CHAPTER 30

2.4K 75 16
                                    

Napangisi ako habang binabasa ang sunod-sunod na text ni JD

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangisi ako habang binabasa ang sunod-sunod na text ni JD. Siniko ako ni Lexie, na nakikibasa rin pala.

"I miss you daw. Can't wait to see you pa! Cheesy ninyo!" pahayag ni Lexie.

"Shh!" suway ko sa kanya.Nagtawanan lang ang iba.

Bisperas ng Pasok ngayon at nandito kami sa ospital. Dean and Charlene came too. Napagkasunduhan kasi naming lahat na surpresahin si Sean. He's been doing fine and according to his parents, there's a huge chance for him to recover fully.

Si JD nalang ang wala pa.

"Nasaan na ba siya?" tanong ni Dean sa akin habang nagtitext ako. Lunch kasi ang usapan namin pero male-late si JD dahil may inaasikaso pa siya para sa thesis niya.

"Miss mo na si JD?" mapang-asar na sabi ko.

"Hell no! But all is good, right?" tugon niya.

"Oo naman, bakit?" Napakunot ang noo ko.

"Ewan ko ba diyan. Kanina pa hindi mapakali," singit ni Lexie.

"Kinakabahan kasi ako na ewan. Baka natatae lang ako?" ani Dean. Hinampas ko tuloy siya. Natawa nalang ang iba.

"Darating din 'yon, dude. Kain na tayo?" sabi rin ni Sean.

"Kaya nga. If I know, he's just busy planning a surprise for his girl. Birthday mo na bukas e!" Charlene commented.

"Oo na, sige. Kumain na nga tayo!" saway ko sa kanilang lahat.

Nagsalo-salo kaming lahat at panay sa kuwentuhan. Or more like pinag-aasar nila ako dahil ginayuma ko raw si JD. Napapansin ko rin na panay ang solo conversation nina Charlene at Sean. She made Sean smile a lot.

Nang magkataong busy sila sa panonood ay inilabas ko ulit ang phone ko.

To JD: Uwi na, baby :) Nasaan ka na?

From JD: On the way, just stopping somewhere. Love you :)

Dumaan ang dalawang oras at hindi na ulit nagtext si JD. Gusto pa namin siyang hintayin pero kailangan na naming umuwi. Sean needs to rest, too. Itinext ko na lang si JD na sa bahay nalang siya dumiretso mamaya. Ibibigay ko rin sana ang regalo ko sa kanya e.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan nang makauwi na ako. Bigla ko rin kasing naalala ang sinabi ni Dean sa ospital kanina. Hindi ko maiwasang kabahan at mag-alala. JD always kept me updated. Not that I asked him but he almost always message me. To say random stuff most of the time though.

I kept on dialing his number but he won't answer.

Okay, masyado lang yata akong napaparanoid. Nagiging clingy na rin ata ako. Baka nagmamaneho siya ngayon kaya't di makareply. I settled for that.

Tinulungan kong magluto si Ate. Dumating rin si Kuya Dendi and as usual, may dala nanaman siyang doughnuts, bukod sa mga regalo. 7PM pa matatapos ang duty ni Mama kaya't kami na ang naghanda sa lahat. We're going to Skype with Dad later too.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon