Naka titig lang ako sa anak ko. Nag tuluan ang mga luha ko sa nakikitang kalagayan nya. May dextrose at oxygen mask. Nakailang bomba din sya kanina na sobrang kinatakot ko.
Hinawakan ko sya sa mukha. Naluluha man, pinilit ko ang ngumiti. Kailangan ko maging matatag. Kung sya nga, narito at lumalaban, ako pa kaya?
"M-mag palakas ka anak ko.. A-andito lang si nanay.. H-hindi kita iiwan.."
Nagpunas ako ng luha. Kanina kasama ko si Leo. Sya ang tumulong sa akin kanina. Mabuti na lamang at may inayos sya rito at nagka salubong kami. Abot langit ang pasasalamat ko.
Nilingon ko ang pumasok ng bumukas ang pinto sa pagkakaalam na si Leo ito. Agad lumukob ang takot sa dibdib ko ng makita sya na naka titig sa akin. Pumikit ako ng mariin. Gusto ko sya yakapin, upang kumuha ng lakas pero sino ba ang niloloko ko?
Nilingon ko ang sanggol na himbing sa pag tulog.
"Anak ko.. K-kaya natin ito.. M-mag pakatatag ka.. Ikaw nalang ang meron s-si nanay.." Tumulo ang mga luha ko. Hirap huminga ang anak ko..
"He's fucking persistent." Bungad ni Leo. Alam kong galit na sya kaya agad din lumabas.
Sumaglit ang kambal upang silipin si Turner. pati natin si Nep. Matapos ay iniwan kaming dalawa.
Nanginginig na tinitigan ko sya. Agad akong tumayo ng lumapit sya. Hinarang ko ang katawan ko sa maaring gawin nya sa anak ko. Ayoko na. Panginoon ko, ako nalang po ang saktan nya. Wag na po ang anghel ko. Pag nawala pa si Turner sa akin, ikakabaliw ko na.
"P-pakiusap.. a-ako nalang.. W-wag mo sasaktan ang anak ko.." Iyak ko. Himagulgol ako sa takot.
Hinayaan nya ako umiyak. Nang maka hinga ng maayos ay takot man, nilingon ko sya. Walang emosyon ang mukha ni Saturn at naka tingin lamang sa aming dalawa. Kinagat ko ang nanginginig na labi at dahan dahan lumapit sa kanya.
Mahal na mahal ko ang lalaking eto, pero mas kailangan ng anak ko ang tulong na maibibigay nya..
Lumuhod ako sa harapan nya at nag lalandas ang mga luhang tiningala sya.
"S-saturn.. N-nakikiusap ako.. Tulungan mo ako.. M-mahal na mahal ko ang anak natin.. S-sya nalang ang meron ako.. p-pakiusap.. Tulungan mo sya.." Pag mamakaawa ko.
Hindi sya nag salita kaya mas lalong sumiklab ang damdamin sa dibdib ko.
"P-parang awa mo na.. Gagawin ko ang lahat.." naalala ko ang sinabi nya sa akin dati. Desperadong tinitigan ko sya.
"A-ang sabi mo bibigyan mo ako n-ng pera! S-saturn, pipirmahan ko ang annulment paper.. N-nakikiusap ako.. K-kung gusto mo talaga iyon, ibibigay ko na.. Parang awa mo na Saturn, kailangan ko ng pera mo.." Iyak ko.
Kahit na ilang beses ko inulit sa kanya iyon ay wala syang sinabi. Sinubukan nya ako alisin sa kanya pero mas kumapit ako. Kahit gaano kababa ang tingin nya sakin ngayon, walang akong pakielam. Para sa anak ko. Kahit ano, gagawin ko. Kahit na iwan ko pa ang mahal ko, gagawin ko. Mabuhay lang ang nag iisang pamilya ko.
"Let go, Aira." Iniwas nya ang binti pero yumakap ako dito.
"Saturn makinig ka naman.. Ayaw mo naman sa amin hindi ba?" daig ko pa ang baliw ngayon.
Nararamdaman ko ang unti unting pagka wasak ng puso ko sa mga naiisip ko na sasabihin..
"Hindi.. Hindi mo anak si Turner.. A-anak ko sya sa ibang lalaki.. Nakikiusap ako, tulungan mo ang anak ko." iyak ko.
Mahabang katahimikan lang ang meron. Halos manlamig ako ng mag salita sya.
"Don't lie.."
"A-ano?" Ako
BINABASA MO ANG
ELITES SERIES: HEARTLESS
Short StorySATURN FORCADO Maayos ang buhay ko. Kuntento ako sa anong meron ako. May trabaho ako sa isang fast foodchain sa loob ng tatlong taon. Naisip ko minsan, bakit wala ako na meron ang normal na tao. Pamilya. Bakit wala ako non. Pero ayos lang. Masaya na...