It's time to go home! O, yes! Praise the Lord!
Habang naglalakad may tumatawag sa pangalan ko kaya naman huminto ako at hinanap ko yung sumigaw.
"Lhyne!" si James na naman.
Lumapit siya sa akin, wala man lang kagalos galos yung mukha nitong nilalang na to. Ang galing talagang makipaglaban. Ayy mali. Let me rephrase it, ang galing talagang makipag-away.
"Sabay na tayong umuwi. Tara na? ihahatid kita."
Tumanggi ako at sinabing huwag na dahil kaya ko na naman na ang sarili ko.
Pero pinilit niya na okay lang at parehas naman daw kami ng way.
"Oh ikaw na nagsabi niyan ah. Bahala ka na sa buhay mo kapag ginabi ka."
"Oo, dapat nga sila pa yung matakot sakin eh."
"Ayy, oo nga pala james. Sino yung mga kasama mo kanina? Tsaka grabe ah, natakot yung mga bago kong kaibigan sainyo."
"Ahh, gangmates ko yun. Don't worry Lhyne, they won't hurt you and they won't touch your friends as well."
Teka, nagreregister pa sa utak ko yung mga sinasabi niya.
Okay ito, magrereact na ko.
WHAAAT?! Gangmate? It means, gangster siya?
Ay wait. Oo nga pala no. nalaman ko na pala kanina sa hssf. Ang baliw ko talaga.
"Ahh.. okay." Alam ko na nga pala.
Tinignan niya ko ng matagal.
Nakakailang. ¬_¬
"Ano ba yun, James?"
"Ayun na yung reaksyon mo?"
"Hmmmm. Oo bakit? Dapat ba kong magwala?" hindi siya sumasagot.
"Teka teka. Ulitin natin yung reaksyon ko. 1-2-3. WHAT?! Gangster ka? Talaga? Kailan pa? ohmygosh!"
Tumahimik ako saglit at tinanong siya ulit. "So ano, okay na?"
What kind of reaction does he want? Iniwan ko nga siya doon. Humabol naman agad siya sa akin.
Nag-uusap lang kami habang naglalakad.
Sinabi niya sa akin na siya yung leader ng grupo niya at noong tinanong ko siya kung may nakatalo na ba sakanila, proud na proud siyang sinabi na wala pa dahil sila ang pinakamalakas na grupo sa buong school or maybe sa buong compound.
Marami na raw siyang nakalaban na ibang grupo mula sa ibang school.
Kaya ngayon, di na ko magtatataka kung bakit sa bawat lakad namin, ang daming sumusunod ng tingin sa amin.
May mga babaeng lumalapit sa kanya at nakikipaghand shake, yung iba pinagbigyan niya pero yung iba hindi. Tinatanggihan niya kapag masyadong magaslaw yung kinikilos ng babae, kung baga, nilalandi siya.
"Bakit hindi mo sila kinamayan?" tanong ko sakanya.
Simple lang yung sagot niya sa akin.
"Ayoko ng malandi. At ayoko ng nilalandi ako."
May ibang tao naman, karamihan ay lalaki ang nakatingin sa akin.
Medyo natakot ako pero bigla akong binulungan ni james.
"Don't worry. As long as I'm here, You're safe."
Pero sinabi ko sakanya paano kung wala siya? Tapos dumaan ako dito, tapos nakita ko ulit yung mga iyon. Paano na?
"Kaya nga kailangan lagi mo kong kasama eh."
Nailang ako kaya naman iniba ko yung tanong ko, "Ano ano nga pala yung pangalan ng gangmates mo?"
Sila daw si Albert,yung bestfriend niya, Jay, Nate, Leon at yung huli si Ken.
Pero dahil hindi ko mapigilan tong Makati kong dila ay tinanong ko siya.
"James, bakit ako?"
"Anong bakit ikaw?"
" I mean, ang dami namang babae somewhere out there dyan pero ako yung kinakaibigan mo. Ako na bagong transfer dito sa school niyo."
When I look at him to find some answers, he just looked away. Oh comm'on.
"hmmmm. At first, it's because of your handkerchief. Diba nga inabot ko sayo yun?" I just nod.
Iyon lang pala. Nag-aasume na naman kasi tong utak ko eh. Nako masama to. Nakamamatay ang mag-assume. Ang landi ng utak ko, pasensya na.
"But then, I realized that... that's not the reason why I'm talking to you."
Huminga siya ng malalim at nagpatuloy ulit sa pagsasalita.
"Noong nakausap kita, nagbago na lahat. Hindi ko alam Lhyne, ewan ko pero ganun eh."
Bigla siyang natawa na parang nahihiya. "Ang pangit pakinggan, ano ba yan!"
Syempre, mukhang nahihirapan talaga siyang mag-explain kaya hindi ko na siya pinilit pang magsalita.
Nakarating kami ng bahay ko ng hindi na ulit nag-usap pagkatapos ko siyang tanungin noon.
Nagpaalam na ko sakanya at sinabing bukas nalang ulit kami mag-usap sa school.
Pero imbis na magpaalam ay iba ang sinabi niya. "The real thing is, I'm attracted to you."
After that, wala na. wala na siya sa paningin ko. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla nalang siyang tumakbo palayo.
At ako naman? Ito, dumb founded. Shock.
[James' POV]
Ang laki ng kahihiyang ginawa ko kanina.
Para akong tanga. Ako mismo, nahihiya sa mga pinagsasabi ko kay Lhyne.
But no, I think confused lang ako. I must be wrong with these stupid feelings.
Siguro namimiss ko lang si Ara.
That's right.
Namimiss ko lang siya. 'yun lang.
I wonder when we are going to fix our relationship.
![](https://img.wattpad.com/cover/1104465-288-k885737.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly in Love with a Gangster
Romanceit's all about a girl who will experience different trials to gain her happiness. Then she will meet this two gangster who will change her entire life.