It's been months since college started. Sobrang na-overwhelm ako sa stress. Halos araw-araw akong puyat at nakukulangan ako ng oras sa pagrereview kaya naman dumarami ang mababang scores ko. Mabuti nalang at halos nakakausap ko si Sean araw-araw, kahit na twenty minutes lang, more or less. Kagaya ngayon, nag-uusap kami saglit habang nasa break ako sa paggawa ng report sa Theories. Pasado alas dyes na pala ng gabi.
"Inaantok ka na? Hold tight, pumkin," sabi ni Sean. I yawned.
"I'm awake," agad na sabi ko sabay ayos ng upo.
"Hey, just finish up your report para makatulog ka agad. Tatawagan nalang kita bukas. I miss you, Rache," malambing na sabi niya. Nag-flying kiss pa siya sa video. It felt awkward but I did the same.
"Good night, Sean. Oo nga pala, nabanggit ko na ikakasal si Ate this sem break 'di ba? Wala pang date pero abay daw tayong dalawa for sure," habol ko.
"Ah oo. I'll be there if and only if ikaw ang partner ko. Hay, gusto ko nang umuwi. And you know, Rache, there's—"
Ha? Bigla nalang nag-blue ang screen ng laptop ko. Anong nangyari? Sinubukan kong i-on and off ito ng ilang beses pero wala paring nagbago. May error message din na lumalabas na hindi ko maintindihan. Oh my God, 'yung report ko!
Hinanap ko agad ang number ni Sean para sabihin ang nangyari. Nagbigay siya ng possible solutions pero ni isa ay hindi gumana. Sinabi ko nalang na uulitin ko ang report at na hihiramin ko nalang ang kay Mama pagkauwi niya. Mukhang hindi talaga ako makakatulog ngayong araw.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapanic nang narinig kong bumukas ang gate. Bumaba ako agad para tingnan kung sino ang dumating. Nakita ko si Mama sa bungad ng pinto.
"Ma! Pahira ng laptop—JD?!" Natigilan ako dahil kasunod ni Mama na pumasok si JD.
"Naabutan ko siyang naghihintay sa labas," sabi ni Mama. Ah, oo nga pala, nakita na ni Mama si JD nang ihatid nila ako ni Lexie dito last grad ball. Alanganing ngumiti si JD sabay kamot sa batok niya.
"Pasok ka, iho," tawag ni Mama kay JD nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Higher year ko ho siya sa university. Architecture din," sabi ko nang dumaan si Mama. Tumango at ngumiti siya saka dumiretso sa kusina.
"Anong klaseng pakilala 'yun? Wala man lang banggit ng pangalan?" bulong ni JD sa akin. Nanlaki agad ang butas ng ilong ko. Iyon pa talaga ang unang sasabihin niya sa akin?!
"Ano pong ginagawa mo dito sa ganitong oras ng gabi?" mahina pero madiin na sabi ko sakanya. Kadalasan ay nakakasalubong ko siya si JD sa hallway o 'di kaya ay nakikita ko sa cafe ng kapatid niya sa tuwing nakatambay ako doon or kapag kasama ko si Lexie pero hindi naman kami umaabot sa point na nagkukuwentuhan tungkol sa mga personal naming buhay, lalo na itong pupunta sa bahay ng isa't-isa!
BINABASA MO ANG
IMPONDERABLE
Teen FictionRachel Mallarde started dating her crush just when they were about to graduate high school. Ngunit dahil magkaiba sila ng papasukang kolehiyo, they had to have a long distance relationship. They tried to make it work pero sa huli ay marami pa ring n...