CHAPTER 13

2.4K 82 41
                                    

After several comedy skits, band performances and speeches, my eyes started to feel heavy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After several comedy skits, band performances and speeches, my eyes started to feel heavy. Nakakahiya dahil hikab na ako ng hikab kaya't lumabas muna ako't tumungo sa veranda.

"Are you okay? Namumula ang mga mata mo. Umiiyak o inaantok?"

Sumandal si Dean sa railings, hindi kalayuan sa akin. He's wearing a white shirt, suspenders and navy pants. Hawak-hawak naman niya ang kanyang blazer jacket.

"Inaantok pero naiiyak din at the same time. May mga plates pa akong dapat tapusin," natatawang sagot ko.

"That's Arki life for you. Hindi ka ba giniginaw?" aniya sabay alok sa hawak na jacket.

"Maginaw pero okay na rin para magising ako."

"Suit yourself. By the way, ninja girl. Hindi pa ako nakapag-sorry sa ginawa ko last time. You never brought it up and we talked at class casually but I just want to formally apologize."

"That time na bumabagyo?"

"Yeah. Ang totoo niyan, gusto ko talaga si Lexie. At the same time, I want to be friends with you. Hindi ko nga lang inasahan na pinsan pala ni Lexie si JD at kaibigan mo naman siya." Napa-iling siya.

"What's your issue with JD?" I asked but I already have an idea.

"Isa ang Ate ko sa mga naging girlfriend ni JD. They lasted for just around a month though. My sister was devastated. I can't blame her. She crazy about that guy. That JD is seriously a player and he should just die alone. Plinano kong gamitin si Lexie laban kay JD. Kaso lang, I like Lexie. That complicated it. You were my plan B—"

"Wait, slow down. You planned on using us to avenge your sister? Hindi ba unfair 'yun? Na gagamitin mo ang ibang taong wala namang kinalaman sa mga kalokohan ni JD?"

"I realized that, too. It was childish of me to think about that revenge plot in the first place. So yeah, I'm sorry." Natawa siya.

"Nasabi mo na ba kay Lexie?"

"I don't plan on telling her. Maybe I'll just stop liking her?"

Lumapit ako para batukan siya. Nakakafrustrate kasi siya e!

"Look, kung gusto mo talaga si Lexie, be honest to her. Man the hell up. Hindi naman si JD ang liligawan mo e. Ano rin naman ang paki-alam ni JD kung magustuhan ka rin ni Lexie? Ano ang alam niya sa—" Napahinto ako nang makita kong palapit si JD sa amin.

Walang sabi-sabi ay pinaghahatak niya ako palayo. Pumasok at ikinandado niya ang C.R. na pinasukan namin.

"Alam mo ba ang pagkakaiba ng S at D?" pagalit na sabi niya.

"Ano?"

"Si Sean ang boyfriend mo, hindi si Dean. Fix yourself!"

"You sound like you're jealous of Dean just now!" I blurted without thinking. Tinalikuran niya ako.

"Tama ka, Rache. Hindi ko 'to kayang gawin. But just for the last time, makisama ka at sumabay sa akin pauwi," sabi niya bago binuksan ang pinto. Lumabas ako pero nanatili lang sa gilid para hintayin siya.

"JD..." I called out.

"This can't happen, kiddo." Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. We've finally both acknowledged that there's something to us more than friendship and Sean.

Tumango ako. "Alam ko ang pagkakaiba ng S at D."

"You should. Enjoy the rest of the night. I-text mo nalang ako kapag gusto mo nang umuwi." Pilit ang mga ngiti niya, ganoon din ako.

"Yup." Naghiwalay kaming dalawa. At least now, there's a clear boundary that we both should not cross.

I clutched my chest and tried my best not to cry.

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon