CHAPTER 6

3K 104 12
                                    

Kakatapos lang ng class meeting namin para sa nalalapit na acquaintance party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kakatapos lang ng class meeting namin para sa nalalapit na acquaintance party. Hindi required ang attendance pero may additional points daw sa Theories kapag pumunta ka—something that I really need right now!

"Ninja girl," tawag sa akin sabay kalabit ng isa sa mga classmates ko ng minor subjects.

"Ako?" turo ko sa sarili ko nang maisara ko ang aking locker. Ngumiti siya at tumango.

"Ikaw nga. Ang hirap mo kasing masabayan. Bigla kang nawawala pagkatapos ng klase, hence, ninja girl," paliwanag niya.

"Okay? May maitutulong ba ako?" tanong ko nalang.

"Palabas ka na ba? Sabay na tayo," aniya. Hinablot niya ang hawak kong libro at naunang naglakad. Ang laki ng mga hakbang niya kaya tumakbo ako para mahabol siya.

"Hey!" tawag ko. Doon lang siya huminto.

"I'm Dean by the way. You are Rachel, right? Ang kaibigan ni Lexie?" he asked.

"Kilala mo si Lexie?" Nakasabay na ako sa paglalakad niya dahil binagalan niya kaunti.

"Classmate ko siya sa isang subject. At kaya kita kinakausap ngayon ay dahil gusto kong magpalakad. Tulungan mo naman ako, ninja girl." Sinulyapan niya ako saglit.

"May boyfriend na siya," sabi ko agad.

"Weird. Kakasabi niya lang sa akin noong isang araw na wala na."

"Kung ganoon, ikaw nalang ang kumausap sakanya." Hinila ko aking libro mula sakanya saka nagmamadaling lumabas ng campus.

Alam kong sinusundan niya ako kaya binilisan ko nalang at tumungo sa JK's cafe. Umakyat ako sa second floor at pinanood si Dean hanggang sa makalayo siya.

What was that all about? I don't really appreciate that kind of—

"Sinong ibaabangan mo?" Biglang dumungaw si JD sa bintana. Sa sobrang lapit niya ay nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

"W-wala." Umurong ako at umayos naman siya ng tayo saka gumiya para umupo sa harapan ko.

"Magkikita ba kayo ni Lexie ngayon?" tanong niya.

"Hindi. Busy siya e."

"Ah. Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin. Gagamitin at gagamitin ninyo ang Autocad kaya dapat ipa-upgrade mo na ang laptop mo," sabi niya habang binubuklat ang libro kong nakalapag sa mesa.

"Autocad? Kung marating ko man 'yan," nanlulumong sabi ko.

"Bakit ka nga ba nag-Architecture? Dapat inasahan mo nang mahirap ang lahat. Hindi na ito high school."

Wow, he's so condescending right now.

"Inasahan ko naman na mahirap. Hindi ko lang inakala na ganito kahirap."

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon