Kampante ang buong batch namin dahil inanunsiyo na sa amin na lahat kami ay gragraduate. Excited narin ang lahat dahil sa grad ball bukas ng gabi. Puro usapan nga tungkol sa gowns at dates ang naririnig ko sa mga kaklase ko. Bakit ba ganito ako? Gusto ko namang kausapin ang mga kaklase ko pero nauunahan ako parati ng hiya.
I'm always self conscious. What if they end up hating me? Paano kung bad breathe na pala ako dahil halos nakatikom lagi ang bibig ko? WHAT IF...
"Rachel! Anong style ng gown ang gagamitin mo?" tanong ni Lexie nang malapitan niya ako. Siya ang seatmate ni Sean at ayon sa mga naririnig ko, magkababata raw sila kaya't sobrang close nila.
Kasunod ni Lexie si Sean. Pareho nilang inilapag ang dalawang box sa tabi ko. Kami kasi ang grupo na naka-assign sa ilang mga stage decorations.
"Naks, gown!" mapang-asar na sabi ni Sean. Sinuntok siya bigla ni Lexie sa braso kaya napa-urong si Sean.
"Girl talk ito, mag-ayos ka nalang ng mga decorations!" sunggab ni Lexie. Natawa ako kaunti.
"May gown ka na ba? Ako kasi wala pa e, samahan mo naman ako mamaya. Tsaka sabay narin tayo magpa-make up!" sunod-sunod na sabi ni Lexie. Nagtaka ako agad. Bakit biglang parang sobrang close na kami? Kulang nalang ay literal kong kumpirmahin na ako talaga ang kinakausap niya!
This is so unusual.
"H-hindi ako magpapa-make up," alanganing sagot ko. Mamaya pa din ako dadaan sa shop ng kakilala ni Mama para sa gown ko. Kung puwede nga lang na kahit dress lang ang isuot e. Required pa kasi ang attendance sa ball kaya no choice din ako.
"Sige na Rache, samahan mo na 'tong si Lexie. Puro lalaki kasi nakapaligid diyan. Baka tuxedo ang piliin niya," natatawang singit nanaman ni Sean. Pinanood ko sila habang nagsasagutan at talaga namang nakakatuwa sila. Nakaka-inggit silang dalawa. Wala kasi akong maituturing na talagang close friend dito sa school.
Sa huli ay ako na mismo ang nag-aya kay Lexie para sumama sa shop na pupuntahan ko. Nakapagtataka lang talaga kung bakit ako pa ang tinawag niya imbes na ang mga kasa-kasama niyang mga classmates namin.
Umalis si Sean nang tawagin siya ng ibang boys para magbuhat ng iba pang boxes kaya kami nalang ang naiwan ni Lexie na nag-uusap. Hindi ko rin namalayan na panay ako sa pakikisabay sa mga biruhan nila.
"Rachel, may boyfriend ka na?" pasimpleng tanong ni Lexie bigla.
"Wala pa?" napakunot ang noo ko. Ngumisi naman siya.
"Good. Good." Tumango siya nang tumango at sa itsura niya, parang may evil siyang iniisip! Anong nangyayari dito?!
***
It turns out, ang jolly at ang sayang kausap ni Lexie. Hindi ko inakala na mahilig din siya sa mga Sci-Fi at Mystery novels. Pareho din kami ng music preferences.
BINABASA MO ANG
IMPONDERABLE
Teen FictionRachel Mallarde started dating her crush just when they were about to graduate high school. Ngunit dahil magkaiba sila ng papasukang kolehiyo, they had to have a long distance relationship. They tried to make it work pero sa huli ay marami pa ring n...