[Stacie's POV]
Ito na naman, ito na naman... nangyari na naman. Bakit ba kasi ang bait ng kapatid ko eh. Kung hindi mabait, tanga naman. Nako. Anong buhay ba meron yung ate ko?
Tinawagan ako ni Ara gamit yung cellphone ni ate. Nang makarating ako dito sa ospital ay kinuwento niya yung buong pangyayari. Iyak siya nang iyak kaya naman hindi ko na rin napigilan yung sarili kong umiyak.
"Napakabait ni Lhyne, u-una, pinatawad niya ko, pangalawa, inalok niya akong maging kaibigan at pangatlo, niligas niya yung buhay ko.. a-at pati ng anak ko. Stacie, I'm sorry. Gumawa na naman ako ng gulo. S-sorry talaga."
Binaon niya yung mukha niya sa mga palad niya at umiyak ng malakas. Hinagod ko yung likod niya at sinabing ayos lang iyon dahil gigising pa si ate.
Pero sa kondisyon niya, niloloko ko na ata ang sarili ko.
***
" Ma, she's absolutely not fine. She's 50/50. Napakaraming sugat at ... at kung ano ano pa yung nakuha ni ate. She needs blood or else she'll die. Napakadaming dugo yung nawala sa kanya. Pero sabi ng doktor, kahit na masalinan pa siya ng dugo... di pa rin daw magiging maayos si ate. Nabalian siya ng buto sa likod at sa binti. Napakalaki ng sugat niya sa braso. Tapos mayroon pa daw internal bleeding. Ma. Di ko alam kung gigising pa si ate. Ma, we need you here. Please come back."
Napahagulgol nalang ako sa telepono. Nasabihan ko na silang lahat. Yung ibang kaibigan ni ate andito na. sinasamahan nila akong magbantay kay ate. Si mama tsaka si papa, uuwi na mamaya.
Umupo ako sa tabi ni ate. Iyak lang ako nang iyak sa gilid niya. Siguro pag dilat niya, papagalitan niya ako.
Naririnig ko na yung boses niya ' bakit ka umiiyak? Di pa ko mamamatay. Mauuna ka muna bago ako.' Kasunod nun yung malakas na tawa niya.
Pero habang iniisip ko yung mga 'yon. Lalo akong naiiyak. Parang ang layo kasi ng chance na mangyari yon. Heto siya, nakahiga. Tahimik. Walang malay. Di sigurado kung kailan gigising.
***
[Laine's POV]
Kasama ko yung buong HSSF party list. Nakapalibot kami kay gandang bai. Ilang linggo na si Lhyne dito sa ospital. Sinusubukan kong huwag umiyak.
Napagdaanan na namin to. Nangyari na to. At sa pangalawang beses na to. Gigising siya ulit. Kaya di ako iiyak.
Pero punyemas naman eh. Biglang umiyak si Jomarie. Tapos biglang umiyak si Earl tsaka si Skye. Tinitignan ko si Ella tsaka si Rein. Nangingilid na yung mga luha nila pero ayun, bumagsak din.
Biglang nagsalita si Ella, " h-hoy babae! Gu-Gumising ka na dyan. Lalandi pa t-tayo. Kapag di ka bumangon diyan, maiiwanan ka. S-sige ka!"
Lumapit si Jomarie kay Lhyne tsaka hinawakan yung kamay niya." di ka maganda pag nandito ka. Umalis na tayo dito. Ililibre kita promise. Kaya tumayo ka na dyan...."
Pinunasan niya yung luha niya. " Kakain pa tayo sa DQ na gustong-gusto mong kinakainan natin. H-huyy.. Gumising ka na."
Si Skye tsaka si Rein naman, nagyakapan na lang. Lumabas sila ng kwarto ni Lhyne.
Di ko na rin siya kayang tignan ng ganito. Kung pwede ko lang kunin yung kalahati ng sakit na pinagdadaanan niya eh kukunin ko talaga.
Napansin ko, sa ilang linggo na lumipas na naospital si Lhyne sa pangalawang pagkakataon, walang James na dumalaw dito. Heto na naman siya.
Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang numero niya. Sinagot niya yung tawag. Pinunasan ko muna yung mga tumutulong luha sa mata ko bago ako nagsalita.
[ hello?]
" James. It's laine. Pumunta ka na dito. Please talk to her. She needs you right now."
[ na naman ba? Di ko siya kayang kausapin Laine. You know that.]
" at sa kondisyong kinakaharap niya, sa tingin ko di nga siya makakapagsalita.
. . . She's in coma."
BINABASA MO ANG
Secretly in Love with a Gangster
Roman d'amourit's all about a girl who will experience different trials to gain her happiness. Then she will meet this two gangster who will change her entire life.