chapter thirteen

34.6K 460 116
                                    

Nag mulat ako sa hirap ng pag hinga. Pero napangiti ng makita ang dahilan. Hubad man, ramdam ko ang init ng matigas pero makinis nyang katawan. Naka palibot ang mga braso at binti nya sakin. Ni makagalaw ay hindi ko kaya at mas humigpit pa ang yakap nya ng gumalaw ako. Sumiksik ako sa dibdib nya ng makitang alas tres na ng umaga saka bumalik sa pag tulog.. Sa unang pagkakataon, nakagisingan ko na sya ang katabi.

Nagising ako ng alas seis ng umaga. Tulog na tulog parin sya, napangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi. Akmang bababa ako ng kama ng hatakin nya ako. Bakas sa mukha nya ang takot kaya agad nya ako niyakap.

"Don't.. Leave me. M-matulog pa tayo.. O-or lets go t-to Turner." Tarantang sabi nya.

Hinaplos ko ang mukha nya. Pumikit sya at hinawakan ang kamay ko. Humigpit iyon at saka nya hinalikan, tinitigan nya ako ng nag mamakaawa.

"Mag luluto ako ng agahan. Anong gusto mo?" Lumamlam ang tingin nya.

"Ikaw."

Namula ako sa sinabi nya. Ngayon ko lang napansin, wala kaming saplot! Agad ko kinuha ang kumot ngunit pinigil nya. Naluluha na ako sa hiya. Oo, nahihiya parin ako! Bigla syang ngumisi sakin at hinatak paupo sa kanlungan nya. Naku po! Mahabaging Maria, may matigas akong nararamdaman!

"I said, Ikaw ang bahala. Ano bang iniisip ng mahal ko?" Kumabog ang dibdib ko. M-mahal ko?

Sa kaba ay madali akong nag bihis. Dumeretso sa banyo at naligo. Pag tapos ko, ay nag luto ako ng almusal. Wala na sya sa kwarto ko at nakita kay Turner. Ngumiti ako ng makitang naka akap sya dito at naka pikit. Ngunit di nagtagal ay nag mulat din ito. Tumitig sakin at inaya tumabi sa kanila.

"Good morning mahal ko." Tumango lang ako bilang sagot. Namumula akong nag iwas ng tingin sa kanya.

"K-kakain na.."

"How about him?"

"Ma-mamaya pa naman sya g-gigising.."

Tumango sya Saka binigyan ng halik si Turner at sabay na kami lumabas. Nang kumakain na ay bigla sya nag salita.

"Aira.. What I said last night.. Its true. I don't know when or where.. I only know is I love you that.. that I can no longer live another weeks or months without Turner and you by my side.." He said desperately.

"Inaamin ko na naging gago ako. Tarantado, sinasaktan kita h-habang.. habang.. God, even saying the word makes me want to kill myself! I want to be with you. Gusto ko na mabuo tayo.. Mahal ko, p-pangako.. Babawi ako sa inyong dalawa.. Please give me a chance. Aalagaan ko kayo.. I-if you want we can go abroad and start a new life. You, me and our Turner." Hinawakan nya ako sa kamay. Pero iniwas ko iyon. Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha nya.

"Hiwalay na.. Tayo.." Bulong ko.

"Says who?" Mariin nyang tanong. Kinabahan ako at umiling.

"Y-yung annulm-"

"I burned it." Natulala ako. "We have a son. We're married. Two years of being jerk is enough. I want to make things right, Aira."

"P-paano kung saktan mo kami-"

"God, Aira! I won't do it again. I promise.. I love you and Turner. P-please believe me this time.."

Tumayo sya at niyakap ako. Nag simula akong lumuha at yumakap pabalik. Tumango ako bilang sagot. Naramdam ko ang pag angat sa ere kasabay ng mainit na labi nya sakin. Tinitigan ko sya sa mga mata. Ang mga abo at mapupungay nyang mga mata na minahal ko. Na mas lalo ko pang minahal ng makuha ng anak ko. Ang mapupula nyang labi. Matangos na ilong. Kahit ang malamig nyang pagkatao ay minahal ko.

"Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat.. Para ako lang din ang mamahalin mo.. At ang anak natin." Bulong ko ng buong puso sa kanya .

Ngumiti sya sakin.. Na may kasamang pag mamahal.

"I love you more, wife."

---

Epilogue Ahead babies 💕
Thank you for the support 💕

ELITES SERIES: HEARTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon