Kinabukasan ay bumalik ako sa shop para isukat ang gown ko. Pagkalabas ko ng fitting room ay nakita ko si JD. Suot na niya ang kanyang suit. Though parang bitin ang pants niya. Malayo naman kasing mas matangkad siya kay Sean.
Mukhang nasabihan na nga siya ni Sean na siya ang proxy sa kasal. Nabanggit narin kaya ni Sean sakanya na wala na kami?
"Tumutulo na yata ang laway mo, miss," tawag pansin niya sakin. Doon ko lang narealize na inaaral ko ang bawat anggulo ng mukha niya.
"As if." Umirap ako. Nagulat ako nang lapitan at akbayan niya ako.
"Say cheese!" aniya sabay angat ng hawak na phone.
"Sabi na e, tumutulo ang laway mo," natatawang sabi niya sabay ipinakita ang kakakuhang litrato. Inabot niya sa akin ang phone. "Magpapalit lang ako. Hintayin mo ako sa labas. Mag-uusap tayo ng husto. I won't run away this time," dagdag niya.
"Okay." Ngumiti ako. Tumungo ako sa waiting area. Na-tempt ako na buksan ang phone ni JD. Iyon nga lang ay may password. For fun, I tried entering his laptop password. It didn't work. Sa pangalawang attempt, inilagay ko ang first name ko—Rachel.
Nanlaki ang mga mata ko nang mag-unlock ang screen. Nasa Gallery parin ito at mas nagulat ako nang makita ko ang ilan sa mga litrato ko pa na mukahng puro stolen shots! Chineck ko ang mga dates. He's been taking my picture since the first week of college?! 'Yung pinaka-una kasing litrato ay nakuhanan sa hallway ng school—nakaupo ako sa isang sulok at nagbabasa.
Ah, maybe he sent them to Sean. But if not?
Buti nalang at hindi niya ako naabutan na nangangalkal sa phone niya.
"Saan tayo mag-uusap?" tanong ko agad nang makalabas siya.
"Somewhere private," aniya.
"Bago ako sumama sa'yo, gusto ko munang malaman kung sino ang kasama mo kahapon sa mall."
He grinned.
"No one important."
"Really? Kung magpa-impress ka nga sa kanya e. May flowers ka pang ibinigay sa kanya?"
Aba, parang ang saya niya habang pinapanood akong nanggagalaiti ngayon sa inis. I wanted to reserve the question for later but I am really curious!
Gumiya siya sa exit, I followed.
"Yeah, it was a date. But a meaningless one," seryosong sabi niya habang naglalakad kami papunta sa parking area.
I'm sure JD has a lot of ex-girlfriends. Then it hit me. Maybe JD's reluctant about me because I'm not pretty enough. I'm boring and an introvert compared to these really stylish and outgoing girls.
I am doubting myself again. I just can't help it.
"Ah."
"Let's go." Pinagbuksan niya ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
IMPONDERABLE
Teen FictionRachel Mallarde started dating her crush just when they were about to graduate high school. Ngunit dahil magkaiba sila ng papasukang kolehiyo, they had to have a long distance relationship. They tried to make it work pero sa huli ay marami pa ring n...