chapter five

31.1K 508 76
                                    

Kanina pa ako punas ng punas sa katawan ni Turner. Pero ayaw bumaba ng lagnat nya. Tatlong buwan palang ang anak ko, baka di nya kayanin!

Nanginginig ang mga kamay na kinarga ko sya at niyakap. Wala rin tigil ang kanyang pag iyak. Naluluha narin ako, di ko alam ang gagawin. pag may nangyaring masama sa anak ko ay ikamamatay ko!

"Putangina! Ang layo na nitong bodega, rinig na rinig ko pa yang bastardo mo!" Saturn

"P-pasensya na-- shh, wag na ka umi-yak anak ko.. Andito lang si nanay.." Pag aalo ko. Nag babaga ang tingin ni Saturn.

Di ko maramdaman ang takot para sa sarili ng hablutin ako ni Saturn. Nasa anak ko ang tingin ko. Namumula na ito sa taas ng lagnat. sobra na ang takot sa dibdib ko.

"Patahimikin mo yan!" Sigaw nya.

"S-saturn tulong.. A-ang anak natin.. Ang taas-taas ng lagnat." Tarantang sabi ko.

"It would be better if he dies! Dagdag palumunin pa yan!" Sigaw nya.

"Ang sama mo! Sarili mong ana-" mahigpit ko niyakap si Turner ng sampalin ako ni Saturn.

"That bastard isn't mine. Bakit di ka humingi ng tulong sa tatay nyan? Tutal sya nag bigay sayo ng pabigat na yan." Sabay tulak nya at alis.

Pumalahaw lalo ng iyak ang bata. Sobra ang nararamdaman ko. Diyos ko, ako nalang.. Wag na ang anak ko. Kaya ko po ang sakit, pero hindi si Turner. Ako nalang po. Dasal ko.

Sinubukan ko humingi ng tulong kila Ven pero nasa field trip ang kambal. Wala din si Nep. Si Saturn ay kakaalis lamang.

Sa pag hele ko, nakita ko ang brown envelope. Nakaloob duon ang annulment papers namin ni Saturn. Saka dumako ang mata ko sa singsing sa daliri. Mamahalin ito, pero ako lang ang may suot samin dalawa. Mahal na mahal ko sya. Nung unang kita pa lamang. Kaya iniingatan ko ito. Ito nalang ang katunayan na sakin ang asawa ko.

Siguro nga tanga na, pero ni minsan di ako pinanghinaan ng loob. Baka sakaling mahal nya ako, pero hindi. May anak na kami, pero wala parin. Nasasaktan ako, pero anong magagawa ko?

Nabalik ako kay Turner. Naka tingin sya sakin at umiiyak. Wala na akong nagawa kung hindi ang sabayan sya. Napaka wala kong kwenta. Hindi ko na magawa ipaglaban ang anak ko sa sarili nyang ama hindi ko pa sya magawang ipagamot.

Sa loob ng tatlong araw ay puyat ako sa pagod at pag iisip. Hindi pa nawawala ang lagnat ni Turner na syang mas ikinabahala ko. Gusto ko sumuko nalang pero ang anak ko, nilalabanan ang sakit, ako pa kaya? Kung may pera lang ako.. Hindi sya mag kakaganito..

Mahal na mahal kita anak ko. Mahal na mahal ka ni nanay.

ELITES SERIES: HEARTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon