CHAPTER 22

2.1K 77 19
                                    

Nangangalay ang katawan ko nang makarating na kami sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nangangalay ang katawan ko nang makarating na kami sa bahay. Sinisipon pa ako kaya naman balot na balot ang katawan ko ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pangangalkal sa pasalubong ni Papa sa akin nang tumawag si JD.

"Nakauwi na kayo?" sabi niya nang sagutin ko ang tawag.

"Yup," tipid na sagot ko.

"Naka-park ako malapit sa inyo. Makalabas ka ba ngayon?"

"Susubukan ko."

Bumaba ako at naabutan ko ang mga magulang ko kasama sina Ate Ria at Kuya Dendi na nagkukuwentuhan habang nagkakape.

"Hindi ka makatulog? Uminom ka muna ng gamot para hindi lumalala 'yang sipon mo," sabi agad ni Ate nang makita niya ako.

"Magpapaload lang ako sa store. Iinom ako ng gamot pagbalik ko," paalam ko sakanila. Isinuot ko ang hood ko tsaka lumabas na. Hindi nga ko nga lang makita ang kotse ni JD kaya kinailangan ko pa siyang i-text.

To JD: Saan kita pupuntahan?

"Right here. From now on, ako na ang lalapit sa'yo. Just stay put and let me cross the distance," sabi ni JD na biglang lumitaw at tumabi sa akin.

"Lasing ka ba?" nagtatakang sabi ko, though hindi naman siya amoy alak. Hindi ko na rin itinago na naiinis ako sa ginawa niya sa hotel.

"Sa sasakyan na tayo mag-usap. Malapit lang naman. Come on." Nauna siyang naglakad at tahimik akong sumunod. Inalala ko rin kasi na paano kung may biglang makakita sa amin mula sa bahay.

Magkahalong amoy ng air freshener at yosi ang sasakyan niya. Agad kong napansin ang toll gate tickets sa dashboard niya.

"Nagmaneho ka mula rito hanggang sa Manila?" tanong ko nang makasakay siya.

"Yeah."

"But you don't like driving that far." Nangibabaw ang pag-aalala ko kaysa sa pagpapaliwanag sa ginawa niya noong makita ko si Sean.

"I told you before, kung para sa'yo rin lang, gagawin ko. Alam ko na binibigyan kita ng rason para pagdudahan ako pero gusto ko na maniwala ka sa akin. Gagawin ko ang lahat, no matter what the consequence is, para lang hindi ka masaktan." Inabot at pinisil niya ang kamay ko. Agad ko nga lang itong binawi at kita sa mukha niya nasaktan siya sa ginawa ko.

"Kasama na ba diyan ang hindi pagpapaliwanag sa kung bakit bigla kang nagpakita sa hotel ng walang pasabi? Pati na ang pagpupumilit mo na magpaalam ako ng husto kay Sean? Bakit? Para patunayan na wala na akong nararamdaman sa kanya?"

"Yeah and maybe it's selfish and it drives me crazy. I care about Sean too. Gusto ko lang ng clean slate. I want you to let Sean go because you already have me. I want Sean to let you go dahil ako na ang papalit sakanya. I may not be as good as him but for you, I'll risk everything. Wala na akong paki-alam sa iisipin ng iba. Mahal na mahal talaga kita, Rache, please let me stay by your side."

Isinandal niya ang kanyang ulo sa headrest at hindi ako tiningnan. Parang kinakabahan siya sa isasagot ko.

"Hindi naman kita itinataboy," hinila ko ang kamay niya para mapaharap siya sa akin. "Tama ka. Siguro kailangan ko ng matinong closure mula kay Sean and thankfully, I have it now. I've only met you for months but you've done a lot for me. I'm happy that you're crazy about me, that you cling to me so much. Maybe I'm just the problem. I'm too insecure and boring—"

Without a word, he cupped my face and kissed me. I tried to stop him, sinisipon ako e! Pero hindi rin ako nakaprotesta at sa huli, tinugon ko rin ang halik niya.

"Your lips are the sweetest and I'm glad it's mine," bulong niya sa akin. I smiled and he kissed me again.

Sean is a great chapter in my life. Kung hindi dahil sakanya, hindi ko makikilala si Lexie at JD. Dahil kay Sean, nagkaroon ako ng memorable moment noong high school. Sana ay maging masaya rin si Sean kagaya ko ngayon at na balang araw, kapag nagkita ulit kami, makakapagkuwentuhan narin kami bilang matalik na magkaibigan.

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon