CHAPTER 25

1.9K 68 7
                                    

Mabilis na dumaan ang araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis na dumaan ang araw. Before I knew it, nakabalik na si Papa sa Dubai at pasukan na ulit. Kami nalang ni Mama ang nakatira sa bahay at nakakapanibago 'yun.

Bago rin umalis si Papa ay ilang beses na dumaan si JD sa bahay para sa brunch or dinner. I can tell that my family likes JD. Sometimes I feel a little guilty. Parang hindi kaso nag-effort masyado noong kami pa ni Sean. Didn't I though?

Kung bibigyan ako ng pagkakataon para balikan ang lahat, sa tingin ko'y wala akong babaguhin. I'm just too in love with JD right now.

Kaunti lang ang klase ni JD ngayong sem. Karamihan rin sa oras niya ay mapupunta sa kanyang thesis. Full load naman ako at Sunday lang ang natatanging break ko. I wouldn't call it a break though. Paniguradong gagamitin ko ang lahat ng free time ko para sa requirements. Na-stress na nga agad ako nang makita ko ang syllabus namin.

Mabuti nalang at parehong ala-una ang kasi namin ni JD tuwing MWF. Makakapagsabay kami tuwing lunch breaks.

"Saan ang klase mo?" tanong ko kay JD habang naglalakad kami sa hallway. Ihahatid daw kasi niya ako sa classroom ko.

"Pareho tayo," sagot niya.

"Ha? Huwag mong sabihing balak mo na maki-sit in? Pumasok ka nalang kaya!" Hinampas ko ang braso niya.

"We have the same class." Inilabas at ipinakita niya sa akin ang class schedule niya.

"Hindi ko pa kasi nakukuha ang Philo. Surprise, classmate!" pahayag niya.

Ok na sana, kaso medyo na-intimidate ako. Masyado kasing matalino ang isang ito.

"I'm everywhere, don't you dare run away," natatawang sabi niya bago naunang pumasok sa classroom.

Lagi kong kasama si JD at unti-unti ay kasama na siya sa lahat ng plano at pangarap ko. Paano na 'yan? Baka makalimutan kong huminga kapag wala na si JD.

Sa bandang likuran kami naupo. Napansin ko agad ang pagtitig at lingon ng mga babaeng classmates namin kay JD.

"Huwag ka nang nakatitig," pasimpleng bulong ko kay JD. Paano ba naman kasi ay sa akin lang talaga siya nakatingin!

"Why?"

"Don't mind them. But get used to it. I'm just too handsome to ignore."

"Psh." He's right, though. Pero ang saya ng feeling na ipinapakita niya sa lahat na girlfriend niya ako. Na ako lang ang titingnan niya. It was reassuring.

"What's up, classmates?" ngising-ngisi si Dean nang madaanan niya kami ni JD. Umupo siya sa harapan naming dalawa.

"What the heck," yamot ni JD. Natawa tuloy ako. Kung puwede lang na classmate din namin si Lexie e!

***

Ilang linggo ang lumipas at talagang tuloy-tuloy ang puyat ko. Parang hindi na nauubos ang requirements at take home plates namin. Dumadagdag pa ang mga minor subjects na nagbibigay ng complicated projects at homework.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon