Chapter TwentyThree♥ Guardian Angel

3.5K 81 35
                                    

Chapter TwentyThree♥ Guardian Angel





Daniel's Pov






Pag-alis namin sa JustlovedSuperman Flower Shop pabalik na sana ko ng hotel kasama si kath pero sakto'ng nakasalubong namin si Tiff's at Julia at ayun kinuha na nila sakin si Kath. Bumalik ako ng Room 08 kung san nagpa-praktis sila Kirsten para sabihin kay Felix na napuntahan na namin ni kath yung pinapapuntahan niya pero wala si Felix, si kirsten lang ang naabutan ko'ng nagpa-praktis at si Louisa








"uii kath" mahinang tawag ko sa kanya sabay kalabit sa kanya. Busy sila tiffany sa labas ng beach house. inaayos nila yung mga bulaklak, eh kasi eto'ng si kath dito na sa couch nakatulog mula nung natapos kami mag-tanghalian.








"kath" tawag ko ulit sa kanya. pero di niya ko pinapansin. Napa-buntong hininga na lang ako tumingin na lang sa palabas sa tv na pinapanood niya. Hinintay ko pa naman siya magising kahit na pinapapunta ako ni Felix 'don sa Hotel. Nag-sorry naman na ako sa kanya kanina, yung tungkol sa nangyari sa Flower Shop. Kasi dapat sinama ko na lang siya sa loob eh. Kasalanan ko talaga. Oo Daniel kasalanan mo bakit siya umiyak. bakit sumama yung loob niya pero pinagtanggol ko naman siya diba? Kahit di ko ugaling mang-away ng babae pinag-tanggol ko siya. nakapag-sabi ako ng di maganda 'don sa tatlo. kasalanan ko pa rin ba? Nag-Sorry naman na ako eh.









"Daniel kanina pa daw hinihintay ni Pj 'don sa hotel" sigaw ni Tiffany









"Oo na pupunta na" tumingin ulit ako kay kath.








I sigh, "Kath Sorry ulit" pagkasabi ko 'non tumayo na ko. Binagalan ko pa maglakad papapunta sa pinto kahit 'K' lang ang isagot niya okay na saki, kaso wala eh. Galit ba talaga siya dahil sa nangyari kanina?!







***







"ano ba meron mamaya?" tanong ko kay kirsten. katatapos lang niyang mag-praktis kasama ako. Wala kasi si Felix may inaayos. baka daw matulog lang si kirsten kapag walang bantay kaya ako muna ang pinag-bantay. Grabe. Taga-bantay na lang pala ang buhay ko ngayon -.- Taga-bantay sa coffee shop, taga-bantay ni Julia, Louisa at Tiffany. naging Taga-Bantay ni Kath, at taga-bantay naman ni kirsten -.- Pinanganak ba talaga ako para maging Taga-Bantay? Kung ganon, pwede pala ako mabigyan ng award.









'and this award goes to Mr. Daniel Padilla! Ang dakilang taga-bantay!' ~ANG BADDDDUUUY!! napa-iling ako sa naiisip ko. kung anu-ano na naman naiisip mo Daniel.









"nakikinig ka ba?"









"ha?"







"sabi ko kapag friday dito sa resort may tinatawag na Friday Night at kapag Friday Night, lahat ng taga-resort at kahit taga-kabilang resort pupumunta sa event. Madaming ginagawa kapag Friday Night eh, iba-ibang pakulo ng mga resto and bar dito sa resort namin. eh si Mommy nag-utos kay kuya na tutal nandito naman daw kami eh mag-isip kami ng gagawin namin para sa Friday Night just for this day kasi Opening lalo na Start na ng summer"









"saan naman kayo?"









"sa labas ng beach house" nakangiting sagot niya bago kumagat sa sandwich na hawak niya








"station-station kasi, kunwari ito'ng hotel station One. tas ang pakulo ng hotel ay Free Spa and Massage tas sa Bar naman libreng 3 bottle ng kahit ano'ng drinks, depende sa naisip ng store/botique tas sa Beach house yung last station 'don yung party, ayos ba?" di kaya malugi yung ilang bar at resto-bar na naka-tayo dito sa resort nila?








"ahhhh"








"okay ka lang ba talaga? para kasing ang lalim ng iniisip mo, may iniisip ka ba?"








"Pano mo alam? mang-huhula ka na ba ngayon?"








"tungaks! mukha na ba ko si Madam Auring?" sabay irap sakin at tingin ulit "pero meron ba?"









"Wala a" pag-dedeny ko.








"Denial King" manghuhula 'talaga 'tong si kirsten o baka naman totoong malditang-mangkukulam 'to? tsk.









"baka nagkakalimutan tayo, may utang ka sakin" sabi ko sa kanya. nilunok muna niya yung sandwich na nginunguya niya bago siya nag-salita









"utang?" nagtatakang tanong niya "ako may utang sayo?"









"yung utang mo'ng kiss" sabi ko sa kanya









"Ahhh. Sa pagkakaalam ko kasi dose ang utang mo sakin at may utang ako sayong dose, so Quits na tayo. Wala na ko'ng utang, wala ka na ring utang"









"Yoko nga!" nakataas na yung kilay niya sakin at bago pa ko masigawan sasabihin ko na ang deal "dahil dose ang utang mo sakin na kiss, may 12 wishes ako sayo at dahil may utang ka rin sakin na dose, may 12 wishes ka sakin"










"Ano tayo bata? naglolokahan sa wish-wish na yan. Quits na kasi tayo! wala ng utang-utang, wala ring wish-wish"









"Bilis na kasi pumayag ka na!" pangungulit ko sa kanya.









"Ano ba mga wish mo? basta kaya kong ibigay, tutuparin ko pero kung hindi bahala ka sa buhay mo"









"wala pa naman ako'ng i-wi-wish, sinasabi ko lang sayo yung kapalit ng utang mo'ng kiss sakin ay wish na lang, ikaw ba may i-wi-wish ka na?"








"wala pa, yaan mo pag-iisipan ko'ng mabuti at gusto ko yung mahihirapan ka" sabi niya sakin. Sus. kala naman niya mahihirapan ako.








Umalis na rin kami nila Louisa at kirsten sa hotel at pumunta na sa beach house bitbit yung mga gitara. Pag-dating namin 'don naka-ayos na pala yung labas ng Beach house. May mga high tables na naka-kalat sa gilid, may mini-stage at naka-set up na rin yung mga mics at sound system.







Pag-dating ng 8p.m nag-ready na kami sa labas ng beach house, may mga finger foods din na hinanda sila Kirsten na ginawa nila kani-kanina lang, nakalagay na rin yung mga flowers sa high-round table, pati yung mga Garlands daw na isasabit sa mga pupunta dito. dami kaartehan 'no? naka-box na rin sa iba't ibang color yung mga mini-cupcakes na give away daw -.- with matching ribbon pa. May mga free drinks din galing 'don sa bar malapit sa hotel.







Nag-start na rin yung music mga bandang 8:30p.m pero hindi pa rin kumakanta sila Louisa at kirsten, mamaya pa daw sila kakanta kapag bandang 10p.m na daw. mula sa isa, dalawa, tatlong tao na nagpupunta dito sa labas ng beach eh dumami ng dumami hanggang sa napuno na yung labas.






"Hoy Kirsten wag ka na aalis malapit na mag-10" paalala ni Pj sa kapatid niya nung dumaan sa harapan namin papasok ng beach house, nasa veranda kasi kami naka-tayo pinapanood yung mga tao.







"Isasayaw mo ba siya mamaya?" napatingin ako kay kirsten, ano'ng sayaw?







"sino?" maang tanong ko sa kanya







"Wala. Mamaya kasi kapag kumanta na kami yun na yung time na mag-sasayaw yung mga tao"






"ba't may sayaw?" tanong ko sa kanya






"tradisyon kapag Friday Night nga kasi, kulit mo. di ka kasi nakikinig nung kwinekwento ko kanina"






"nakinig ako a"






"Nakinig ka nung inulit ko na sayo pero yung unang-unang kwento ko, ang lalim ng iniisip mo! HMP! diyan ka na nga"






"kita mo 'to di pa nga tayo tapos mag-usap umaalis ka na, di pa nga kita iniinis naiinis ka na!" pero di niya ko pinansin pumunta na siya 'don sa mini-stage at inayos yung gitara niya






"Hoy Lampa!" tutal naiinis naman na siya, lulubus-lubusin ko na. tinapunan niya lang ako ng isang masamang tingin at tinaasan ng kilay sabay irap. Pumunta na rin ako sa baba at tumabi kila Julia, maya maya nag-start ng mag-strum ng gitara sa kirsten. Nakita ko ng nasa gitna na si Felix kasama si Tiffany, sumunod din si Diego at Julia... Kahit hindi pa siya kumakanta alam ko na yung kanta.






yung kanta na kinanta ko 'nung debut ni Julia na....





yung araw na bumalik na si kath 'non....






Two is better One







"kath galit ka ba?" tanong ko habang nakatingin lang sa mga sumasayaw sa gitna. duma-dami na rin sila...






"uiii kath..." alam ko naman maririnig niya ko, di naman ako ganon' kalayo sa kanya at di naman ako ganon' kalapit.







"Hindi ako galit, masama lang paki-ramdam ko kanina" naka-hinga ako ng maluwag ng sinabi niyang di siya galit pero kahit na, sumama yung pakiramdam niya dahil 'don sa tatlong babae








"Sorry kath" sabi ko.








"Wala 'yon 'no" sabi niya. hindi na kami ulit nag-usap. tanging yung boses na lang ni Louisa at kirsten ang naririnig naming dalawa.






"Kath gusto mo ba'ng sumayaw?" ayaw ko sa kanya pero hindi ako naka-tingin sa kanya -.-






"Hindi naman pwede" may lungkot sa boses niya.






"Pwede naman eh" sabi ko.






"Pano naman? Wag na. ayoko rin"





"Eh kung gamitin ko yung wish ko?" well... sana pumayag ka na..






"baka nakakalimutan mo'ng may wish rin ako" Aba! Oo nga pala, kapag winish ko na pumayag siya sa gusto ko, i-wiwish niya na wag na lang. kaninong wish matutupad? Ang gulo. Patapos na rin yung kanta, buti na lang medyo malapit kami sa mga nag-sasayaw at sa mini stage.






"Kath ilagay mo yung dalawang paa mo sa paa ko, I mean ipatong mo" sabi ko sa kanya. naka-tayo ako ngayon sa harapan niya






"ha?" nagtatakang tanong niya pero ginawa rin naman niya







"Hold my hand" inalok ko sa kanya yung kanang kamay ko. nakatingin lang siya sa kamay ko parang nag-aalangan "Trust me" sabi ko sa kanya. Pagka-hawak niya dahan-dahan ko siyang hinila patayo at agad ko'ng niyakap siya sa bewang para masuportahan siya baka kasi matumba kami pareho. Hindi ko na alam pano kami nakalapit konti sa gilid ng mga nag-sasayaw. Hindi na din siya nag-sasalita maski na rin ako hanggang sa matapos yung kanta kanina at sa mag-palit na. Nakayakap yung isang kamay ko sa bewang niya at yung isa naman sa hinahaplos yung likuran ng ulo niya







"Namiss kita kath" mahinang sabi ko sa kanya... Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya. Alam ko naman na kahit maingay dahil sa kanta, maririnig pa rin niya.



[please play and listen to video on the right side]

No Regrets2♥ Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon