CHAPTER 8

2.7K 104 27
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulan sa bintana ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulan sa bintana ko. Alas sinko na rin ng umaga kaya't kailangan ko nang mag-ayos. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Mama na nakikinig ng radyo sa may kusina.

"Wala raw pasok ang lahat ng levels hanggang college. Matulog ka nalang ulit at kawawang-kawawa na ang mga mata mo," sabi niya agad.

"Nabanggit na po ba ang university namin? Autonomous ho kasi kami kaya kailangang galing mismo sakanila ang anunsiyo," sagot ko. Umiling si Mama.

"Naku, oo nga pala. Ikompirma mo nalang sa mga kaklase mo. Nakapagluto na ako ng breakfast. Alas syete ang duty ko at halos kakauwi lang ng Ate mo."

"Sige ho." Umakyat ako para kunin ang phone ko. Itinext ko si Lexie at ang ilan sa mga naka-grupo ko sa mga projects pero pare-pareho ang sinabi nila—wala pang announcement. Patay. Walking rain coat nanaman kami nito.

Nag-ayos nalang ako para sigurado. Nang wala pang announcment ng alas syete ay lumabas na ako ng bahay. Pagkarating ko tuloy sa school ay basang-basa ako. Wala pa sa kalahati ng klase ang nandito.

"Guys, wala pang announcment. Paki-text naman 'yung iba. Baka may pasok talaga," dismayadong anunsiyo ng classmate namin. May lima akong messages nang ilabas ko ang phone ko.

From Sean (1): Good morning, pumpkin! Malakas daw ang ulan diyan. Stay safe and warm. Love you!

From Lexie (1): May pasok talaga? 10AM pa first subject ko.

From JD (3): Huwag ka nang pumasok.

Una kong nireplyan si JD dahil minsan, may advantage talaga ang mga higher years. Close kasi sila sa mga instructors at ibang school admins ayon sa mga naririnig at nakikita ko.

To JD: Nandito na ako sa school. Wala bang pasok dapat?

He replied immediately.

From JD: Haha! Pauuwiin din kayo ng 8!

Seryoso ba siya? Mamaya, nantritrip lang pala! Sina Lexie at Sean nalang ang nireplyan kong sunod. Pagpatak ng 7:30 ay nadagdagan kami ng lima pa. Dumating at pumasok ang instructor namin pero imbes na mag-lesson ay pinareview niya sa amin ang last chapter ng lesson namin. Hindi rin siya nag-check ng attendance at pagdatingnga ng alas otso, dumating ang anunsiyo na cancelled ang lahat ng klase.

So, tama nga si JD. Magsasaya sana ang lahat kaso lang ay mukhang walang makaka-alis sa ngayon dahil sa lakas ng ulan at hangin.

To Lexie: Cancelled ang class whole day pero stuck at school. Lakas ng ulan!

To Sean: Classes canclled pero trapped sa school. Huhu!

Pagkatapos ng halos isang oras, iilan palang ang naka-alis, iyong may mga sundo o walking distance lang ang bahay. Inilabas ng isang classmate namin ang laptop at speaker niya kaya nanood nalang muna kaming mga naiwan.

Tumabi sa akin si Dean nang matapos ang movie. "Dapat kasi before class bago inaanunsiyo, 'di ba, ninja girl?" aniya.

"Kaya nga e," sang-ayon ko. Kasalukuyang naghahanap ang ibang classmates namin ng susunod na panonoorin. Malakas parin talaga kasi ang ulan.

"Wala ka ba talagang ibang kaibigan bukod kay Lexie at sa isang higher year ninyo?" tanong niya naman ngayon.

"Ah, nagreresearch ka? Sorry pero kung gusto mo si Lexie, siya ang lapitan mo," diretso ko. Dahil sa sunod-sunod na stress, tingin ko ay nagiging iritable na ako. At ang totoo niyan, nakakairita na rin siya.

Personally, I think having friends during college isn't that big of a deal. Hindi kagaya noong high school na gusto mo, may peer ka rin. As for now, I just want to concentrate on my studies as it's already hard as it is.

"Oy, second year ako kaya dapat may po." Kumindat pa siya. Tsk! Hindi ko siya sinagot. Lumabas ako ng room at tumungo sa locker ko. Iyon nga lang ay sumunod parin siya.

"Ganito kasi 'yan. Nililigawan ko din ang kaibigan ng babaeng gusto ko," diretsong sabi niya.

"Alam po ba ni Lexie na nililigawan mo siya?" naiiritang sabi ko.

"Tss. How about this? Tutulungan kita para magkaroon ka ng kaibigan. Makeover even. Pustahan tayom magbabagko ka, like someone I know..." He trailed off. I stared at him blankly. Anong pinagsasabi nito? Naglakad ako hanggang sa entrance ng building para silipin kung malakas pa rin ang hangit at ulan.

"Humina na konti. Tara, magkape muna tayo at magkuwentuhan?" tanong ni Dean na sumunod pala ulit sa akin. Inakbayan niya ako at agad naman akong lumayo sakanya.

"Relax, sige, dito na tayo mag-usap. What was I saying earlier? AH! It's what every girl wants. Ugly duckling to swan, geek to sheek," seryosong sabi niya. He's starting to scare me now.

"Stop it," sabi ko sakanya.

"Yeah, stop it. Sinong nagsabing ugly duckling si Rachel?" Boses iyon ni JD! Lumingon ako at nakita ko siyang paakyat hanggang sa kinaroroonan namin ni Dean. Halatang basa ang buhok at damit niya.

"Ang lakas naman ng loob mo, Dean," matigas na sabi ni JD.

"Ha! Nice timing. Siya talaga ang isusunod mo?" pabalang na sumbat ni Dean. Something tells me that they know each other because of a girl.

Is it the girl that JD is dating now? Shit, I've got to stop this.

"Huwag mong idadamay si Lexie or Rachel dito. Idiretso mo nalang sa akin ang lahat ng parusang sa tingin mo'y tama. Don't be a f*cking coward." Nilapitan ni JD nang husto si Dean. Nagtitigan sila, like a face off.

"Hindi kagaya mo, seryoso ako sa mga babaeng nilalapitan ko. Ninja girl, sa susunod nalang tayo magkape. Fair warning, are you sure you want to be friends with someone like him?" baling ni Dean sa akin.

Umalis si Dean at bumalik sa classroom.

"How naive are you?" harap agad ni JD sa akin.

"Ha? Ano naman ang kasalanan ko dito?"

"Sa tingin mo ba ay nakikipagkaibigan sa'yo si Dean dahil gusto niya?" Tumaas kaunti ang tono niya.

"Anong gusto mong palabasin? Na lahat ng lalapit sa akin ay may hidden agenda? Wow, thank you po," sarcastic na sabi ko.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Tsk, nevermind. Dala ko ang sasakyan ko, tara na," tawag niya sa akin saka nagsimula nang bumaba ng hagdanan.

"Ha?" bumaba ako ng ilang baitang.

"Gusto mo bang mabulok diyan? Bahala ka," naiinis na sagot niya saka nagpatuloy lang sa paglalakad. Sakto namang nag-vibrate ang phone ko. Si Lexie ang nagtext.

From Lexie: Rache? Nandiyan na ba si JD sa school? Nag-aalala kasi ako kaya humingi ako ng favor sakanya na sunduhin at ihatid ka total malapit lang naman sa univ ang apartment niya. Ang sabi sa radyo e may landslide sa road papunta sa inyo kaya baka trafik o walang masakyan. Pupuntahan kita if I can.

Ah, that explains the 'knight in shining armor' appearance. Ibinulsa ko ang phone ko at sumunod na kay JD. Should I be happy that he came?

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon