Handa na ang lahat para sa kasal nina Kuya Dendi at Ate Ria bukas. Gaganapin ang reception dito sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya nina Kuya Dendi. Dito na rin kami matutulog at mag-aayos bukas.
Isa pa, may rehearsal dinner mamaya. Nang dumating si JD ay sinalubong ko siya sa lobby. Halatang puyat na puyat siya. Pero bukod doon, nakakapanibago rin ang new haircut at cleanly shaved na mukha niya.
"Puyat dahil sa thesis o dahil lumabas kayo nina Zack?" lapit ko sa kanya.
"Thesis. I haven't had a drink in ages," nakangising sabi niya bago ako inakbayan.
"Sus," binelatan ko siya. Naglakad kami hanggang sa tapat ng elevator at naghintay.
"At what age do you want to marry...me?" biglang tanong niya.
"H-hindi ko alam!" nauutal na sagot ko.
"Don't most girls plan those things on their mind at say, by the age of ten?"
"Ang random mo!" iwas na sabi ko. A warm feeling flooded me as I imagined myself in a wedding gown as I walked towards the altar— towards JD.
"Don't answer, then. I'll just surprise you," nakangising sabi niya. Sumakay kami sa elevator at huminto sa fifth floor. Pinaghintay ko siya sa tapat ng room ko. Nasa akin kasi ang keycard niya.
"I'm disappointed. Akala ko sa iisang room tayo," he teased.
"Ang lakas rin ng loob mo ha?"
"Tsk, na-miss lang kita. Mamayang seven pa ang rehearsal dinner. Ano ang gusto mong gawin muna?" aniya. Sinamahan ko siyang maglakad hanggang sa tapat ng room niya.
"Uhm, JD, sinabi ko na kay Ate na nililigawan mo ako. Tama ba? O tayo na? Ano nga ba ang dapat na label?" naiilang na sabi ko. Isa kasi ito sa mga topic na hindi pa talaga namin napag-uusapan.
"That's ok. Sinabi ko na rin kay Lexie na nililigawan kita. Ikaw na ang bahala kung anong detalye ang gusto mong sabihin sa kanya," sagot niya. Saglit kaming natigilan at sabay na natawa.
Iniwan niya ang bag niya at sabay kaming umakyat sa rooftop garden ng hotel. Ang presko ng hangin at tanaw mula rito ang napaka-raming pine trees!
"I've never been in love kaya hindi ko sigurado kung tama nga ba ang mga ginagawa ko," sabi niya habang nakatanaw sa view.
"You're doing a good job, so far. Not that I'm really qualified to judge," sagot ko. Umiling siya.
"Noong una, akala ko crush lang kita. Pasimple akong nagtatanong kay Zack dati at ang sabi niya 'pag-ibig' na ang nararamdaman ko. I was about to prove him wrong but it turned out, he was right. I don't really know how this works so just ask what you want to know about me and I'll answer. That's where we should've started, right?"
BINABASA MO ANG
IMPONDERABLE
Genç KurguRachel Mallarde started dating her crush just when they were about to graduate high school. Ngunit dahil magkaiba sila ng papasukang kolehiyo, they had to have a long distance relationship. They tried to make it work pero sa huli ay marami pa ring n...