chapter eleven

35.1K 524 84
                                    

Tumawa ako kay Turner. Suot nya ang tsinelas ko at nadapa. Nakakapag lakad na sya, na sa totoo lang ay kinagulat ng iba. Humagikgik sya ng bumagsak sa carpet. Madali ko syang tinayo. Hinalkan at niyakap. Sa pag daan ng panahon, naging hawig sya lalo ng kanyang ama. Nangungulila ako sa kanya, pero para sa anak ko ito. Para sa kaligtasan nya.

Sa isang buwan ay 1st birthday nya na. Gusto ko ng simpleng handaan, kasama si Leo at ang girlfriend nito. Sila kasi ang tumulong sakin mag bagong buhay.

Kasalukyan kami nag lalaro dito sa bahay ng may kumatok. Sa gate? Natigilan ako pag labas. Mainit na braso at mahigpit na yakap ang sumalubong sakin. Bahagya pa itong nanginginig at bigyan ako ng magagaan na halik sa buhok at pisngi na sobra kong kinagulat.

"Why did you left me?" Sabi ng baritonong boses.

Bago ako maka kibo ay bumukas ang screen na pintuan. Duon sumilip ang anak ko na halata ang pag kunot ng noo. Hinatak ako ni Saturn. Hindi nya siguro napansin ang bata.

"Let's go home wife. I won-"

"N-naynay!"

Gusto ko kumawala, pero hindi ko kaya. Nilingon ni Saturn ang anak ko. Nag takip ako ng bibig ng walang sabi-sabi, kinarga nya ang bata saka hinalikan sa noo. Niyakap ng mahigpit at lumingon sakin. Dahan-dahan ako lumapit. Nanginginig ang kamay na inabot ko sya. Gulat. Pag tataka. Kabog ng dibdib. Pagka taranta. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang meron ako.

Ang isang Saturn Forcado, lumuluha sa harapan ko. Habang bumubulong ng walang katapusan ng pag hingi ng tawad. Sa Diyos. Sa anak namin. At sakin. Naguguluhan man ay inamo ko ang pisngi nya. Ano mang punas ko, patuloy sa pag tulo ang luha nya. Bigla nya ako hinatak at kinulong sa bisig nya.

"I'm so sorry. For everything. God knows how much i want to fix e-everything. I'm sorry son. Im sorry wife."

Hindi ko alam kung maniniwala o hindi. Sa higpit ng yakap nya. Sa pag kunot ng noo ng anak ko, ang mainit na bagay na bumabasa sa pisngi ko galing sa kanya. Patunay na totoo ang mga nangyayari ngayon. Bakit? May dahilan pa ba para samin dalawa?

"B-bitawan mo ako.." Bulong ko.

Pero di nya ginawa. Ayoko. Ayoko umasa. Masasaktan uli ako. Nag simula ako pumasag. Masakit na. Hindi ko kaya ang nangyayari.

"Wife, please don't do this.."

Nakawala na ako sa bisig nya. Tinitigan ko sya at umiling. Ngumiti ako ng mapait at dahan-dahan kinuha si Turner na titig na titig sa ama.

"Please din.. H-hindi ko na kaya ang sakit.. Mahal na mahal kita na halos gusto ko n-nalang kalimutan ka.. K-kasama ng mga.. Mga di magagandang alaala ko sayo." Duon, nabasag ang boses ko kasabay ng mga luha namin dalawa.

ELITES SERIES: HEARTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon