa. Dahil ayoko ng madagdagan pa yung sakit, hirap at bigat ng nararamdaman niya. Dahil kahit sabihin ko sa kanya in a nice way yung gusto ko man sabihin, kahit gumamit pa ko ng mga words na hindi masakit sa pandinig. alam ko na masasaktan at masasaktan siya. Masyado ng misirable ang buhay niya.

No Regrets2♥ Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon