chapter nine

35.4K 557 64
                                    

Nakalabas na ang anak ko. Agad ko nilinis ang bodega, para sa hihigaan ni Turner. Kasalukuyan syang hawak ni Ven. Pag ayos ko, nilagay ko lahat ng malinis na damit para sa higaan nya. Pag lingon ko wala na sila.

Sumilip ako sa pinto. Di magawang pumasok sa takot. Magaang haplos ang naramdaman ko, ng makita si Saturn. Nakatitig sa bata. Bumalik ako sa bodega at madaling kinuha ang envelope. Pag balik ko pumasok ako. Gusto ko umatras ng tumitig sya.

"He'll be sleeping in my room. It's more comfortable. Papalitan na rin ang mga dati nyang gamot to make sure ever-" Yumuko at alumpihit na inabot ang hawak ko. "What's this." Malumanay sya?

"N-napirmahan ko na iyan.. Bigyan mo s-sana kami kahit ilang araw lang. H-hanap ako na matitirhan-"

"You're not living." Mariin nyang putol.

Natakot ako sa madiin nyang titig. Nanigas ako dahil si Turner na pupuntahan nya. Pinigil ko sya, pero di ko kaya. Diyos ko, anong gagawin nya sa anak ko?

"P-pakiusap.. G-gawain ko ang lahat, wag mo lang sasaktan si Turner."

"Turner?"

"H-hah?"

"I said Turner what? His last name? What is it!" Natatakot na ako!

Kinarga nya ang bata. Natigilan ako sa sumunod na nangyari. Hinilig nya ito sa dibdib saka lumingon sakin. Ngayon, mainit na haplos sa puso ang ramdam ko. Pero hindi, may mga bagay na kayang gawin ang gaya nya. Pwede nya kami saktan ng anak ko. Hindi ako papayag!

Akmang kukunin ko ang bata. Alam kong magagalit sya kaya ginamit ko ang apilyedo ko. Tanggap ko na nuon pa na hindi para samin ng anak ko ang pamilyang nais ko. Kahit dalawa lang kami alam ko. Kakayanin namin.

"T-turner.. Turner Alberts." Diretsong sagot ko.

Natigilan sya. Sinamantala iyon para kunin ang bata. Sa takot na abutin ng galit nya ay dumeretso ako palabas ng mansion. Kahit wala na ang pera nya. Basta ligtas ang anak ko.. Ngayon ko lang naisip.. Kahit mahal mo ang isang tao, gaano man ito kaimportante, may mga bagay na kailangan ng desisyon. Kung iiwan mo ito o mananatili ka kasama nito.. Na hindi ko na magagawa pa.

ELITES SERIES: HEARTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon