CHAPTER 3

4.4K 117 8
                                    

Mabilis na dumaan ang araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis na dumaan ang araw. Ganoon nga yata kapag sobrang masaya ka. After two days ay bibiyahe na si Sean pa-Maynila. Parang kailan lang noong graduation at ipinakilala pa niya ako sa mga magulang niya. Ipinakilala ko rin siya kay Mama at Ate Ria.

Nanlulumo akong naglakad papunta sa waiting shed. Pupunta kasi muna ako sa university para mag-enroll bago ko sasalubungin si Sean.

"Hmm, ang aga-aga ay nakasimangot ang pumpkin ko," sabi ng tumabi sa akin. Nagulat ako nang makita ko si Sean.

"Bakit ka nandito? Mamaya pa tayo dapat magkita, 'di ba?" tanong ko agad. Pinara niya ang taxi na dumaan.

"I might not get the chance to do this a lot so..." He trailed off. I pressed my lips together. Ayaw ko ring sabihin out loud na aalis siya. If I do, then maybe I'll breakdown. That it's finally here... It's too soon... Siguro ay maraming magbabago kapag ako ang umamin kay Sean noon.

Sumakay kami sa taxi at umakto na parang walang aalis sa makalawa.

"Ako na ang papasok mag-isa. Baka mainip ka," pigil ko kay Sean nang nasa gate na kami ng university. Sa tingin ko kasi ay maiiyak na rin ako. I'm feeling a lot of things and it's all new to me.

"Sure ka?"

"Oo. I-text nalang kita kapag tapos na ako," sagot ko agad.

"Sige, doon nalang muna ako sa cafe nina Kuya JK. Puntahan mo nalang ako doon," sagot niya. Tumango ako at kumaway. Nang talikuran niya ako para maglakad palayo ay may konting kirot akong naramdaman sa may dibdib ko. Huminga ako nang malalim. Masyado na yata akong nag-ooveranalyze.

Tinahak ko ang daan papunta sa admin building para makapag-enroll na. Dire-diretso kong inasikaso ang lahat ng requirements hanggang sa ang natira nalang ay ang pagbabayad sa cashier at pagpapavalidate ng class schedule ko.

"Oy, pasingit nga," naranig kong sabi ng isang lalaking malapit sa akin. Makikisingit na nga, iaanunsiyo pa niya sa lahat? Ayos din 'yan ah. Umabante ako nang gumalaw ang pila sa cashier. Maya-maya ay may kumalabit sa akin.

"Ikaw ang kinakausap ko. Pasingit nga?" sabi nito nang tumabi siya sa akin. Ah! Siya iyong pinsan ni Lexie, si John Dalton/JD!

"Baka magalit ang ibang nakapila, Kuya," mahinang sagot ko. Napalingon ako at nakita kong tinitingnan nila ang katabi ko. Ewan ko kung dahil sa nakikisingit siya o 'di kaya ay dahil stand out si JD. Matangkad kasi siya at guwapo. Amoy yosi nga lang.

"Ano? Hindi kita narinig?" malakas na sagot niya.

"Ang sabi ko po, baka magalit ang ibang nakapila," ulit ko. Sumabay siya sa hakbang ko nang umabante ako.

"Hindi 'yan. Magalang naman ang noobs sa higher years e. Hindi ba?" tugon niya sabay tingin sa mga nasa likuran ko. Wow! Gusto kong tampalin ang noo ko. Wala na akong nagawa nang sumingit siya sa may likuran ko. Buti nalang at wala akong narinig na umangal. This person is rude.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon