[Lhyne's POV]
"Yes, hello? Sino to?"
[baby! It's mommy. How are you?]
"Ma? Bakit iba yung number na gamit mo? Where's your sim?"
[Nawala yung sim kasama ng bagong phone na binili namin ng daddy mo.]
"ANO? Ma! Mag-ingat nga kayo sa gamit. Mahal yung bagong phone na binili niyo diba? Tapos nawala? Tsk, tsk."
[ I know baby, we can buy a new one naman eh. Aigoo, baby, listen. It's not important. Kaya ako tumawag dahil sasabihin ko lang na next week ay .... Babalik na kami dyan ng daddy mo!]
Oh great.. babalik. I guess, another problem will arrive. Shit na buhay to.
[aren't you excited baby?]
"I'm excited, ma. Pero..."
[Oh comm'on baby, we talked about it, aren't we?]
Sabi na eh. Problema na naman. Ano ba to? Pagkatapos ng kay James, ito naman? Di pa ko tapos sa hinaharap kong problema tapos ganito?
"Hindi pa ko pumapayag ma, sige na. ibababa ko na to. Ingat kayo ni daddy."
[okay, baby. We love you.]
" hmmmmm."
i-end ko na yung tawag.
Tuwing napaguusapan namin yang kalokohan na yan, hindi ko mapigilang mainis kila mama kahit na mahal na mahal ko sila.
Nakakainis naman kasi eh, kailangan ba talaga yun? Hindi ba pwedeng maghanap nalang ako ng sarili ko? Hindi nila kailangang magprovide ng... arghh. Sheteng buhay.
Sa sobrang depress ko, pinuntahan ko si stacie sa kwarto niya. Umupo ako sa kama niya at hinintay siyang lumabas ng c.r niya.
Siguro may ginagawang milagro yun sa loob.
Humiga muna ako sa kama niya habang hinihintay siya.
Stacie's POV
"Ayyyy, bwiseeet!"
Tinapik tapik ko si ate, "huy, gising. Uyy.. dumilat ka nga. Nagulat ako say-"
Bigla siyang umiyak habang nakapikit.
"hala, hoy ate. Bakit? May masakit ba? Gusto mo bang pumunta sa ospital?"
Umiling siya at tinuturo yung dibdib niya.
"Ano? Haa? Don't tell me..." tumango siya.
" Shit! May breast cancer ka?" bakit hindi ko alam yon noon pa?
Bigla siya umupo at binatukan ako. Punyemas, ang sakit noon ah.
"Isa ka pang tanga stacie eh. Bwisit na buhay to." Tinakpan niya yung mukha niya tsaka umiyak nang umiyak.
Tinabihan ko siya at tinanong kung bakit siya umiiyak.
"Stacie, ang tanga ko talaga.." parang kanina lang ako yung sinabihan nitong tanga ngayon sarili niya.. tsk tsk. Ang gulo ng kapatid ko.
".. naniwala ako.. kinilig kilig pa ko.. umasa pa yung utak kong mas tanga sa pinakatangang tao. Sira ulo kasi tong hypothalamus ko eh.. shit!"
"sira, wag mong sisihin yung hypothalamus mo. Ikaw mismo yung may kasalanan. Teka, what?!"
"Ang pangit mo talaga, makapagreact ka eh di mo pa naman alam."
[Lhyne's POV]
Kinuwento ko kay stacie yung narinig ko sa usapan nila James. Sinabi ko rin yung ginawa ni Albert at Nate.
"Ate, kay Albert ka nalang."
Kahit kailan talaga, walang kwento tong kapatid ko eh.
"Sira, nagmamalasakit lang yung tao kaya ginawa niya yun. Kung ako rin yung nasa sitwasyon niya, gagawin ko rin yun eh."
"Sabagay, so anong plano mo?"
Hayyyy, hindi ko alam. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko pero nagagalit ako kay James.
"Pero grabe? Pinagpalit ka talaga niya sa mukhang tae niyang ex-girlfriend? Baka naman mali ka lang ng rinig tulad ng nakagawian mo?"
"Tse, tigilan mo ko. Maganda nga lang ako pero hindi ako bingi stacie. Buti nga sana kung mali ako ng rinig eh. Diba nilapitan pa ko ng kaibigan niya? Oh paano ako magkakamali? Dba?"
Hindi umimik si stacie...
"Ang kapal kapal niya stacie. Ang lakas ng looob niyang gawin sakin yun. Wala siyang kwenta. Akala niya kung sino siya. Bakit sino nga ba siya? Isa lang naman siya sa mga nagmamay-ari ng school ah? Mayaman lang sila pero alam kong mas mayaman tayo stacie."
Hindi parin umiimik si stacie.
"Wala siyang karapatang manloko ng tao. Jusko, umasa talaga ako. Pero sino rin bang may sabi na umasa ako? Ang tanga ko no? ang tanga tanga tanga at sobrang tanga nito." Dinuro duro ko yung dibdib ko.
[Stacie's Pov]
Umiiyak na naman siya.
"Ang kapal kapal niya stacie. Ang lakas ng looob niyang gawin sakin yun. Wala siyang kwenta. Akala niya kung sino siya. Bakit sino nga ba siya? Isa lang naman siya sa mga nagmamay-ari ng school ah? Mayaman lang sila pero alam kong mas mayaman tayo stacie."
Tinitignan ko lang si ate..
"Wala siyang karapatang manloko ng tao. Jusko, umasa talaga ako. Pero sino rin bang may sabi na umasa ako? Ang tanga ko no? ang tanga tanga tanga at sobrang tanga nito."
This time, niyakap ko siya. Lalong lumakas yung iyak niya.
Grabe, unang beses mainlove tapos ganito pa agad? Ang malas malas talaga ni ate.
" stacie..."
"shhhhhhhhhh."
Niyakap din ako ni ate ng sobrang higpit. Hindi ako nagrereklamo kahit na hindi na ko makahinga o kahit na sobrang basa na ng damit ko.
Ngayon niya ko kailangan, aarte pa ba ko? Kung mahal mo ang kapatid mo, damayan mo. Hindi yung ipagdidiinan mo pa sakanya na mali siya. Kailangan niya ng kakampi hindi ng taong bubungangaan pa siya dahil sa ginawa niya.
Makalipas ang isang oras, nakatulog na siya. Hindi ko na siya ginising at hinayaan ko na siyang matulog sa kwarto ko.
[Lhyne's POV]
Nagising ako bigla dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw. Kaya naman bumaba ako sa kusina at kumuha ng maiinom.
Bumalik na ko sa sarili kong kwarto. Salamat kay stacie, naibsan yung kabaliwan ko kanina.
Humiga ako sa kama ko at nagflash back nanaman sa utak ko yung mga pinagsasabi ni james.
please, James. Matutulog na ko. Kahit naman ngayong mga oras na to umalis ka na sa isip ko. Matutulog na ko oh, istorbo ka. Doon ka na kay Ara lumipad. Wag dito. Wag sakin. Tama na... hindi ko na kaya.
Ano bang kasing kasalanan ko sayo at nagiging ganito ako? May kasalanan nga ba ako? Ginusto lang naman kita ah? Hahaha, kasalanan na nga pala yung magmahal. Sorry. Pero bakit ganito, nababaliw na ko.
Baliw na pala talaga ako, baliw na baliw dahil sayo. Walanghiya kang lalaki ka, sayo lang ako naging ganito. Tignan mo, kausap ko sarili ko ngayon. Odiba?
James, sana itigil mo na.... kasi nasasaktan na ko eh.. hindi ko na kaya, anytime ata magb-breakdown na ko.
Ganito ba talaga, kapag nagmahal ka ng patago, patago ka ring masasaktan?"
BINABASA MO ANG
Secretly in Love with a Gangster
Romanceit's all about a girl who will experience different trials to gain her happiness. Then she will meet this two gangster who will change her entire life.