Chapter 43

1.3K 31 0
                                    

When you're gone by avril lavigne .... Playing... ( get your phones or whatever and play this song. Press the repeat once button or click the replay button sa youtube. It's up to you. Basta patugtugin niyo.)


[James' POV]

"Tignan mo yung sarili mo, ang dami na namang nakakabit sa katawan mo." Pinunasan ko yung mga bwiset kong luha na kanina pa tulo nang tulo.

Dalawang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin siya gumigising.

"S-sabi ko naman kasi sayo, mag-mag-iingat ka lagi. A-Ayan. Hanggang ngayon tuloy natutulog ka. Di mo tuloy nakikita yung pogi mong asawa. Di mo nakikita... di mo nakikita y-yung improvement ng pagiging magandang lalaki ko. Gumising ka na hon."

Huminga ako ng malalim tsaka hinalikan ko yung mga kamay niya.

" Alam mo ba hon? Para akong baliw rito, magtatalong buwan na. Ang tagal mo kasing gumising eh. Wala akong kausap rito. Di mo naman ako kinakausap. Galit ka pa rin ba sakin? Sorry hon. I love you."

Umuwi muna ako ng bahay at nagpalit muna kami ni Stacie sa pagbabantay sa ate niya. Si tita, tanggap na ulit ako pero sa susunod na gawin ko daw ulit yun kay Lhyne, wala na daw talaga. Sabi ko nga sa kanya ' di ko na 'yon gagawin. Tanga lang po talaga ako noon. Napakaimature ko. Sorry tita. Mahal na mahal ko po ung anak niyo.'

Nagpahinga ako saglit sa kwarto namin. Maayos pa rin tong kwarto namin nung umuwi ako ulit dito noon. Nakita kong ang daming nakalabas na picture naming dalawa, yung iba nakadikit sa mga dingding, yung iba nasa lamesa. Pero yung pinakagusto ko yung picture namin noong kasal namin, ginawa niya yun, nakalagay sa isang cardboard tsaka nilagyan niya ng mga design design. Napakahusay pa rin talaga niya tulad ng dati. Agaw atensyon 'yon dahil pinasadya talaga yung laki nung picture. Pagpasok na pagsok mo ng kwarto, iyon ang bubungad sayo.

Lalo ko lang siyang namimiss eh. Pero alam ko, malapit na siyang gumising. Magkakaayos na ulit kami.

September 25 ****, 8:01 pm. Hospital.

Nang gabi ding iyon, bumalik na ko sa ospital. Gusto ko lagi ko siyang kasama pag matutulog. At least dito sa ospital kahit maraming multo may kasama ako, hindi nga lang umiimik. Kaya ako lang mag-isa yung natatakot.

"Hon. Bago tayo matulog dinala ko tong laptop tsaka yung cd ng paborito mong palabas. Panuorin muna natin to ah? Pagkatapos neto, matutulog na tayo."

Tinignan ko siya, hinihintay kung sasagot o gagalaw man lang. Wala. Napabuntong hininga nalang ako.

Niligpit ko na yung laptop tsaka umupo sa tabi ni Lhyne.

"Tapos na yung palabas. Tulog na tayo hon."

Pinikit ko yung mga mata ko pero di ako makatulog kaya kinausap ko ulit si Lhyne. Kinuha ko yung kamay niya tsaka ko nilagay sa pisngi ko.

"Natatandaan mo pa ba noon? Nagkakilala pa tayo noon sa school. Dun kita unang nakilala diba? Tapos nakita ko yung panyo mo. Tuwang tuwa ako noon dahil nalaglag mo yung panyo mo, may rason ako para makausap ulit kita. H-Hahaha." Unti-unti na namang tumutulo yung mga luha ko. " teka lang Lhyne ah? Tumutulo na naman kasi yung mga tubig sa mata ko eh. May sira na rin ata tong mata ko." Pinunasan ko yung mata ko pero di ko pa rin binibitawan yung kamay ni Lhyne.

" Na love at first sight talaga ako sayo noon. Di mo alam 'yon no? Alam mo ba na palihim kitang tinitignan noon? Ang baduy no? kung iisipin mo, para tuloy akong manyak na gangster noon. Pero alam mo ba, habang palihim kitang tinitignan, palihim na rin pala kita minamahal noon?"

Gumalaw yung daliri niya pero hindi ko pinansin baka guni-guni ko lang yun.

" I miss calling you princess."

Gumalaw ulit.

" I miss you princess." Pumikit ako para huminto yung pagtulo ng tubig sa mata ko.

" I-I miss y-you too, s-stupid, pabooo. A-Ang ta-tagal m-mong buma-bumalik."

Napatingin ako sa kanya. Umiiyak si Lhyne. She's awake now!

" - a–ames." Nahihirapan siyang magsalita. " shhh.. don't speak. Magpahinga ka muna. Di na ko aalis. Babantayan kita. Promise. Tatawagin ko lang yung mga doktor."

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

Ngumiti siya sakin. Namiss ko yang mga ngiting yan.

" makinig ka...muna..sabihin mo kila Stacie at mama... na ... mahal na mahal ko sila..at ayokong iwan...sila."

Tumango lang ako naang tumango... nahihirapan na siyang huminga pero nakalagay naman yung oxygen eh.. ano ba to. Nagpapanic na naman ako.

Huminga siya nang sobrang lalim. She's barely breathing.

" James.. I'm.. I'm... s-sorry.. di ko.. sinadya na.. mawala si.. baby." Natawa ako dahil hanggang ngayon iyon pa rin ang iniisip niya.. hindi man niya iniisip yung kondisyon niya.

"It's okay. Naintindihan ko na, Princess."

Nagpasalamat siya ng maraming beses at paulit-ulit din siya nagsorry. Hanggang sa sinabi niya na, hindi na niya kaya. Gusto na niyang bumitaw. Parang gumuho yung mundo ko ng sinabi niya 'yun.

"James. I wanna rest. I'm tired." She's crying.

"It's okay. I'm here. Stop crying, Princess. Take a rest. I love you so much."

Damn, I'm not yet ready.

It hurts to see her having a hard time. She opened her mouth, trying to speak but nothing came.

My tears rolled down uncontrollably and I didn't bother wiping it. I kissed her hand over and over again. I wanna let her know that I'm here. I won't leave her again.

She closed her eyes and finally the words came tumbling out of her mouth.

" I will always love you, please remember it."

After she said those words, she's gone.

Flat line. No more heart beats.

Secretly in Love with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon