chapter three

28.5K 473 93
                                    

Ika-ikang lumakad ako papuntang kusina para mag luto ng hapunan. Kaninang tanghali umalis si Saturn para sa trabaho at dun lang din natapos ang pag pwersa nya sakin. Nananakit ang katawan ko pati na ang ulo ko. Pero dapat ko kayanin dahil kung hihilata lang ako, mas kagagalitan nya ako. Ilang oras lang dumating ang tatlo. Naka yukong babalik na sana ako ng bodega ng tawagin ako ni Kuya Nep.

"Umalis kana ng bahay, kasama ng anak mo." Nanlamig ako. Sa lahat ng oras ay tahimik lamang ito. Kahit noong nagka lamat 'lalo' ang relasyon namin mag asawa.

"Kuya.." gusto ko mag makaawa. Pero walang lumalabas sa bibig ko.

"You cheated. Nasa poder ka namin with your.." Tumingin sya tyan ko at umiling "just leave." Bakas sa boses nya ang hinayang.

"M-mahal ko sya.. At anak nya ito. Ilang beses ko po ba sasabihin na di ako nag lo-"

"Sign the papers. If you dont, the child will be in hell with him." Tinitigan nya ako "do it for the child. Not for your own benefaction as a wife."

Naiiyak na nag lakad ako. Masakit na hindi ka pinaniniwalaan. Lalo na kung para sa anak mo. Kusang tumulo ang mga luha ko. Bakit ba sinisisi nila ako? Wala akong kasalanan. Pero heto ako, sa iyak nalang dinadaan ang lahat.

Isang kaibigan ko si Leo. Nakalapit ko sya simula hayskul. Umalis sya ng bansa ng mag kolehiyo at matapos ang pitong taon, nagkita kami. Nagyakapan at nag batian. Sa ganoong sitwasyon nakita ng asawa ko ang lahat. Mas lumamig sya at walang pakielam sakin. Isang buwan na akong buntis ng panahong iyon. Sinubukan ko ipaliwanag ang parte ko pero di sya naniwala. Kahit ang sarili namin anak ay di nya matanggap sa paniniwalang kay Leo ito.

Naka tulalang hinimas ko ang tyan. Kahit ano ang mangyari, poprotektahan ko ang bata. Sya nalang ang pamilya ko. Sya nalang ang meron ako.

Buwan ang lumipas. Walang pag babago. Ilang beses nila akong pinilit sa annulment pero umaayaw ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ng anak ko..

Pero sa tingin ko, may hangganan parin ang lahat.

Dumating ang araw ng panganganak ko. Pero ni anino ni Saturn ay di ko nakita. Nasaktan ako. Lalo pa at nalaman ko ang kondisyon ng aking anghel. Mahina ang katawan nito. Kung sana.. Ako nalang. Sakin nalang ang sakit nya. Kakayanin ko.

Sa bawat araw na lumipas nanalangin ako na sana kahit minsan tapunan ni Saturn ng tingin ang anak namin, ngunit hindi. Nag makaawa ako. Pero matigas ang loob nya sakin. Samin ng bata.

May pag kakataon na kahit katabi ko ang anak namin ay ginagamit nya ako. Pag tapos ay parang basahan na ibabalya at aalis. Sana.. sana dumating ang araw na huminto na lahat ng ito.

Nakakapagod na rin.

ELITES SERIES: HEARTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon